4 months na simula nung umamin si Vern, it means 5 months na rin kami ni Jacob. Magbabakasyon na rin kami, inaantay na lang namin yung graduation namin, college na kami next year."Hindi ko pa alam pipiliin ko, paano na?" tanong ko kay Cian. Nandito kami sa bahay ko, inaantay namin si Jacob dahil mag-eenrol na kami.
"Ha? Si Jacob pinili mo diba? Anong hindi mo alam?" naguguluhan naman na tanong niya. Natawa tuloy ako.
"Course kasi, college na tayo sa pasukan."
"Ay talaga? Gago, parang two years ago umiiyak ka kasi papasok ka na ng school." sinamaan ko siya ng tingin.
Natawa na lang ako dahil naalala ko yung kadramahan ko dati. Iyak pa ako ng iyak kay mama dahil siya yung pumili ng school ko. Sabi niya pa na kasama ko naman daw si Cian kaya magiging okay ako. At ayun nga ang nangyari.
Bumisina na sa labas si Jacob kaya umalis na kami ni Cian. Dala namin yung papers na kailangan. Kinuha ko na rin yung mga mail na nasa mailbox at inilagay sa envelope, alangan naman bumalik na naman ako sa loob, edi dadalhin ko na lang.
Sa shotgun seat si Cian samantalang sa likod naman ako umupo. Napakunot naman ang noo ko nang bumaba si Jacob at kumatok sa bintana. Binuksan ko naman yun saka niya ako hinalikan sa pisnge.
"May course ka na ba, babe?" tanong niya, nirest niya pa yung braso niya anuhan ng window.
"Wala pa, ang hirap pumili." sagot ko. Tumango-tango naman siya.
"How about I.T?" tanong niya. Iyon kasi ang kukunin niya. Si Cian naman nursing ang kukunin. Si Leo at Gale, mag-aabogado ata yung mga 'yon, goals. Si Vern, hindi ko alam, hindi na kami nag-uusap.
"Ayoko. Architect na lang." yun lang kasi yung posible sa strand na kinuha ko. Tumango naman siya saka sumakay na sa driver's seat.
Madali lang naman yung entrance exam. Hindi na namin kailangan mag-interview dahil dito rin naman sa school kami magcocollege.
Graduation na namin ngayon. Pumunta yung parents namin. Kinakabahan lang ako dahil first time akong ipapakilala ni Jacob sa parents niya as his girlfriend, ngayon lang sila nagkaroon ng time.
"Querovin, Alicia Monica V., With high honors." naglakad na ako sa stage saka kinuha ang diploma ko. Nagstop lang ako para sa pictures them bumaba na ako at umupo.
"Araullo, Marc Jacobs F., With honors." pumalakpak ako. Boyfriend ko yan!!
"Velasco, Cian Kendrick H." nakakalungkot lang dahil nawala siya sa honors but still, I'm so proud of him. Isinantabi niya muna yung lovelife niya, sarili niya raw muna iisipin niya.
"Hampton, Louis Ethan K." wala siyang honors pero I'm still proud dahil ginawa niya yung best niya.
"Flores, Luna Abigale S." nilakasan ko rin yung palakpak ko sakaniya. Isa siya mga close friend kong babae.
"Jiminez, Jane Angela Q." pumalakpak ako.
"Cole, Vernon Adrian P." pumalakpak pa rin ako kahit hindi kami in good terms. He's still a friend for me.
Natapos na yung ceremony pero kanina ko pa siya hinahanap. Huling kita ko sakaniya ay noong bagong taon pa, hindi rin nabanggit ni Mom kung bakit sila nag-usap ng matagal ni Aries.
"Congratulations!" bati agad sa amin ni Mandy paglabas. Magkasama na yung mga parents namin. Hinug ko naman agad si Mom at Dad.
"Congrats, anak!" sabi ni Dad saka hinalikan ako sa noo. Katabi niya si Mom na paiyak na
Inabot nila yung bouquet ng flowers kay Jacob, graduation eh, parents naman ni Jacob ang nagbigay ng flowers sa akin.
Tumunog naman ang phone ni Mom, may tumatawag sakaniya. I swear, kapag ayan work related na naman magwawala na ako.
"What? Okay, I'll be there." naparoll eyes na lang ako.
"Work?" tanong ko. Tinignan naman niya ako ng malungkot. Oh, so she need to leave again?
"No. See you later, honey! Congrats. I love you." niyakap niya ako saka nagmamadaling umalis kasama si Dad. Inakbayan naman ako ni Jacob saka hinarap ako sa parents niya.
"Mom, can we resched the dinner? Let's do it next time."
"Okay, sure. By the way, nice meeting you again, Alicia." ngumiti sakin yung mommy niya pati daddy niya, yung lagi niyang kaaway. Umalis na sila.
Lumapit naman kami kela Leo, nagpipicture.
"Picture kayo riyan." nagpose naman kami ni Jacob, pinakita naman yung mga medal namin. Tamang flex lang.
Pagkatapos namin magpicture, kaming lahat naman nagpicture, kasama si Vern at Jane.
"Saan tayo pupunta?" tanong ko, hindi kasi kami sumama kela Leo, akala ko roon kami sasama kaya pinaresched niya yung dinner.
Hindi niya ako umimik kaya sumandal na lang ako at natulog. Itutulog ko na lang sama ng loob ko.
Nagising ako dahil mabato yung dinadaanan namin. Ito yung beach kung saan namin tinapon yung abo ni mama, favorite place niya kasi 'to.
Bumaba na kami pareho, walang masyadong tao. Umupo kami sa may seashore.
"Mama, alam ko po na isa ka sa pinaka-importante kay Alicia kaya pati rin po sainyo magpapaalam ako." napatingin naman ako sakaniya. Nakatingin lang siya sa dagat.
"Pangako ko po sainyo na tutulungan ko siyang matupad mga pangarap niya sa buhay. Lagi po akong susuporta sa mga desisyon niya, hindi po ako magiging hadlang sakaniya. Hindi po ako aalis sa tabi niya." nag-uumpisa na mamuo ng luha sa mga mata ko. Bakit ba siya ganito?
"Yung pagmamahal ko po sakaniya mahigit isang taon na. Salamat po kasi pinilit niyo siyang mag-aral dito, kasi kung hindi ko po siya nakilala, hindi ko na po alam kung nasaan ako ngayon. She really inspired me to fight again."
Naalala ko pa yung mga mala-essay na advice ko sakaniya. Minsan pa nga, nagtatalo kami dahil hindi nagtutugma yung mga pananaw namin sa buhay.
"Ma, lagi mo kaming bantayan ha. Kapag nag-away kami, pabain mo yung pride namin. Hindi ko kasi kayang mawala rin siya sa akin. Siya lang yung nandiyan kapag kailangan ko ng kakapitan." ngumiti naman siya sa akin. Hinawakan niya ang pisnge ko saka pinunasan ang mga luha.
Hinawakan niya ako sa bewang at inilapit sakaniya. Sumandal naman ako sa balikat niya. Pinapanood namin ang paglubog ng araw.
"Sorry to interupt you. Alicia may kailangan kang malaman." napatayo naman agad si Jacob nung makita ni si Vern. Tumayo na lang ako, baka mag-away pa sila.
"Ano na naman ba 'yon?" iritang tanong ni Jacob.
"Hindi ako nagpakapagod na pumunta rito para makipagtalo sa'yo." sagot pabalik ni Vern.
Huwag ko na lang sila awatin kapag nag-away, noh.
"Bakit? Hindi ako nakikipagtalo sa'yo. Tinatanong kita kung anong kailangan mo kay Alicia." kalmado pero may inis yung tono niya.
"Ikaw ba si Alicia?" Ako! Ako si Alicia!
"Ano ba 'yon, Vern?" napalingon naman silang dalawa sa akin.
"Yung mom mo, nasa ospital."
Follow me on twitter: @kasenic7
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Fiksi RemajaShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...