Chapter 7

50 31 2
                                    

Nagising ako sa tama ng sinag ng araw sa mata ko. Medyo mataas na ang sikat ng araw kaya napatayo ako agad at dumeretso sa banyo para maligo. Late na ako!

Pagkasuot ko ng uniform, kinuha ko agad 'yung bag ko saka bumaba agad. Naabutan kong nag-aalmusal si Ben at Mom.

"Mom, bakit 'di mo ko ginising? Late na tuloy ako." tanong ko habang hinahanap 'yung susi ng kotse.

"Nagsabi ka ba? Kagigising ko lang din." humigop siya ng kape. Napailing na lang ako.

Huminga muna ako ng malalim saka inisip ko 'yung first subject ko, ayos lang naman hindi mapasukan kasi wala naman kaming activities. Umupo muna ako sa hapagkainan, baka lalong hindi ako makapag-isip kung walang laman ang tiyan ko.

"Bakit? Saan ka ba pupunta?" tanong niya. Nakikinig lang si mom sa amin.

"Papasok po"

"Holiday ngayon, beh." sagot ni ate na kasama namin sa bahay at inabutan ako nv tinapay.

Napababa agad ang balikat ko. Hinanap ko 'yung phone ko para i-check kung anong date ngayon, pero hindi ko pala dala. Muntik ko pa makalimutan.

Tinignan ko si mom saka si Ben na nagpipigil na ng tawa. Tumawa na lang din ako saka umiling.

"Thank you, ate. Tulog lang ako uli." umakyat ako agad. Hinanap ko 'yung phone ko na nasa nightstand lang pala. Nagpalit ako agad ng pambahay at humiga.

Inabot ko 'yung phone ko, dead bat na pala. Chinarge ko na lang. Habang inaantay kong bumukas 'yung phone, napatingin ako sa mga litrato sa gilid ng table. Meron dito 'yung litrato namin ni Aries noong grade 1 pa kami.

Nagtatampo pa rin kasi ako sa kaniya. Ayaw ko sa lahat ay iniiwan ako sa ere.

Hindi ko alam bakit sobra kong pinanghahawakan 'yung emosyon na 'yon, ni hindi ko nga alam kung galit pa ba ang nararamdaman ko, o nasabi ko lang na galit ako dahil napagdaanan na ng panahon, na kusang lumalabas na lang sa bibig ko kaya ayon ang nararamdaman ko.

Pagkagising ko, nagcheck ako agad ng phone. Napakunot ang noo ko at nagulat ako nang makita kong may message sa akin si Alicia. Kakasend lang wala pang 5 minutes.

Aica_kiss: sorry pala sa kahapon

Kahapon? Anong mer- Ahhhh. Natawa ako nang maalala ko 'yung isinagot niya kay Aries.

Verncole: it's okay, alam ko naman kayong mga babae

Aica_kiss: wow

I'm ready to defend myself nang magsend uli siya ng isa pang message. Ibig kong sabihin ay 'yung ugali saka hormones, you know, baka it's the time of the month.

Aica_kiss: "mga" dami naman.

'Yun ang sinend niya kaso dinelete niya rin. Aware naman siguro siya na na-seen ko 'yung message niya, noh?

Verncole: anoyon

Pagpapanggap ko.

Aica_kiss: wala

Verncole: ok

Aica_kiss: hehe sorry uli kahapon. Kasi naman

Aica_kiss: hays

Natatawa na lang ako tuwing may papasok na message mula sa kaniya, pagkatapos ay dinedelete lang din niya. Wala ba siyang paninindigan?

Verncole: masyado mo namang na-eenjoy 'yang remove button

Aica_kiss: follow up 'yan, 'di mo pa tinatanggap sorry ko

Verncole: Sus, ang liit na bagay lang n'on. Ikaw nga galit ikaw pa nagsorry.

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon