"Apo niya ako." what does she mean? Apo? As in grandchild? Bakit hindi ko siya nakikita tuwing reunion?
"Alicia, anong---" natigilan naman si Mom nung makita si Aries. Napataas pa ang kilay niya.
Honestly, hindi pa rin mawala sa isip ko yung nangyari nung birthday ni Ben. Mona rin name ng lola niya. Ang liit lang ng tyansa na coincidence lang yun pero ibig sabihin magpinsan kami?
"Yes? May I help you?" mabait na tanong ni Mom pero yung itsura niya iba yung pinapahiwatig. Nakatingin lang sakaniya si Aries.
"Si Aries po, Batchmate ko po siya. She's looking for lola eh." sabi ko. Tumingin naman sa akin si Mom saka tumango. Napabalik pa ang tingin niya dahil nakita niya si Jacob.
"Jacob! Hijo, Happy New Year!!" bati niya. Nagbeso-beso naman sila.
Napatingin ako kay Aries, nakatingin lang siya kay Mom. May inggit sa mga mata niya. Nakakaramdam ako ng awa kapag tumitingij ako sa mata niya. Ano ba talagang meron?
"Pasok na kayo. Jacob, hindi ka ba uuwi sainyo?" ngumiti lang ng tipid si Jacob saka umiling. Nag-away na naman ba sila ng Daddy niya?
"Andiyan mga pinsan mo? Hindi pa nga tayo, meet the whole family na." tinaasan ko siya ng kilay. Nagkiss na kami tapos magrereklamo siya. Label na lang kulang sa aming dalawa.
"Ay, kung sabagay, we kissed na." Bulong niya. Ang lapit niya kaya paglingon ko sakaniya, muntik na naman kami magkiss. Anoba,
"Gusto mo uli?"
"Siraulo, eh kung bastedin kaya kita? Hindi ka nagpaalam tapos," he cut me off. He kissed me again pero sa forehead na lang.
"Sorry na. I greeted you in an American way." I made a face saka naunang pumasok. Sa backdoor ako uli dumaan. Bumalik pa siya sa kotse niya kasi may kukunin daw siya. So nag-antay lang ako rito sa labas.
Pagbalik niya, may hawak na siyang cake saka bouquet ng flowers. Ang galing lang dahil wala kaming cake dahil nakalimutan nilang bumili.
"Dad? Nandito po si Jacob." nagbless naman si Jacob. Alangan naman ibeso-beso rin niya?
"Good Mornight po sir" natawa naman si Daddy. Tumayo siya saka inakbayan si Jacob. Pinakilala sa mga tito at tita ko.
"Sino 'yon? Hindi si Vern?" tanong ng pinsan ko. Yung kasama ko nung pumunta si Vern sa shop. Sakanila naman talaga yung shop na yun, pumunta lang ako dahil alam kong pupunta si Vern. Hayst, tanga.
"Hindi ko na crush 'yon. Yun lalaking yun, gusto ko." Naglagay ako ng pagkain sa dalawang plates. Naglagay na rin ako sa mga baso ng juice.
"Ah, kayo na?" tanong niya.
"Hindi. Manliligaw palang." sagot ko. Nagform naman ng 'o' yung lips niya.
"Ang taray, haba ng hair. Oh, Christine, ingat baka maapakan mo buhok ng ate Alicia mo." hindi naman siya pinansin ng pinsan namin. Tinulungan niya ako dalhin yung food.
Grabe, ang hyper pa rin ng mga bata kong pinsan kahit midnight na. Sana may ganyan din akong lakas haha. Yung mga tita at tito ko naman, nabuhayan ata nung makita si Jacob.
"Kayo na ba?" tanong ng kapatid ni Mom. Napatingin naman sa akin si Dad. Nakakakaba naman, 'to.
"Hindi pa po. Two months palang po ako nanliligaw, eh." sabi ni Jacob saka ngumiti.
"Kain ka muna. Huwag mong pansinin." lumapit ako sakaniya.
"Okay lang. Nakakatuwa nga eh." Nagroll eyes ako, mamaya ano pa itanong sakaniya eh. Inilagay yung flowers na dala niya sa vase.
"Pansin ko nga, blooming si Alicia." sabi ni Tita.
"Palangiti na rin." sabi naman ni Tito.
Hindi ba ako palangiti dati? Hindi naman ako masungit, hindi rin ako maldita, grabe naman sila.
"Yeah. Jacob is a good effect to her." sabi ni Dad tumingin silang lahat sa akin. Nakita ko naman si Jacob nakangiti pa rin, mas lumawak yung ngiti niya.
Tumayo siya saka lumapit sa akin. Nilakihan ko siya ng mata kasi padalos-dalos siya, hindi niya ba nakikita na pinapanood kami ng mga kamag-anak ko? Pati na yung mga bata. Inignore lang niya yung tingin ko at tuloy-tuloy pa rin sa paglapit sa akin.
"Totoo 'yon?" tumango ako. Napansin ko rin na masaya ako these days, siya kasi kasama ko eh. I mean, kaya ko maging masaya in my own way pero kapag siya nagpapasaya sa akin, ibang happiness yun. Tumango-tango siya.
"Sabi na kilala kita eh! Finofollow kita! Gusto ko mga kanta mo." sabi ng pinsan kong babae. Hindi ko siya close, hindi siya nakikipag-interact sa amin, puro siya gadgets.
"Ay, thank you po," nagbow pa si Jacob. Lumapit naman yung pinsan ko at nagpicture sila. Isa pa lang ang picture namin ni Jacob, nung christmas party.
Wallpaper niya pa rin ba yun?
Wallpaper pa nga niya. May nagmessage sakaniya eh, si Mandy. Pinapauwi na siya, kalmado na raw papa niya. Hayst, away na naman sila. Malungkot na naman bebe ko.
Nagpaalam na siya isa isa sa mga kamag-anak ko, mukha siyang kandidato hahaha! Ihinatid ko siya sa may gate.
"Bye, ingat ka ha." Sabi ko. Wala na sila mom at Aries pero hindi pa naman pumapasok si mom sa loob, weird.
"Kapag wallpaper mo na rin yung picture natin, tayo na."
"Well, sige. Deal" tumango tango siya saka bumeso sa akin. Sumakay na siya ng kotse at umalis na.
Hindi pa ako nakakaalis sa pwesto ko, nagvibrate phone ko, may message.
Verncool: Hello
Napakunot noo ko, si Vern ba 'to?
Alicia_kiss: new account?
Verncool: oo
Curious ako. Dump account ba 'to?
Alicia_kiss: bakit?
Verncool: inignore mo yung isa eh
"Omyghod, hala" nagmadali akong buksan yung spam section. Andun yung message niya. Nagscroll ako dahil marami-rami yun.
Vernthisway: Merry Christmas
Vernthisway: Alicia, okay ba yung album?
Vernthisway: Alicia
Vernthisway: ALICIA
Vernthisway: nvm
Magrereply palang sana ako pero nagchat na siya sa isa pang account.
Verncool: huwag ka na magreply. Okay lang. Gusto lang kita.
Ha?? Ano raw??? Anong gusto???
Verncool: batiin ng Happy New Year!!
Nagreply pa rin ako. Nakakaguilty, dapat hindi ko nalang inignore messages. Shit.
Alicia_kiss: Hi! Happy New Year din!! Belated/ Advance Merry Christmas!!! And thank you soo much sa album. Sorry for the late reply, I was busy kasi. Good Night!
Pagsend ko, naseen niya agad. Nag-antay ako ng ilang minutes pero hindi pa rin nagrereply. Pagtingin ko, sineen lang niya then offline na siya ilang minutes na. Hay nako, siya na nga nirereplyan. Gulo talaga ng isip non.
follow me on twitter for more updates!!!
@kasenic7
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Teen FictionShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...