Chapter 30

34 17 1
                                    


“Bakit mo ba kasi ginawa ‘yon?” tanong ko. Gising na si Aries at nalipat na rin siya private room. Umuwi na rin si Leo, inumaga na kasi.

“Ayoko na maging pabigat sa’yo.” sambit niya, umiwas siya ng tingin sa akin.

“Ano? Hindi ka pabigat sa akin.” napatingin kami sa pintuan. Food service na dala ng nurse. Tumayo ako para buksan yung soup.

“Ayokong kumain. Alisin mo ‘yan” nag-iwas siya. Inilapag ko sa side table yung pagkain saka umupo.

“Kumain ka, graduation na natin bukas.” sambit ko, hoping na sana maencourage siyang kumain kaso mukhang hindi.

“Ayokong pumunta. Nakakahiya kela Alicia.” hindi pa rin siya tumitingin sa akin.

“Bakit?” tanong ko. May halong pang-aasar.

“Nakakahiya na nakakadiri. Inaaway ko siya dahil crush kita? kadiri bro. As in, Ka-di-ri.” tumawa siya. Mabuti naman at tumawa na siya.

“Hayaan mo na ‘yon. Napatawad ka na non ni Alicia.” tinap ko yung ulo niya at ginulo ang buhok niya.

Knowing Alicia, mabait siyang tao atsaka kapag nalaman niya kung anong nangyari kay Aries, for sure mag-aalala rin 'yon.

“Hindi pa rin ayos mommy at daddy mo?” nag-iwas uli siya ng tingin. Nahihiya siguro.

“Hindi pa pero huwag ka mag-alala. We’re getting there.” I said softly saka ningitian siya.

"Paano ako hindi mag-aalala? Pinuntahan ako ng tatay mo, kung ano-ano pa sinasabi." napatingin ako sakaniya. Ginawa talaga ni Dad 'yon?

Lumabas ako agad. Narinig ko pang tinawag niya ako. Ibinilin ko na lang siya sa nurse na huwag palabasin at pakainin. Naiiling na humigpit ang hawak ko sa manebela. Hindi ko alam kung makakakalma pa ako mamaya.

Pagdating ko ng bahay, nakita ko ang kotse ni Mom. So nagkabati na sila? Tapos hahayaan niya lang yung anak niya ng ganon?

"Oh, Vern, Nandito na mommy mo." tuwang-tuwa niyang sabi. Nakuha niya pang matuwa?

Kumakain sila ng agahan. Wala si Ben. Naalala kong hindi pa pala ako kumakain. Wala pa rin akong tulog. Mabuti na lang wala kaming pasok.

"Alam mo ba kung anong nangyari kay Aries kagabi?" sumeryoso naman ang mukha niya. Nawala ang tuwa sa mga mata niya at galit na tumingin sa akin.

"Wala akong pakialam. Dapat lang sakaniya 'yon, muntik na niya sirain yung pamilya natin."

Uminit agad ang ulo ko sa narinig ko.

"Kung may sumira man ng pamilya natin, ikaw 'yon. Responsibilidad mo siya kasi anak mo siya pero anong ginawa mo?"

"Vern, hindi mo dapat ako pagsalitaan ng ganiyan, tatay mo ako. Parang pinapamukha mo sa akin na wala akong kwentang ama." ano raw?? Eh totoo lang naman ang sinabi ko.

"Hindi ko obligasyon na iparamdam sakaniya 'yon. Hindi ko pwede pilitin ang isang tao na maging ganon kung una palang hindi na siya ganon."

"Ayusin mo ang pananalita mo, Vernon."

"Alam mo bang nagtangkang magpakamatay si Aries kagabi?" kita kong dumaan ang gulat sa mata nilang dalawa. Inilapag ni Mommy ang utensils niya saka uminom ng tubig.

"We'll go tomorrow. Magpahinga ka na, you look tired." sambit ni Mommy.

"Sino magbabantay kay Aries?"

"Pupuntahan ko siya mamaya. Huwag ka na mag-alala." napatingin naman sakaniya si Daddy. Tumango ako saka umakyat na. Ayoko na marinig pagtatalo nila dahil for sure hindi papayag si Daddy.

Kinabukasan, hindi na ako nakadaan sa ospital at dumeretso na ako sa graduation. Sa wakas, tapos na at makakalipat na ako sa ibang school. Masyadong maraming nangyari sa taon na 'to.

Kada tawag ng mga kabatchmate ko, pumapalakpak ako, tutal iyon lang naman ang dahilan bakit kami nandito. Pumalakpak at kumuha ng diploma.


Lumabas na kami pagkatapos, nakita ko naman sila na nagsipuntahan sa mga jowa nila. Ako, dumeretso lang sa gilid at hinanap sila Mommy.

"Congrats, kuya!!" sigaw ni Ben at ibinigay sa akin ang bouquet. Nagbeso naman ako kay mommy. Wala si Daddy.

"Congrats, anak. Magpapicture ka muna sa mga friends mo tapos puntahan na natin si Aries." ngumiti siya sa akin. Mabuti na lang at hindi makitid utak ni Mommy, naiintindihan niya at tanggap niya si Aries.

Humabol na lang ako sa picture taking naming magkakaibigan. Inakbayan ako ni Leo at Jacob, sa kabila nila sila Alicia at Abigale.

Napalingon lang ako sa isang side nawala na agad si Jacob at Alicia. May importante pa naman akong sasabihin kay Alicia. Dala ko naman yung kotse ko kaya susundan ko na lang sila. Nagsend na lang ako ng message na mauna na lang sila roon.

Hindi naman masyadong malayo yung pinuntahan nila Alicia pero familiar siya sa akin, baka nakita ko na sa ig niya. Nagstay muna ako rito sa kotse dahil parang malalim ang pinag-uusapan nila.

Ang ganda naman ng view ko, sila pati sunset.

Bumaba na ako at pinuntahan na sila mukha namang hindi na sila nag-uusap eh.

"Sorry to interupt you. Alicia may kailangan kang malaman." napatayo naman agad si Jacob nung makita ako. Tumayo rin si Alicia.

"Ano na naman ba 'yon?" iritang tanong ni Jacob.

"Hindi ako nagpakapagod na pumunta rito para makipagtalo sa'yo."

"Bakit? Hindi ako nakikipagtalo sa'yo. Tinatanong kita kung anong kailangan mo kay Alicia." kalmado siya pero medyo inis.

"Ikaw ba si Alicia?" sagot ko pabalik.

"Ano ba 'yon, Vern?" napalingon naman ako kay Alicia.

"Yung mom mo, nasa ospital." bakas ang gulat sa mga mata niya.

"Ha?" paano ko ba 'to ieexplain?

"Puntahan na lang natin." pumayag naman si Jacob na sa akin sumabay si Alicia. Bibili na lang daw si Jacob ng pagkain. Galante ang kuya mo.

"Bakit daw nasa ospital si Mommy?"

"Chill, may dinalaw lang na may connection sainyo."

"Vern, hindi ko alam kung nagpapakacurious type ka pero pwede bang sabihin mo na kung anong nangyayari?"

"Hindi pwede." nagroll eyes lang siya saka binuksan yung radio.

"May mga album diyan. Mga stan mo." napatingin naman siya sa akin sa umiling. Actually, pinakinggan ko lang naman yung mga stan groups niya.

Pinapakinggan lang namin hanggang sa makarating kami sa ospital. Hayst, may kwenta na rin yung mga album, naplay na rin.

Pagsakay namin sa elevator, tahimik lang kami pareho habang nagphophone. Paglabas namin, nandon na si Jacob sa labas ng room.

"Kayo na lang muna pumasok, family matter eh. Antayin ko kayo rito." hinalikan niya pa sa noo si Alicia saka umupo na sa mga upuan.

Pagpasok namin, nagtinginan sila sa gawi namin. Nandito yung pareho naming parents saka si Aries. Lumapit ang mommy ni Alicia sa uluhan ni Aries at hinaplos haplos ang buhok nito.


"Alicia, meet your sister, Aries."




HAPPY 1K READS MGA MADAM!!!!! ILY<333

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon