Chapter 26

43 16 2
                                    

Aaminin ko, kinakabahan ako roon sa sasabihin ni Vern. Ang bilis ng oras, uwian na agad namin. Pupunta ba ako? Huwag na lang kaya?

"Oh, sa kotse na ako maghihintay." niyakap niya ako saka hinalikan sa noo. Ayaw niya pa ako bitawan.

"Sa'yo pa rin ako, huwag ka mag-alala." pag-aasure ko sakaniya. Kagabi pa namin yan problema, ayaw naman niya sabihin kung anong problema niya roon.

Hindi ko naman gagawin, basta bigyan niya lang ako ng rason, kaso wala naman.

Pagdating ko roon, wala pa si Vern. Umupo na lang muna ako sa mga steps. May mga butterfly naman na lumilipad. Ang gaganda nila, pero bawal hawakan kasi baka lumayo sila.

"Alam mo, para kang butterfly." napalingon naman ako agad kay Vern. Ngumiti siya saka tumabi sa akin.

"Ako? Bakit? Kasi maganda ako? Charot" biro ko, tumawa naman siya.

Butterfly naman ngayon, kahapon palaka, yung totoo?

"Ah, oo naman." nagulat ako sa response niya, pero wala lang sa akin. Syempre may Jacob na ako.

"Joke lang kasi, ito naman," madami pa sana akong sasabihin kaso huwag na lang, nonsense lang naman.

Natahimik kami saglit. Mga huni lang ng ibon yung naririnig namin. Awkward? Oo. Hindi kami close para magkaroon ng ganitong usapan.

"Wala ka bang gustong itanong sa akin?" kunot noo ko siyang tignan. Interview ba 'to???

Hindi naman na siguro awkward 'to, noh? Kung ganito itatanong ko, curious lang talaga ako. Saka isa 'to sa pinanghahawakan ko dati.

"Alam mong may gusto ako sayo dati, diba? Bakit hindi mo 'ko iniwasan?" natawa siya. Seryoso ako bakit ba siya tumatawa? Bastos.

Ang tanga man pakinggan pero yun yung isa sa dahilan bakit hindi mawala yung pagkacrush ko sakaniya. Sabi niya, ayaw niya ng may nagkakagusto sakaniya, may gusto ako sakaniya, pero bakit hindi niya ako iniiwasan?

"Feeling ko kasi, hirap na hirap tayong buoin yung friendship natin." natawa naman kami, totoo kasi eh.

"I really want to be your friend. Gusto ko rin maranasan yung pakikitungo mo kela Leo, pero kasi iniiwasan mo ako. I can't really blame you for doing that."

Pansin ko rin dati na nagrereach out siya sa akin pero hindi ko nga siya pinapansin. I want to cut my connections with him. Ang hirap kaya maglet go ng feelings, lalo na kung umaasa ka roon sa tao. I need time and distance from him para matanggap ko na wala na talaga.

"Ah, hehe sorry." sabi ko na lang. Tapos na eh, ano pang magagawa ko?

"It's okay. Yun yung way para marealize ko na butterfly ka." natawa naman siya sa sarili niyang mga words.

"Huh?" Ano ba yang butterfly na 'yan? Kanina pa yan ha.

"Gusto ko titignan lang kita, kasi tuwing lalapit ako, aalis ka, iiwas ka."

"Ano???" irita kong tanong. Ayaw na lang kasing linawin.

"Alicia, gusto kita." ano raw??

Tama ba yung narinig ko? Si Vern ba 'to??? Hindi naman ako nananaginip, diba?

"Bakit?" yan lang ang lumabas na mga salita sa aking bibig. Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, hindi ko alam saan ko sisimulan.

"I don't know." sagot niya, nakatingin lang siya sa baba.

"Hindi, bakit? Bakit ngayon mo lang sa akin sinasabi 'to? Ilang buwan kitang hinintay tapos ngayon na wala na akong nararamdaman sayo, sasabihan mo ako ng ganiyan? Ano ba naman 'to, Vern!" pagalit kong sabi.

"Alicia, I'm sorry. Hinahanap ko naman yung timing eh." he gestured me to calm down. Kumalma naman ako, masyadong oa yung reaksyon ko.

"Timing? Sa tingin mo ba ito yung tamang timing? Wow." sarcastic kong sabi. Hindi naman siya umimik.

Actually, hindi ko alam kung anong irereact ko. Wala na akong pake kung magmukha akong galit o nalilito, wala lang sa akin.

"Vern, I'm sorry. Hindi ko alam irereact ko pero kasi..."

"Masaya ka sakaniya? I get it. Kasalanan ko rin naman, late na ako." ngumiti lang siya ng tipid.

"Umamin lang ako para mawala na siya sa sistema ko." tumawa siya ng pilit. Same pala kami ng pananaw sa buhay.

"Can I hug you?" tumango ako. Hug lang naman, wala namang malisya sa akin. Lalapit na sana siya kaso hindi niya tinuloy.

"Tapos na ba kayong dalawa?" napatingin kami kay Jacob, ang dark ng aura niya. Lumapit siya sakin saka hinila ako papunta sa likod niya.

"Sinabi ko na sa'yo na dapat hindi ka na umamin, diba? Magugulo mo lang yung sitwasyon." galit na sabi niya. Matalim niyang tinignan si Vern at ganun din si Vern.

Gets ko na bakit may mali kapag nagsasama silang dalawa. Kawawa naman si Leo, naiipit siya sa dalawang 'to.

"Bakit? Natatakot ka ba na maagaw ko siya sa'yo?" napataas naman ang kilay ni Jacob saka natawa.

Sumasagot pa kasi 'tong isang 'to. Jusko, away na naman. Hinawakan naman niya ako sa kamay.

"Hindi. Ako yung boyfriend, diba?" Tinaas niya pa yung magkahawak naming kamay. Yas!! Go babe!!

"Okay, ikaw ba yung una?" sagot nito pabalik. Ofcourse, duh!!! Humigpit naman yung hawak ni Jacob sa kamay ko.

"Yes. Ako yung unang ginusto, ako rin yung pinili. Ikaw?" Bars brooo.

"Let's see." sabi niya saka umalis.

Bumitaw naman siya sa pagkakahawak sa kamay ko saka humarap sa akin. Galit siya, pati ba sa akin?

"Kung hindi ako dumating, baka nagyayakapan na kayo ngayon." galit pa rin yung boses niya.

"Anong pinagsasabi mo?"

"Kapag niyakap ako ni Katherine? Anong mararamdaman mo?" paano siya yayakapin ni Katherine eh nasa ibang bansa na 'yon? Umalis nung pasko.

Then it hit me. May gusto nga sa akin si Vern. At wala na akong magagawa roon, kahit pagaanin ang nararamdaman niya. Dahil kung patuloy kong iisipin na masasaktan ko siya, may masasaktan din ako.

Ayokong mawala si Jacob sa akin.

"I'm sorry." niyakap ko siya. Naramdaman ko namang kumalma siya at niyakap din ako pabalik.

"Pangako ko sa'yo, ikaw lang ang yayakapin ko. I love you, happy monthsary, Love." nag-angat ako ng tingin sakaniya.

Hinigpitan niya yung hawak niya sa akin saka binuhat ako pataas sa isang step, siya nakasteady pa rin. Magkapantay na kami.

"Sorry rin, I kinda ruined our monthsary." tumawa ako.

"It's okay, first palang 'to. We can do better next time." Tinap ko siya sa shoulders.


"Pangako ko rin sa'yo, sa bawat yakap mo, ipapadama ko ang pagmamahal ko sa'yo. Mahal na mahal kita, Alicia."

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon