Chapter 19

44 24 4
                                    


Mayroong isang lalaki, malungkot ang kaniyang buhay. Ang buhay niya ay parang isang prinsepe, may magandang pamilya, may mga kaibigan, ngunit pakiramdam niya pa rin na may kulang.

Nagkaroon sila ng gawain, gagawa ng isang bidyo tungkol sa mga magagandang tanawin na matatagpuan sa kanilang paaralan. Habang pumipili ng lugar kung saan may magandang pwedeng kuhaan ng litrato, napansin niya ang isang babaeng tumatawa. Hindi niya namalayan na ito na pala ang kinukuhaan niya ng litrato. Para kasi sakaniya, ito na ang pinakamagandang tanawin na nakita niya.


Inalam niya sa kaibigan kung sino yung babaeng iyon dahil bago lang ito sa paningin niya. Gabi-gabi, iniisip niya ang babaeng iyon, kinakabisado niya ang bawat sulok ng mukha nito. Isang araw, nagkaroon siya ng lakas para lapitan ito. Inalam niya kung pwede bang makipagkaibigan at laking tuwa niya dahil malugod iyon tinanggap ng babae.


Habang lumalago ang kanilang pagkakaibigan, lumalala rin ang nararamdaman niya para rito. Nakilala niya pa ito lalo at masasabi niyang walang dahilan para hindi siya mahulog dito.


Tuwing kailangan niya ng tulong ay nariyan lang dalaga upang tulungan siya at ganoon din siya rito. Ito ang inspirasyon niya para bumangon araw-araw. Ito ang dahilan kung bakit pinagpapatuloy niya ang buhay niya.


Isang araw ay nagkasakit ang prinsepe, pinilit niya pa ring pumasok dahil nais niyang makita ang dalaga. Tanghalian iyon nang sumakit ang kaniyang ulo. Sinamahan siya ng dalaga at pinainom pa ng gamot. Nakita niya na may pag-aalala sa mga mata nito, doon na tumibok ang puso niya para rito.

Alam niyang may ibang gusto ito, ang masakit doon ay sa kaibigan niya pa pero isini-walang bahala niya lang ito. Itinago niya ang nararamdaman niya dahil mas gugustuhin niya pang mahalin niya ito sa malayo kaysa naman sa tuluyan itong lumayo sakaniya. Ang importante ay malapit siya rito.


Hanggang isang araw ay napagdesisyonan niyang iparamdam ang nararamdaman niya sa babae sa pamamagitan ng mga ginagawa niya, sakto naman sa pagdedesisyon ng babae na lilimutin na nito ang nararamdaman nito para sa kaibagan niya.


At sa araw na ito ay ipagtatapat na niya sa taong gusto niya ang nararamdaman niya na itinago niya ng ilang buwan, araw, linggo. Siyam na titik ngunit halo-halong emosyon ang naroon.

"Gusto kita." pagbasa niya sa huling mga salita sa papel na hawak ko. Hinawakan niya ang baba ko at iniharap sakaniya, tumingin siya sa mga mata ko.


“Hindi ako naniniwala sa mga sinabi mo noon, dahil hindi ako magsasawang tignan ang taong gusto ko.” pahabol niya, nakatingin pa rin sa mga mata ko. Nakakatunaw ang mga tingin niya.


Hindi ko alam kung anong irereact ko, basta ang alam ko, natutuwa yung puso ko sa mga naririnig ko mula sakaniya, gusto kong umiyak. Nakaka-overwhelm. Gusto kong malabas lahat ng emosyon ko.


Gusto rin ako ng taong gusto ko!!

Sana kayo rin.


"Nakakainis ka, bakit mo ba ako pinapaiyak" tinakpan ko yung mukha ko dahil nag-uumpisa na akong umiyak. Narinig ko naman na tumawa siya saka niyakap ako. Ang higpit ng yakap niya.


"Shh, huwag ka nga umiyak. Mamaya pagtinginan tayo, baka sabihin na nagbreak tayo, wala pa ngang umpisa." bulong niya sa malapit sa tenga ko. Hindi ako umimik, pake ko sa mga yan. Hindi lang sila gusto ng gusto nila eh.


“I missed you. Namiss kitang kasama.” tinanggal ko yung pagkakatakip sa mukha ko, saka pinunasan ang happy tears at kumalas sa yakap niya. Sinamaan ko siya ng tingin.


“Alam mo, ang epal mo. Bakit hindi mo na lang sa akin sabihin? Kailangan mo pa ako saktan” hinampas hampas ko siya, iniiwasan naman niya yun isa isa. Until he caught my hands, binaba niya iyon pero hawak niya pa rin.


“Huh? Bakit ka nasaktan? Gusto mo rin ako?” natigilan ako sa sinabi niya, hindi pa ako handa umamin. Napansin niya siguro na hindi ako kumportable kaya iniba niya na yung topic.


“Huwag ka na magalit, kailangan ko lang ng oras para mag-isip. Ako kasi yung tipo ng tao na kapag gumawa ako ng desisyon, gusto ko sigurado ako. Gusto ko kapag nag-effort ako, may makukuha akong kapalit...” tumingin siya deretso sa mga mata ko, medyo nakakalito lang kung saan ako titingin dahil nakakaduling.


“Pero kung ikaw naman yung bibigyan ko ng effort, ayos lang sa akin kahit anong maging bunga noon. Ang mahalaga sa akin, maipakita ko yung nararamdaman ko para sa’yo.” hindi ako makapagsalita, na-speechless ako. May ganitong side si Jacob? Kailan pa?

“Can I court you?” he asked. Grabe naman ‘tong puso ko, ayaw kumalma. Siya rin kasi eh, speed.


"Okay, sure." Ngumiti ako. Gusto ko pang malaman kung gaano niya ako kagusto. Gusto ko pa siya makilala lalo. Niyakap naman niya ako uli. Okay lang hugs. Hugs is for everybody.


Ilang days na simula noong ligawan ako ni Jacob, wala namang nagbago, ganun pa rin. Hatid-sundo niya ako araw-araw, sa shop man o sa bahay. Lagi rin kaming nag i-ice cream after classes, ang cute lang dahil kilala na kami nung nagtitinda.


"Binata ka na talaga Jacob, Jacobs ka na" pang-aasar ni Leo. Simula nung nalaman niya na nanliligaw na si Jacob, araw-araw niyang inaasar si Jacob.


"Bobo, pangalan niya naman talaga yon." sabat naman ni Vern. Nakakatuwa kasi parang wala na yung tension sa amin ni Vern, walang ilangan. Nakakapag usap na kami ng maayos. Pero parang sila ni Jacob, meron.


"Manahimik ka riyan Louis Ethan ha," natawa naman si Leo, full name niya yun. Louis Ethan Hampton.


"Dalaga na rin si Monica, grabe." Natawa ako. Napatingin naman ako kay Vern, nakatingin din siya sa akin pero nakangiti lang.

Nandito kami uli sa may puno, kung saan siya umamin. I guess, dito na kami lagi tuwing uwian.

“Kailan ko pwede makilala parents mo?” napataas naman agad kilay ko, meet the parents agad? May ikakasal na ba? One month palang siyang nanliligaw ah.

Sakto naman tumunog yung phone ko, message galing kay Mom. May dinner daw kami mamaya. Isama ko na ba siya? Hindi ba awkward noon?

“Uhm, later? May family dinner kami." tumango agad siya. Hindi ba siya kakabahan? Sabagay, baka nagawa niya na rin 'to dati.

“Okay, tara hatid na kita tapos sunduin din kita uli mamaya.” Tumayo siya saka nilahad ang kamay niya para tulungan ako tumayo.


<333

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon