Chapter 2

110 37 4
                                    

"Bro, busy ka ba?"

'Yan ang bungad na tanong ni Jacob sa akin habang nakikita niyang may hawak akong paintbrush at puno ng paint. Tinignan ko lang siya at tinuro ang ginagawa ko. Kailan pa siya nakapasok dito? Wala man lang pasabi na pupunta rito sa bahay.

"Ano muna ginagawa mo rito?"

"Pinapasok na ako ni ate, eh. Chinat kaya kita."  blangko ko lang siya tinignan, nagpepaint nga ako paano ako makakapagcellphone. Tumayo ako at pumunta sa kusina para maghugas ng kamay hanggang braso.

"Ano bang ginagawa mo? PeTa ba?" tumango ako. Napatango-tango lang din siya. "Sabay naming gagawin ni Alicia 'yung amin, eh."

Napatigil ako sa pagkuha ng tissue at napatingin sakaniya, "Oh?" tanong ko, "Eh, si Cian?"

"Ewan." Tinaas lang niya balikat niya. Tumango lang ako saka tinapon 'yung tissue na ginamit ko. Bumalik na kami sa sala, pinatuyo ko muna 'yung painting na gawa ko, saka ko papatungan uli ng bago mamaya.

"Ano uling kailangan mo? Bakit ka nandito?" binuksan ko 'yung T.V para makanood din si Ben, kapatid ko.

"Tulungan mo nga ako, birthday ko na next next month."

"Oh, hihipan ko ba 'yung kandila sa cake para sa'yo?"

"Hindi pero tulungan mo kong gawin 'yung invitations ko." napatingin ako sakaniya, seryoso kasi pagkakasabi niya.

"Ha? Bakit hindi ka magpagawa?" ang dami daming nagpapacommision sa twitter or kung saan.

"Ah, kasi nag-offer sila mama na sila na lang daw kaso sabi ko kaya ko na, it turns out hindi pala kaya tulungan mo 'ko." nakangiti siya sa akin, siya pinakabata sa aming tatlo nila Leo. Hindi naman niya legaltity.

"Bakit parang sobrang abala ka sa birthday mo na 'to, anong meron?" kadalasan kasi kakain lang kami sa labas kasama si Mandy, since siya lang 'yung kasama niyang pamilya rito.

"Uuwi sila this year, sinakto na sa birthday ko," napatango ako, huling kita ko ata sakanila last 3 or 4 years ago pa ata.   

~

Pasahan na noong painting na pinagawa sa amin. Hindi ko lang alam kung kailangan ba namin magpresent sa harapan dahil after lunch pa ang subject namin na 'yon pero dahil sa connection, tulad ni Jacob, nalaman namin na need nga ipaliwanag.

Panibagong linggo na naman, hindi ko alam kung magaling na ba siya kasi hindi naman kami nag-usap noong weekends, wala naman akong sasabihin atsaka kasama naman niya si Jacob so mukhang ayos na.

"Kinakabahan ba kayo?" sulpot ni Jacob dito sa room. Umiling lang ako, hindi naman ako kinakabahan kasi may dahilan ako bakit ito 'yung pinaint ko, sasabihin ko lang naman sakanila.

"Ako rin hindi. Bakit ikaw? Hindi ka nakapagpresent kanina noh?" tanong ni Leo.

"Oo, ubos na time, eh." ngumiti siya ng malapad, swerte naman. "Wait may papanood ako sainyo." lumabas siya ng room.

Maya-maya napatingin kami dahil bumukas uli 'yung pintuan, si Jacob uli, pero this time kasunod niya si Alicia na parang hinahabol niya talaga. "Hoy, Jacob akin na, nakakahiya kaya."

"Sus, sila Leo lang 'yan bakit ka mahihiya?" tumingin sila pareho kay Leo, pagkatapos ay sa akin. Umiwas siya ng tingin at bumalik sa pagkuha noong phone kay Jacob.

"Alicia, panood na para hindi na kami kabahan ni Vern." napatingin ako sakaniya. Tumango na lang ako, gusto ko rin mapanood.

Pumagitna si Jacob sa amin ni Leo, hawak niya sa dalawang kamay niya 'yung phone niya. Pinlay na niya 'yung video. Tumingin muna ako sakaniya na nakaupo sa upuan na nasa harapan ni Jacob.

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon