Kali's pov
Ang sarap pumatay. Sa totoo lang kanina pa ako nang-gigigil dahil hindi ko siya mahanap maski na text ko walang kahit isang reply na nakalaan para sakin tapos ngayon makikita ko lang sila.
Magkasama.
Normal yun, may kasintahan sila eih pero anak ka ng nanay mo agawin ba naman ang partner ng may partner hindi iinit ang ulo mo sa galit.
Baka pwedeng tanggapin sa langit kapag kumatay ako. Isa lang naman eih, dadalhan ko na lang si san pedro ng bagong alaga para makapasok ako, pambihirang buhay naman to oh bakit ngayon pa.
Mas okay na sana kung maaga sinabi na mangyayari to kaso on the spot so pano na ako neto?
Tutunganga ako neto
Nag start ang music nila at mas lalong nagpa-init ng ulo ko. Kanta namin yun! Pambihira naman wala ba silang kanta na hindi namin prinactice.
Pano na ako neto.
Tuwang tuwa sila habang nag pe-perform. Nayukom ko ang kamao ko talagang gayang gaya nila ang version namin nice acoustic of filipina girl. Just great divine this is what you want, just wait.
You'll taste your own medicine.
Maghintay ka lang. Babawian kita pagkatapos neto hindi kita palalampasin. Punyeta kang babae ka ako nanahimik, habang nag peperform sila tumama ang tingin namin ni divine.
Pang-asar ang tingin niya, nakangisi siya habang kumakanta.
Naramdaman ko tingin ng mga kaibigan ko pero pinangsawalang bahala ko lang yun. Wala akong oras para makinig sa kanila gusto ko silang sugurin pero ayokong gumawa ng eksena dito napakaraming tao.
"Umuwi na tayo. Sabi ko saka naunang maglakad. Ano pang saysay ng pagpunta ko dito wala na rin naman akong partner, wala na rin akong kakantahin.
Nakayukom pa rin ang kamao ko nang di ko namalayan na pangalan ko na ang tinatawag. Lumingon ako pero agad din akong tumalikod maglalakad na sana ako para umuwi pero may humawak sa kamay ko.
Hinila ako papunta sa stage dun lang ako bumalik sa huswisyo. Hindi ko mawari, anong gagawin namin dito?
May kinuha siya bago dahan dahan bumalik papunta sa gitna kung san ako nakatayo. Tumingin ako sa harap at hawak nila iris ang lettering ng pangalan ko na naka-balloon. Sila athena naman hawak ang banner, sunod kong tiningnan si kuya at nakangiti siya sakin kasama niya si papa.
Binalik ko ang tingin kay yohanne. Ngumiti siya sakin na parang nagpapahiwatig na magiging maayos ang resulta nito.
Binigay niya sakin ang mic."Mi reina, kali.
"Thank you so much. Hinawakan niya ang kamay ko saka nag start ang music na ikinangiti ko.
Kahit kailan siya ang nagong karamay ko. Parati niya na lang ako sinasalba lalo na sa ganitong pagkakataon. Dapat talaga Hero pangalan nito baka siya si batman? Superman? Lastikman? Basta lahat ng may man.
[You: by Jona]
You give me hope
The strength, the will to keep on
No one else can make me feel this wayAko ang unang kumanta. Kahit ganun rinig na rinig ko ang sigawan ng mga nanonood lalo na ang mga kaibigan ko, halatang kinikilig base sa kanilang ekspresyon.
And only you
Can bring out all the best I can do
I believe you turn the tide
And make me feel real good inside
BINABASA MO ANG
Her Painful Misery (UNDER EDITING)
Teen FictionKali Sythe Villamore also known as Kali Villamore. Talented, smart, beautiful and fighter in life wala yata siyang sinukuan na problema sa buhay. Until her heart fall in love with his bestfriend parang nalito lalo ang puso niya. Sa tagal ng panahon...