"Hi!" bati ng isang batang babae sakaniya "Nandito po kayo uli?"
Ningitian niya lang ito at hinawakan ang kamay papuntang hardin para makalanghap sila ng sariwang hangin saka mas maaliwas ang paligid.
Nang makahanap sila ng uupuan, puno ng kasabikan ang mga mata ng batang babaeng tumingin sa kaniya "Kwekwentuhan mo po ako uli? Dapat po magpublish na kayo ng libro para ako naman magbabasa no'n sainyo."
"Talaga? Gusto mong basahin 'to?" tumingin sa mga pahina na hawak niya. "Hindi naman ako ang nagsulat nito, eh. Nagbabasa lang din ako." sagot niya sa bata.
Bago mag-umpisa ay inabutan niya muna ito ng pagkain, para hindi magutom at mabored ang bata. Tig-isa sila ng chicken burger at coke float pero mamaya na niya kakainin ang sakaniya.
"Isang butterfly ang hindi makalabas sa sarili niyang cocoon," huminto siya at napangiti, butterfly na naman, naalala niya ang sarili hindi dahil dati siyang paru-paro, pero nakikita niya ang sarili niya rito.
"At nang makalabas siya, kung kailan may mga makukulay na siyang pakpak, nakakalipad at nakakahinga na siya ng maayos, saka naman naging huli ang lahat para sakaniya."
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Ficção AdolescenteShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...