"Sasama ka ba Vernon?" Tanong sakin ng tropa ko. Pinag-iisipan ko pa kung sasama ako o hindi. Gastos na naman kasi, ako na naman manlilibre.
"Kasama si Josh. Sumama ka na" panghihikayat naman ni Leo. Speaking of Josh, pumasok siya sa room. Akala ko ba aalis?
Pagpasok namin madami pang kabatch namin ang nandoon. Napalingon naman ako nung sumigaw si Josh na parang may nakitang kamag-anak na nasa ibang bansa.
"Si Alicia ba 'to? Ay oo nga si Alicia nga!" nakipag-apir siya kay Alicia. Habang magkahawak pa sila ng kamay nagsalita siya uli.
"Grabe, I miss you na!" Maligayang sabi niya. Ang oa naman nito ni Josh, kala mo hindi magkatabi room namin.
"Ikaw kasi di ka namamansin" natatawang sabi ni Alicia. Siya pa talaga nagsabi niyan, huh.
"Ako? Hindi namamansin? Baka ikaw. Nandiyan lang naman ako sa hallway" tama.
"Tutunganga ka na lang diyan? Nauunahan ka na naman tsk." napatingin ako kaagad kay Leo. Dahil alam kong nang-aasar lang siya, papatulan ko siya.
"Matagal na akong naunahan." narinig ko naman siyang tumawa.
Naunahan na ako pero ayos lang yon, wala na akong magagawa roon. Masaya naman sila. Mas gugustuhin kong makita siyang masaya sa iba kesa naman sa mahirapan siya.
"Siguro kung nakakapatay yung titig mo baka may pinaglalamayan na." Natatawa niyang sabi. Ano bang trip nito?
"Ulol, ganito lang ako tumingin." sambit ko, ganito lang naman talaga mga mata ko.
Narinig kong tumawa uli si Alicia kaya napalingon ako sakanila. Ang saya niya. Sana laging ganyan, masaya lang siya.
Dahil kung hindi siya masaya, hindi ako magdadalawang isip kunin siya kay Jacob.
"Josh, tara na kung gusto mo pang mabuhay." Sabi ko kay Josh. Lumingon sila pareho kaya nagtama ang paningin namin. Agad siyang umiwas at tumingin kay Leo at ngumiti.
Oh, edi iwasan niya ako. Sanay na ako.
Napatingin naman kami sa pinto dahil bumukas iyon. Si Jacob. Napaiwas ako ng tingin dahil hinalikan niya si Alicia sa noo. Ang bastos naman kung papanoorin namin yun diba.
"Hindi mo kasama si Gale?" tanong ko. Umupo kami rito sa likod, ang tagal ni Josh.
"Magkikita nga kami roon, kaya nga dalian natin. Kasama niya si Jane." ay, kaya naman pala. User.
Tumunog naman ang phone ko, tumatawag si mom. Sinagot ko ito. Napakunot ang noo ko dahil narinig ko siyang umiiyak.
"Anong meron? Mom?" tanong ko, hindi siya umimik.
"Pumunta ka na rito." binaba na niya ang tawag.
"Bro, una na ako." tinap ko siya sa balikat at tumakbo na ako palabas. Sumakay ako agad sa kotse at nagdrive papuntang bahay.
Pagdating ko sa bahay, ang gulo-gulo ng bahay. Naabutan ko si Ben sa pintuan, umiiyak din.
"Anong nangyari?" nag-angat siya ng tingin sa akin saka niyakap ako.
"Nag-away sila mommy at daddy...May mga narinig pa akong basag ng baso." umiiyak niyang sabi. Iniwan ko siya roon at umakyat na ako agad. Rinig na rinig ko yung boses ni mommy.
"Sabihin mo nga sakin, mahal mo pa ba siya?" umiiyak siya. Minasahe ko yung ulo ko, kailangan kong kumalma, baka anong magawa ko ngayon dito.
"May anak lang kami, that's all." ooh, alam na ni mommy? Paano? Matagal ko na siyang alam, siya pa nga mismong nagsabi sa akin.
"Nakadalawang anak tayo, hindi mo man lang sinabi sa akin?" hindi ko alam kung papasok pa ba ako sa kwarto nila o manonood lang ako rito sa labas, nakauwang naman kasi yung pintuan.
I heard a slap. My dad deserves it, to be honest. Naiintindihan ko si mommy, ikaw ba naman pagtaguan ng sikreto for how many years. Mabait ako kaya inawat ko na sila. Buti sana kung ako lang maapektuhan, kaso may Ben.
"Mom, Dad, can we talk about this kung wala si Ben at kung kalmado kayo pareho?" I try my best to sound calm. Kailangan kong kumalma para sila rin kumalma.
"Oh, right! Ben" nagmamadaling bumaba si Mommy. Tinignan ko lang si Daddy, nag-iwas siya ng tingin sa akin saka umupo na sa kama nila.
"Dad, everything is going to be okay, okay? Mali yung nagawa mo pero atleast nasabi mo na." tumabi ako sakaniya. Nag-ikot ako ng tingin, bukas ang mga drawer ni Daddy.
"I really love your mom" mangiyak-ngiyak na sambit niya. May magagawa ba kung iiyak siya? Edi patunayan niya kay mommy.
"Then prove it to her, that's the only way." tumango siya.
"Thanks, son. Thank you for understanding me. Kahit minsan nagkukulang ako sa'yo." ngumiti lang ako sakaniya.
Isa 'to sa natutunan ko kay Alicia. Maging open-minded para maintindihan ko yung mga tao sa paligid ko. Magkaiba man ang lumalabas sa bibig ko at sa iniisip ko, maiintidihan ko iyon dahil ginawa ko ang tama.
Bumaba ako at nakita ko si Mom na inaayos yung mga gamit niya. Nakakunot lang ang noo ko na pinagmamasdan sila, parang wala akong lakas na pigilan sila.
"Babalik kami. I just need some time to accept everything." sabi niya saka hinawakan ako sa pisnge. Hinila niya si Ben at umalis na sila.
I can't even hate her sa pagsira niya sa pamilya ko. Wala siyang kasalanan, bungga lang siya ng kasalanan na ginawa ng magulang namin.
"Ayoko na sa buhay ko, pre. Nakakapagod na, hindi ko na alam kung saan ako gagalaw." uminom ako ng beer, kasama ko si Leo. Dito lang kami sa bahay nila.
Ang dami kong hinanakit at sikreto na gustong mailabas pero hindi ko magawa.
"Sus, kaya mo yan! Ikaw pa ba? Hindi tayo pinalaki ng ganito ni Alicia." natawa naman ako. Kay Cian lang dati nagpapaka-mom si Alicia dahil fragile si Cian hanggang sa pati kami nadamay na rin.
Yun yung isa sa dahilan kung bakit ako nagkagusto sakaniya.
"Hindi nag-aaya, ganyan na kayo ah" gulat kaming napatingin kay Jacob. Hindi kasi kami okay, e.
"Hindi kasi kayo okay, ang hirap kaya maipit sainyong dalawa, parehas ko kayong kaibigan eh. Magbati na kayo." utos ni Leo. Kumuha naman si Jacob ng isang bote, binuksan iyon at nakipagcheers sa akin.
"Okay naman kami ah." tumabi siya sa akin. Nakita ko ang wallpaper niya, syempre sila ni Alicia.
Natawa ako ng kaunti, ang sakit pala.
What are your thoughts about this chapter? Interact with me on twitter! @kasenic7
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Ficção AdolescenteShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...