Nandito ako ngayon sa laundry shop na pagmamay-ari rin noong nirentahan naming mga damit. Iniwan kasi naming dito 'yung damit para malabhan kasi nga laundry shop. Actually, nakuha ko na 'yung akin noong isang araw, kaso lang nakipagpalit si Leo sa akin dahil medyo masikip daw 'yung suit sa kaniya, maluwag naman sa akin kaya pumayag ako."Vern Cole." sabi ko roon sa front desk. Tumawag daw si Leo para palitan ng pangalan ko 'yung nakapangalan doon sa magpick up.
"Nakuha na po," huh? Ang sabi sa akin ni Leo, ako na lang daw kumuha rito dahil nagpalit nga kami. So paanong nakuha na?
"Leo Hampton." sabi ko uli.
"Nakuha na rin po."
"Kanino na lang natitira noong pinalaundry last week? 'Yung may tatlong gown?"
Chineck niya pa uli sa monitor. "Wala na po,"
Napakunot naman ang noo ko pero wala naman na akong magagawa, wala raw, eh. E'di wala. "Thank you."
Lumabas na lang ako, mukhang uulan na naman. Makulimlim kasi, o baka sunset na? Lubog na 'yung araw kaya medyo madilim na.
Umupo muna ako at hindi ko muna i-start 'yung kotse. Napapaisip lang ako. May kumuha ba n'on? Baka may kumuha nakalimutan lang ako sabihan. Bibili ba ako ng bago? Sa makalawa na 'yung party. Sinong tatawagan ko? Si mom? Si Leo? Si Alicia-
Alicia? Bakit bigla ko siyang naisip? Nakit ko lang 'yung sunset, naalala ko na siya agad?
Teka nga.
Napabalik ang tingin ko roon sa nasa loob ng laundry shop. Siya 'yon 'di ba? Siya ba 'yon? Wow, what are the odds? Nandito rin siya? Eh, hindi ba't wala nang natirang damit?
Bumaba ako uli saka nagmadaling pumasok doon uli. Napatingin naman sila sa akin dahil gumawa ng ingay 'yung bell thingy rito sa may pintuan.
"Vern?" gulat niyang sabi. Hindi ako umimik, lumapit lang ako sa tabi niya saka pinatong 'yung dalawang braso ko sa mesa at sumandal.
"Nakuha na raw mga damit? Ginagawa mo rito?" tanong ko.
"Bibili ng bago,"
"Weh? Nawawala rin 'yung akin, bili na rin ba ako?" tanong ko. Dapat tanong ko lang 'yan sa sarili ko kaso napalakas ata ang pagkakasabi ko, pero okay lang, need ko rin ng opinyon ng iba.
"Ikaw bahala. Bukas na 'yung party, 'di ba?" tango lang sinagot ko.
Iniwan kaming dalawa noong staff. Lumayo muna ako ng kaunti at kinuha ko 'yung phone ko saka tinawagan si mom. Mabuti na lang at sumagot siya agad. Hindi pa ako nakakapagsalita, nagsalita na siya agad.
[Tatawagan palang sana kita, nandito 'yung damit mo. Nagpalit ba kayo ni Leo?] Nagulat ako sa sinabi niya, sa gulat ko ay napatingin ako kay Alicia na tahimik na nag-aantay.
"Huh? Kailan dumating 'yan?"
[Kanina lang, mga 5 minutes before this call.]
"Okay po. Thanks."
[Bakit ka tumawag?]
"Nandito kasi ako sa laundry shop, wala raw damit ko. I was thinking if magrerent ako ng isa pa just like Alicia-"
[Wait. Magrerent uli si Alicia? Bakit?]
"Wait. Talk to her na lang."
Lumapit ako kay Alicia saka inabot 'yung phone ko, hindi ko alam isasagot ko kasi hindi ko naman alam. Kunot noo niya akong tinignan pero nang makita niya 'yung contact name, kinuha niya rin sa kamay ko 'yung phone.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Fiksi RemajaShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...