Vern POV
"Oy, 'di ba crush mo 'yon" pang-aasar ni Leo. Tinignan ko lang siya na nagtataka saka tumingin sa tinukoy niya.
"Ano ka ba, Leo," singit ni Jacob. "si Vern ang gusto." sabay akbay sa akin.
Tama naman siya roon--well, 'yun ang sabi nila, ewan ko narinig ko lang din. Wala naman siya sinasabi sa akin so hindi naman ako nag-aassume.
"Alicia, may itatanong daw si Vern" tawag ni Leo kay Alicia, 'yung tinutukoy niya kanina nung dumaan siya sa harap namin.
Tumingin din ako sakaniya, inaantay ang reaksyon niya kaso hindi niya kami pinansin. Inaantay ko ring tumingin siya sa akin, sa amin, kaso dere-deretso lang siya sa paglalakad habang dala mga gamit niya. Tinignan ako ni Leo na hindi makapaniwala na hindi siya pinansin ni Alicia. Tinawanan lang namin siya ni Jacob.
Umalis na kami roon at pumunta na sa room namin. Malapit na rin magtime at dumadami na rin mga tao rito sa lobby, wala naman kaming inaantay. 'Yung inaantay ko nakadaan na. Wala pa naman kaming mga teacher kaya sumama muna samin si Jacob dahil siya lang naman ang hindi namin kaklase.
"Hindi na ba kayo nag-uusap ni Alicia?" Takang tanong sakin ni Jacob. Napaisip din ako kung kailan 'yung huling usap namin. Hindi pa naman ganon katagal.
"Kinakausap niya lang 'yun kapag may kailangan siya. Kunyari may gagawin tapos kailangan niya ng guide, ganon." Sabat na naman ni Leo. Binatukan ko nga, hindi naman kasi totoo.
"Hoy, grabe ka, hindi ako ganon, noh. Nag-usap kami kagabi pero sineen ako kaagad kaya hindi na humaba usapan namin." Paliwanag ko. Halos hindi na tumatagal mga usapan namin, para bang iniiwas niya agad? Hindi naman siya ganon dati.
"Anong ngiti yan? May tinanong lang ako dahil sa sched" pagpapaliwanag ko, ningingitian kasi ako ng malapad nito ni Jacob . Kitang-kita ko na 'yung gums niya.
"Oh e'di user ka nga. Gulo mo rin, eh" tinapik pa ni Leo yung balikat ko. User na ba ako non? Hindi lang naman kasi 'yon topic namin.
"Jacob, nandyan na si ma'am Math" sabay kaming napatingin sa tumawag kay Jacob. Si Alicia pala. Nakatingin ako sakaniya, pero hindi niya ako matignan.
"Hi Alicia!" Lumapit agad si Leo, "Hindi ka namamansin kanin-" naputol yung sasabihin niya nang bigla siyang hinampas ni Alicia habang tumatawa. She's always like that. Laughing. Smiling. She has a bubbly personality.
"Ah, ikaw 'ba yon? Kaya pala feeling ko may tumatawag sakin kanina. Sorry, baka nagmamadali ako that time." sagot niya.
Tumingin siya sa akin saglit pero tumingin din siya agad sa iba. Avoiding my gaze.
Nagpaalam na siya kay Leo at kumaway sa mga friends niya rito sa room saka hinila na si Jacob. Ni hindi man lang nagpaalam or tinignan ako. Hangin ba ako rito?
Kinabukasan, nang matapos na 'yung mga morning classes namin ay lunch na. Magpapadeliver na lang siguro kami ni Leo, sawang sawa na ako sa pagkain sa canteen.
Nakita naman naming kalalabas lang din ng section ni Alicia, kaso hindi ko siya makita dahil nagsasabay-sabay ang mga tao.
"Alicia! Mag-order na lang kayo, sabay na kayo sa amin." pinindot ko agad 'yung cancel. Bigla-bigla na lang nagtatawag itong si Leo, buti na lang wala pang rider.
Lumingon naman si Alicia, kasama niya 'yung best friend niya, si Cian. Close naman kami ni Cian kaso lang hindi kasing close tulad ng closeness nila.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Genç KurguShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...