Kali's pov
"Hindi ka ba tumitingin sa dina-daanan mo? Sigaw sakin ng driver ng truck na muntik ng makahagip sakin.
Sana pala kuya tinuluyan mo na ako wala namang mawawala kapag namatay ako eih. Siguro mas magiging mapayapa lahat sa paligid ko, walang kasinungalingan, walang dapat itama na mali.
Okay na sigurong ilibing ako deretso kaysa iyakan ako sa burol ng mga taong manloloko.
Ang lakas magpakita ng suporta-manloloko naman pala sila dalawa ni kuya. Mga punyeta, tangina, pashnea lahat lahat ng mura talaga nakakainis talaga.
Napadpad ako sa isang village na inabanduna ng may-ari ang usap-usapan binenta daw to pero hindi din naman inalagaan ng buyer. Sayang masayang village pa naman to dati katulad sakin nauwi lang rin sa wala lahat.
Naupo ako sa may gutter. Sobrang tahimik sa paligid halatang napabayaan ng sobra ang lugar may mga sapot din ang ilang bahay vintage house lahat ng makikita mo pero halatang maganda lalo na sa interior at design.
Tahimik. Sobra. Napakatahimik akala mo may patay na hindi maaring lumikha ng ingay, malayo rin ang nalakad ko pero nilalamig ako bukod sa umiba ang ihip ng panahon ay dama ko ang lungkot sa nangyari kanina at dito.
Niyakap ko ang sarili ko nang maramdaman ko ang tela na parang balabal na bumalot sakin.
Pag-angat ko ng tingin. "Aleng manghuhula?
Natatandaan ko siya. Siya yung manghuhula na sobrang kilabot ang dapa sakin. Pano siya nakasunod dito? Hindi kaya multo siya? Sadako? Madreng multo? Kaluluwa?
"Patay na po ba kayo? Wala sa sarili kong tanong katulad ng suot niya nung huli ko siyang makita ay nakaitim siya.
Wala siguro siyang damit dalhin ko kaya siya sa mall kawawa naman baka mapunta siya sa mental.
Hinawakan niya ako. "Patay pa ba turing mo sakin?
"Hindi na. Sabi ko pero duda ako sa kanya. "Pero bakit kayo naka black? Huhulaan niyo na naman po ba ako?
Pahula ko kaya kung saan ang yamashita treasure tiba tiba ako neto panigurado. Baka naman kukulamin na ako neto ibarang ako saka ilibing kung saan, ibitay patiwarik saka ipakain sa kalahi niya.
"Mukha yatang malungkot ka. Napatawa ako hindi ko siya kilala pero parang alam niya ang buo kong pagkatao. Iba talaga dumating ang babaeng to.
"Ano po bang ginagawa niyo dito? Huhulaan kung kelan ako mamatay?.
"Minsan mas masakit hulaan ang taong ayaw magpaniwala sa katotohanan. Alangan naman sa hindi ka totoo maniwala.
"Nagsinungaling sila, mga manloloko pamilya ko pa naman.
Hanggang ngayon masama la rin ang loob ko hindi na yata kami magkakaayos lalo na kaming dalawa ni papa.
"Alam mo minsan kailangan magsinungaling para sa ikabubuti ng isang tao kahit pa sa ikakasakit nito. You will never know how much he loves you, he sacrifice his own dignity just to tell you the truth. Ano bang kailangan niya? Masyadong makitid ang utak ni papa para palayasin si mama ang masakit pa dun kinamuhian ko siya.
"Masyado siyang naging kampante. Ni hindi niya ako binigyan ng pagkakataon malaman ang totoo.
"Your father loves you the only way he knows how, he sacrifice everything to keep you safe and loved. Ganun ba yun? Kapag may prinoprotektahan kailangan magsinungaling? Kailangan may masasaktan? Kailangan may mawala? Ganun ba ang ibig niyang sabihin?.
BINABASA MO ANG
Her Painful Misery (UNDER EDITING)
Fiksi RemajaKali Sythe Villamore also known as Kali Villamore. Talented, smart, beautiful and fighter in life wala yata siyang sinukuan na problema sa buhay. Until her heart fall in love with his bestfriend parang nalito lalo ang puso niya. Sa tagal ng panahon...