Weekends na! Papunta kami sa mall dahil inaya ako ng kapatid ko, wala naman akong masyadong gagawin na school works atsaka ang tagal na naming hindi nakakalabas na magkuya. Maganda rin para makapaghanap na rin ako ng inspiration para sa pinapagawa sa akin ni Jacob."Kuya, let's go inside, I want some books." Bumitaw siya ng hawak sa kamay ko at tuloy-tuloy siyang pumasok sa bookstore.
Nagring ang phone ko kaya hindi ako agad nakasunod sa kaniya, hindi pa nga ako nakakapasok sa store. Pagkatingin ko kung sino ang tuatawag, nakita kong tumatawag si Mom.
"Yes? Hello, mom. Bakit?"
[Wala lang. Just checking. Huwag puro laruan bilhin niyo, ha!]
"Kakarating lang namin though." Naglakad na ako papasok, hinahanap siya. "Nasa bookstore lang kami, may kailangan din akong i-check, eh."
[Okay. Ingat kayo. Umuwi agad before 6.] napatingin ako sa relo ko,
"Mom, 5:45 na." natatawa kong sabi, narinig ko ring tumawa siya. Huminto na ako nang nakita ko siya sa isang aisle na puro coloring books.
[Just kidding, umuwi kayo bago ko isarado ang gate. Ingat. Love you!]
"Yes po. Thank you, love you." Binaba na niya 'yung tawag.
Iniwan ko muna si Ben doon dahil matagal pa siya pipili, alam naman niya saan ako aantayin para mabayaraan 'yon. Nagtingin tingin muna ako ng mga libro. Mahilig ako magbasa kung meron akong free time. As in free time na kahit utak ko makakapagpahinga.
Pagbalik ko kung nasaan siya kanina ay wala na siya roon. Asan na yung kapatid ko? Sinubukan kong hanapin sa coloring section pati na rin sa iba pang aisle ng bookstore kaso hindi ko siya makita. Bumalik ako kung saan ko siya iniwan kanina.
"Baby boy, bawal mo ito ilabas. Kailangan mo muna bayaran." Rinig kong sita nung lady guard sa isang bata ata.
"May kasama ka ba? Nawawala ka ba?" rinig ko uli, hindi ko na binigyan ng pansin kasi hinahanap ko pa si Ben pero familiar 'yung boses nung bago niyang kausap.
"Nawawala si kuya" napalingon ako nang marinig ko boses ni Ben.
Hindi ko mamukhaan 'yung kausap niya na isa kasi natatakpan niya, nakaluhod kasi 'to para magkatapat sila. Ang layo ko na pala sa entrance kakahanap sakaniya tapos siya naman pala ang pupunta roon.
"Hala, huwag ka umiyak," nakita kong nataranta siya nang napupunas na ng mata si Ben. Tinap-tap niya pa ito sa balikat. Tumi-tingin pa siya gilid, hinahanap ako. "Hanapin natin kuya mo. Nasaan ba siya?" tanong niya kay Ben.
Napangiti at napailing ako, kaya pala familiar.
"Hinahanap nga rin niya, eh." sabat ko. Napatingin naman silang dalawa sa akin. Lumapit agad sa akin si Ben at niyakap ako, binuhat ko siya dahil mukhang malapit na siyang umiyak. Nagulat naman si Alicia na nakita niya ako.
"Kuya, sorry..." yumakap siya sa leeg ko at umiyak sa balikat ko.
"Shhhh. Bakit ka nagsosorry?"
"Bumitaw kasi ako sa'yo, dapat pala inantay na lang kita." Tahimik lang siya umiyak kaya hindi kami nakakadistorbo sa ibang tao, gumilid na rin kami at kasama si Alicia.
"Ayos lang 'yon, huwag ka na umiyak. Nandito na si kuya."
Tumingin ako kay Alicia saka ngumiti at tumango. "Thank you."
"Huwag ka na umiyak, baby." Sambit niya saka lumapit siya kay Ben, pinunasan niya pa noo nito.
"Umiiyak ba ako?" tanong ko. Tinignan naman niya ako na nakakunot ang noo, pareho kaming natatawa pero pinipigilan lang. "Joke lang."
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Teen FictionShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...