Chapter 18

34 23 2
                                    


It's been five days simula noong foundation day, hindi rin ako nakasali sa sayaw dahil nagpacheck up ako para sa allergy ko that day, binigyan lang ako gamot. Five days na rin simula noong iwasan ako ni Jacob.

Nagchat lang siya nung araw na yun, 'may sasabihin ako kapag nawala rashes mo'. Ang weird dahil bakit kailangan pang mawala yung rashes ko bago niya sabihin, eh paano kung hindi nawala? Edi hindi niya masasabi sa akin?

Tapos na ang buong quarter, so umpisa na naman ng introduction ng mga peta namin. Ang system ng pagpasa ng mga requirements namin ay scheduled by subjects so hindi kami natatambakan.

Pagkababa ko ng car, isinuot ko muna I.D ko at jacket, para wala masyadong bitbit. One time kasi, nakalimutan ko sa kotse yung jacket so nilamig ako sa room. Buti na lang pinahiram ni Jacob jacket niya sa akin noon kaso imposible ngayon, hindi niya ako pinapansin.

"Good morning, ma'am. Bag check lang po." tumango ako saka inilapag yung bag ko sa table. Pagkatapos niyang i-check yung bag, kinuha ko agad saka naglakad na sa stairs. Ayaw ko gumamit ng elevator, dahil mahaba pila, lalo lang ako malelate.

Pagkadating ko sa room nagtaka ako kung room ba namin yun, kasi mas marami pa yung mga tao na taga ibang section. Kasama na sila Vern at Leo. Ipinalibot ko yung paningin ko at nakita ko si Jacob, nagphophone lang sa gilid. Loner.

"Hello! Good Morning" bati sa akin ni Jane, seatmate ko siya. Ngumiti lang ako sakaniya saka inilapag yung mga gamit ko. Umupo na ako para kainin na yung chicken sandwhich ko, nagdrive thru ako kanina dahil hindi ako nagbreakfast.

"Penge naman, baka naman" lumapit sila sa amin. Ibinigay ko na lang yung buong fries sakanila, kinuha naman nila agad.

"Thank you" sabi ni Vern, nagulat lang ako dahil hindi naman siya nagthethank you. Tumango lang ako sakaniya.

Hindi pa ako nagsasalita ngayong araw baka kasi wala ako sa mood. Ayokong magsalita, ayoko ng mga kumakausap sa akin.

"Alicia, balik na ako sa room" napakunot naman noo ko sa sinabi ni Vern, edi bumalik siya. Anong gagawin ko? Ihahatid ko pa ba siya?

"Ayiiee, bakit ka nagpapaalam?" tanong ng isa pa nilang kaibigan, si Louis, nagpatuloy lang ako sa ginagawa ko. Bahala na sila diyan.

Kinabukasan, diniscuss na sa amin ang mga PeTa. Filipino palang ang sinasabi, gagawa raw ng short story. Mas madali siya kesa sa last PeTa namin dahil malapit na raw magpasko.

"Hoy, kanina pa kita hinahanap. Kumain ka na ba?" umupo siya sa harapan ko. Nasa library ako, nag-iisip ng concept ng PeTa ko. So far, wala pa akong naiisip.

"Hindi pa, tara na." Niligpit ko na lang mga gamit ko saka ibinigay sakaniya. Sumimangot siya pero binitbit niya pa rin, mga notebooks lang naman yun.

"Hindi pa rin ba kayo nag-uusap?" umiling lang ako.

"Gusto mo na ba?" tumango ako. Aaminin ko, kaka-uncrush ko lang kay Vern pero anong big deal doon? Magkaiba naman crush tsaka gusto. Si Jacob, ang gusto ko.

"Patay tayo riyan" umiling-iling pa siya. Sakto naman na nakasalubong namin si Vern at Jacob sa hagdanan. Parang tanga pa 'to si Cian dahil ubo ng ubo.

"Gusto mo ba talaga magka-ubo?" natawa naman siya agad. Nakita ko rin na natawa si Jacob, anong tinatawa-tawa niya riyan? Tinarayan ko siya saka nauna na akong bumaba.

"May rashes ka pa ba, Alicia?" napalingon naman ako kay Vern. Tinaas ko yung sleeves ko para ipakita na wala na. Tinignan ko si Jacob pero umiwas agad siya ng tingin.

Kinabukasan uli, hindi pa rin ako pinapansin ni Jacob, malapit na ako mainis sakaniya. Akala ko kapag naipakita ko na sakaniya, kakausapin na niya ako.

Nakakainis pa kanina dahil pagdating ko nasa may pintuan siya, lalapitan ko na sana siya kaso umalis namam agad. Kung hindi pa sinundo nila Vern hindi pa siya babalik.

"Hindi pa rin kayo nag-uusap?" tinarayan ko siya bago sumagot.

"Tignan mo nga mukha ko, mukha ba akong kinakausap ng taong gusto ko?" tinuro ko pa yung mukha kong straight face.

"Hindi ka ganiyan kay Vern" sabi niya saka nagroll eyes.

"Magkaiba sila" mahina kong sabi. Magkaibang-magkaiba silang dalawa.

Ngayon ko lang napansin na nasasaktan ako na parang ex ko si Vern kahit hindi naman. Hahaha.

"Huwag ka na malungkot, may dare ako." ngumiti siya sa akin. Scary naman.

"Ano na naman ba 'yon?" I asked while fixing my things, uwian na kasi.

"Ngayon yung release ng Top Students, kung nandon ka, ihuhug mo yung unang taong makikita mo pagdilat ng mata mo." napakunot naman noo ko, anong pinaplano nito?

"Ocakes." sagot ko saka tumayo na. May tinawagan pa siya bago ako sundan. Narinig ko na siya na sumunod sa akin. Pagkatingin ko sa list, nakita ko agad pangalan ni Vern, Jacob, Cian at Leo.

Omg! I'm on the list, too! Honor student na naman ako, mama huhuhu. Mama is my lola in heaven, siya lang yung nandyan lagi kapag may achievement ako, small or big. I miss her na.

Tatalikod na sana ako kaso tinakpan ni Cian yung mata ko pero tinanggal din niya agad. Nakita ko si Jacob, kasama niya si Vern, ningitian nila ako pareho.

"Huy, sorry na" hindi ko siya pinansin at nagcross arms lang. Nilapitan naman niya ako saka niyakap papunta sakaniya. Niyakap ko na lang din siya pabalik. Wala na akong pake kung titignan kami ng ibang students, namiss ko siya eh.

First time namin maghug pero sobrang comfortable ko na sakaniya. Hindi rin naman kami pero ang saya sa feeling, nakakagaan ng pakiramdam.

"May sasabihin ako sa'yo, mamaya. Wait mo ako roon sa may puno." tumango ako, alam ko naman kung anong puno yon.

Pagkadating ko sa may puno, umupo ako agad at nagphone lang. Kinakabahan ako sa sasabihin niya, nakakastress. Iniwan na rin ako ni Cian dahil nakasalubong namin kanina si Jane, lalabas daw sila. Sana all.


Nakita ko agad si Jacob, lumapit naman siya agad sa akin. May hawak na folder, inabot niya sa akin iyon. Para saan naman 'to? Titulo ba 'to ng bahay?


"Basahin mo 'to."

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon