“Huh? What do you mean?” naguguluhang tanong niya. Kahit ako noong una eh.“Magkapatid din kami ni Aries.” sambit ko, napatingin naman siya sa akin.
“So magkapatid din tayo?” napahawak pa siya sa ulo niya na parang litong lito. No, ano yon incest? May gusto ako sa kapatid ko? Ew.
“Kami lang magkapatid. Anak siya ng mom mo at dad ko.” nanlaki naman ang mata niya sa nalaman. Shocking talaga. Tumingin pa siya sa dad at mom niya saka bumalik ang tingin sa akin.
“Huh? Paano?” bakas sa mukha niya ang pagkalito at gulat, sino ba namang hindi?
“Anak ko siya sa pagkadalaga. Bata pa ako noon tapos iniwan pa ako ng tatay niya kaya ni choice ako kundi iwan siya sa bahay ampunan.” may mga nagbabadyang luha sa mata nila ni Aries. Pati si Mommy naiiyak na rin.
“Inampon ako ni Lola Mona noong 7 years old, doon ko rin nakilala si Vern.” Yeah, kapitbahay pa namin sila dati kaso lumipat kami.
“Ano? Huh? Bakit?" gulong-gulo niyang tanong. Napatakip siya sa mukha niya sa umikot palabas. Hahabulin sana siya ng mom niya pero nagprisinta ako, mas maganda na nasa kaedad niya ang makausap niya.
"Ako na lang po kakausap sakaniya. Aries, huwag ka na mag-alala." ngumiti siya sa akin. Matanda sakin si Aries ng isang taon kaya dapat Ate na itawag ko sakaniya pero hayaan na.
Pagkalabas ko, nakaupo lang siya roon. Wala si Jacob, asan na 'yon? Umupo nalang ako sa tabi niya. Nakayuko lang siya at tulala. Tahimik lang ako rito, ayoko naman pangunahan kasi baka kailangan niya ng oras para intindihin ang lahat.
"Hindi ko maintindihan," ayan na nga ba sinasabi ko eh.
"Bakit? I mean, ang sama niya sa akin tapos kapatid ko pala siya?"
"Eh hindi naman niya alam. Oo, noon, naiingit siya sa'yo kasi may maayos ka na pamilya, may mga kaibigan ka na nandyan para sa'yo, eh siya? simula noong nawala lola niyo, wala na ring natira sakaniya." nakatingin lang siya sa akin. Nakakailang tuloy, joke.
Nakakaguilty nga kasi noong mga panahon na kinailangan niya ako, iniiwasan ko siya. Sinabi ko yun sakaniya as worry ko pero sinabi niya lang na ayos lang daw 'yon kasi hindi ko naman alam. Kaya bumabawi ako sakaniya, kahit alam kong imposibleng mabuo yung pamilya niya, atleast maparamdam ko sakaniya na may pamilya siyang masasandalan.
"Eh ikaw? Kailan mo nalaman?"
"Birthday ni Ben. Noong araw na sinabi niya na same kayo ng name ng lola. Akala niya magegets mo, hahaha." nakabukas ang bibig niya habang tumang-tango. Amaze na amaze.
Kahit magkapitbahay kami noon, hindi nagkrukrus ang landas nilang dalawa. Hanggang sa magkita sila noong birthday ni Ben. First time makita ni Aries si Dad noong birthday ni Ben. May lukso ng dugo silang naramdaman.
Galit ang una kong naramdaman noong nalaman ko. Akala ko kasi niloko niya si Mom pero hindi naman, mas nauna pala ang mom ni Alicia. Kasama niya rin ako noong pumunta kami kela Alicia noong new year at sinabi niya sa mom ni Alicia ang lahat. Syempre nakita ko rin yung kiss noong dalawa.
Simula noong nalaman namin na magkapatid kami, kami na laging magkasama. Siya yung nandon noong nalaman kong si Alicia at Jacob na. Siya rin nag encourage sakin na umamin kay Alicia para raw mawala na yung feelings ko kay Alicia pero kahit anong gawin ko hindi pa rin mawala.
Napalingon ako sa tabi ko dahil may narinig akong mga hikbi.
"Naguguilty ako. All this time may tampo ako sa mga magulang ko dahil hindi nila ako nabibigyan ng oras tapos meron pa palang ibang tao na-" hinawakan ko siya sa balikat para patahanin siya.
"Sshhhh" pinutol ko na yung sinasabi niya. Grabe yung iyak niya, ang sakit sa puso.
"Hindi ko alam mararamdaman ko. Hindi ko kayang magalit kay Mom atsaka parang wala naman akong karapatan magalit dahil si Dad nga hindi nagalit eh." so parang naka akbay pa rin ako sakaniya habang kinocomfort siya, nakatingin lang siya sa sahig. Ako rin eh, nabilang ko na nga kung ilan yung tiles.
"Maiintindihan nila kung kailangan mo pa ng oras. They will give you time. This is a brand new information, you know." nilagyan ko pa ng accent. Natawa naman siya saka pinunasan yung mga luha niya saka humarap sa akin.
"Vern, thank you. Kung hindi dahil sayo baka nagrebelde na ako hahaha." natawa rin ako sa joke niya, ang funny. Yayakapin ko ba siya? Kung hindi dumating si Jacob-
"Alicia!" okay, joke lang pala. Tumayo ako agad nang makita si Jacob papalapit sa amin, seryoso ang mukha. Magagalit na naman ba siya sa akin? Dito naman kami magsasagutan?
"Ano nangyari? Umiyak ka ba?" tinapunan niya ako ng tingin. Masamang tingin.
"Kanina. May nalaman akong secret, gusto mo malaman?" sumandal siya sa upuan at inakbayan si Alicia.
"Ano 'yan? Ayoko ng bastos ha" natawa si Alicia at hinampas siya.
"Kapatid ko--ay namin pala," tumingin siya sa akin kaya napalingon din si Jacob sa akin.
"Kapatid namin si Aries. Dad side sa akin. Mom side sakaniya." at tulad ng inaasahan, nanlaki ang mata niya sa gulat. Natawa naman si Alicia ng malakas, pinagtinginan tuloy siya ng mga nurse.
"Pasok na kasi tayo." tumango sila pareho at magkahawak na naglakad papasok. Pagbukas ko ng pinto, nagtinginan silang lahat. Nagbless si Jacob sa mga parents namin. Gumaya kami ni Alicia kasi nagwalk out agad siya kanina eh.
"Hi Ate," may halong patanong at hiya yung tono ng boses niya. Natawa naman si Aries saka umupo.
"Hello sister, nice meeting you." inabot niya yung kanang braso niya pero pinalitan niya agad nung kaliwa. Kita kasi yung bandage niya, though may bandages din yung kaliwa, mas onti.
"Ano yan? Ano nangyari? Bakit ka pala nasa ospital?" sunod sunod na puna ng mom nila. Napatingin naman siya sa akin. Ako at parents ko lang may alam noong magcucut wrist niya.
"Nahimatay lang ako. Kailangan ko lang pahinga saka wala lang 'to, sumabit lang ako." tinago niya agad yung kamay niya sa ilalim ng kumot.
"Ha? Okay ka na ba ngayon, ate?" nag-aalalang tanong ni Alicia. Lahat ng tingin na kay Aries na.
"Ah, oo naman. Ako pa, medyo sumasakit lang ulo ko pero okay naman." pinahiga siya sa kamay uli saka kinumutan hanggang balikat.
"Maybe you need rest na, you can come back tomorrow. Right, mom?" sambit ko. Tumayo naman si Mommy at inayos na ang mga gamit niya.
"Yes, maiiwan si Vern dito. Tsaka bukas na rin discharge ni Aries so pwede kayo dumaan dito or sa bahay na langkayo dederetso."
"Okay. Una na kami, nak." nagpaalam na sila isa-isa hanggang sa kami na lang dalawa ang natira. Inayos ko yung mga pagkain na dala nila kanina, pati na rin yung flowers.
"Anong sabi ng mom mo? Sa bahay niyo? May bahay naman ako." napalingon ako saka lumapit sakaniya.
"Siya nagpumilit non saka para masanay ka na rin na may kasama." umupo ako sa sofa sa gilid saka humiga.
"Vern, salamat. Maraming salamat." rinig kong sambit niya.
"Wala 'yon." pumikit ako at nilagay ang braso ko sa noo ko.
follow me on twitter!!
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Roman pour AdolescentsShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...