Alicia POV
Nakaupo kami same as sa table ng celebrant, so medyo nasa harapan kami na table. Noong isa-isang nagbibigay ng speech 'yung family members ni Jacob, hindi ko mapigilan maiyak. How I wish ganito rin pamilya ko sa akin.
"Oh, umiiyak ka ba?" napatingin silang lahat sa tanong ni Jacob. Napapikit-pikit tuloy ako, hindi ko naman namamalayan na umiiyak na pala ako. "Bakit?"
"Ah, hindi. 'Yung something sa confetti, pumasok ata sa mata ko." nakita ko naman sa gilid ko na lumapit si Vern sa akin ng kaunti.
"Gusto mo ng tubig?" bulong niya nang wala na sa akin ang tingin nila Jacob. Tumango na lang ako, nauuhaw na rin ako. Atsaka after ata nitong greetings nila ay 'yung sayaw na.
At hindi nga ako nagkamali, pagkabalik niya ay pinatayo na kami agad dahil we will open the dance floor daw, hindi naman sarado? Nilapag niya agad 'yung baso at pinunasan ang kamay niya ng napkin saka inoffer 'yon sa harapan ko. Tinanggap ko naman at tumayo na.
"Bakit ba sila nagmamadali? Hindi ka tuloy nakainom ng tubig." sambit niya nang magkaharap na kami, inaantay na lang ang music. Tumawa lang ako.
Tumugtog na 'yung music. Muntik ko na makalimutan gumalaw mabuti na lang at nadala ako ni Vern. Nagkatinginan pa kaming dalawa at natawa. Hindi naman halata na masyado kaming masaya? Kanina pa kami tumatawa.
"Nasabi ko na ba?"
"Na? Ang alin?"
"You look good today." I bit my inner cheek para mapigilan ko ang sarili ko ngumiti. "Actually, everyday naman. I mean-"
"Gets ko naman. Thanks!" I know how to receive a compliment. "Ikaw rin. Bagay sa'yo suot mo."
I did my best not to stutter. Baka isipin niya hindi ako sincere sa sinabi ko. Bagay nga sa amin dalawa mga damit namin, same color palette.
Ngumiti lang siya saka medyo umiwas ng tingin. "Thanks."
Hala nahiya ba siya? Hahaha ang cute naman. Friends naman kami ah, normal lang na magcompliment sa isa't isa.
"Friends naman tayo. Okay lang 'yan." I tap his back since nakapatong naman 'yung isa kong kamay sa shoulders niya.
"Talaga? Friends na tayo?"
"Huh?" tumawa lang siya saka kinindatan ako. Hindi na siya nakasagot dahil need na mag-iba ng partner.
Ang rotation namin ay clockwise so papunta sa right namin. Si Leo na ang kaharap ko ngayon. Ningitian niya lang ako kaya ngumiti lang ako sa kaniya pabalik. Hindi kami nakapagkwentuhan dahil wala naman kami pag-uusapan, sumayaw lang talaga kami.
Nahagip naman ng mga mata ko si Vern saka ‘yung lola ni Jacob. Since wala si Aries, ewan ko ba ayos naman siya maglakad anong inaarte niya, pero mas okay na rin siguro kasi sila magiging view ko? Baka masira lang mood ko, joke. Binalik ko na lang ang atensyon ko sa kanila, ang cute nila. Lalo ko lang namiss ang lola ko, hays.
"Happy Birthday!" agad kong bati sa kaniya nang mag-iba ang uli ang music.
“Thank you, Ms. Gorgeous.”
“Ohhh, I like that nickname.” tumawa kami pareho. We just dance, hindi na rin kami nag-usap, ngitian lang.
Natatawa ako dahil mukhang naiirita si Mandy, na partner na ni Vern ngayon. Iniinis na naman siguro, kawawa naman ‘yung bata. Naging close na rin kaming dalawa, mutuals na nga kami sa mga social media accounts namin. Noong una kasi parang ang ilang namin dahil mukha nga siyang mataray tapos close pa sila ni Aries.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Genç KurguShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...