Chapter 14

55 26 1
                                    

"Alicia, bakit merong reviewer si Vern tapos ako wala?"

"Ay? Medyo demanding ka sa part na 'yan, Jacob."  natatawa kong sagot.

Pagkatapos sabihin ni Vern 'yung admire admire na 'yon—na by the way, hindi mawala sa isip ko ilang araw na. Like? Anong ibig niyang sabihin doon?

Anyways, binigyan ko siya ng copy ng reviewer kasi sinamahan niya ako at pinahiram ng notes, to return the favor lang.

“Unfair. Ako kaya ang kaklase mo.”

“Para kang gago.” sabat ni Vern at binatukan siya gamit ‘yung hawak niyang nakarolyong papel. “Oh. Dali-dali lang hiramin.”

“Sus. Kanina kaya hindi ka nagpapahiram.”

“Inaaral ko pa kanina. Hilig mo mang-istorbo.” tumingin siya sa akin dahil ako ‘yung naistorbo.

“Thank you atsaka sorry!” cheerful naman ang boses niya. Tumango lang ako dahil nakatuon na ako sa reviewer.

Hindi kami nagpansinan ni Vern hanggang sa tumunog ang bell. Lumabas din siya nang hindi ako pinapansin. Ayos lang naman atsaka baka si Jacob lang talaga ang pinunta niya.

Mayroon kaming tatlong exam ngayon at nairaos din! Kahit tatlo ang subject na meron ako ngayon, madadali lang naman sagutan ang laman ng mga 'yon.

Inaayos ko na ang mga gamit ko nang nilapitan ako ni Jane. I asked her by raising my eyebrows.

"Sabay tayo uwi. May ikwekwento ako." nakangiti niyang sambit. Iba ang aura niya ngayon, ah.

Napatango naman ako agad. "Sure sure"

Sinuot ko na 'yung backpack ko at sabay na kami lumabas ng room. Lumingkis lang siya sa braso ko at hindi pa nagkwekwento siguro pagkalabas pa ng building namin dahil marami pang pwedeng makarinig sa amin dahil nagkakalat ang mga tao.

"Ha? Ano? Magkakasama kayo nila Leo noong usang araw?" hindi ako makapaniwala sa mga sinabi niya. Hindi ko nga alam na close sila. Ningitian niya lang ako gamit ang eye-smile niya.

"Oo ngaa," nahihiya niyang sabi.

So kung siya ang kasama ni Leo noong isang araw. Siya 'yung kinakainisan ko? Kasama ko maglakad pauwi kinakainisan ko? Ang plastic ko naman kung ganon, charot. Eh, s’yempre hindi ko naman alam na siya ‘yon. Hindi ko rin nabosesan doon sa video.

Teka, ang tanong ay bakit niya sila kasama?

"Anong meron? Bakit mo sila kasama?"

"Inaya ako ni Leo, eh." hmmm. Si Leo? Hindi kami close at wala akong nababalitaan tungkol sa kaniya. "Promise, Alicia. Aayain sana kita kaso hindi na kita makita after nilang lumabas."

Natatawa ako sa inaasal niya dahil para siyang natataranta dahil akala niya siguro ay magagalit ako sa kaniya.

“Hmm? Bakit ka naman inaya?” puno ng malisya kong tanong.

“We’re kinda talking kasi. Matagal na nga, actually.” napatango naman ako roon. Naunahan pa ako ni Jane magkalovelife.

“When pa?” tanong ko uli.

“Before pa magbirthday si Jacob?” nagulat ako sa sagot niya samantalang siya nahihiya pa rin. Ganon na katagal kaso kung tutuusin, last month lang naman ‘yon.

Natutuwa pa naman ako kay Leo at sa kapatid ni Jacob tapos may Jane na pala sa usapan. Muntik ko pa talaga sila asarin kasi silang dalawa ang magkasama noon. Wala naman akong alam! Alam kaya ni Vern ‘to?

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon