"Napansin niyo ba kanina ang lungkot ni Alicia? Nalungkot ba siya dahil sa ginawa natin?" akala ko kung napapayag na si Alicia, matatapos na 'yung isipin nito ni Jacob. Hindi pa pala kami tapos.Sa pagkakatanda ko, hindi ako bumaba o gumala ngayong araw, nagstay lang ako sa room. Nakakatamad kasi makihalubilo sa mga tao. Atsaka wala naman akong mapapala, kung tuwing lunch aalis ako ng room, eh si Leo mukhang may sinasadyang puntahan talaga.
Nagshrug lang si Leo sa tanong ni Jacob, baka hindi rin niya nakita si Alicia. "Tanungin mo kaya si Vern."
"Bakit ako?" pwede naman kasi silang dalawa, mas close sila sa kaniya.
"Ikaw kasi, eh." napakunot ang noo ko sa panimula niya. Anong ginawa ko? "Nagtataka ka kapag iniiwasan ka, eh lalapit ka lang naman kapag may kailangan ka, syempre masasaktan yung tao."
Sinimulan na naman ni Leo Hampton. Uwian na ngayon, hindi kami nakapag usap kanina dahil magkalayo kami ng upuan. Okay naman kami, ah. Huli nga naming usap nagtatawanan lang kami, bakit kasalanan ko? Atsaka lagi na lang ba akong involve sa kaniya?
"Bakit ko siya kakausapin kung wala naman akong dapat sabihin? Natural kung may kailangan ako, doon ako lalapit." Ang tagal na nga naming hindi nag-uusap atsaka ang tagal na rin noong biniro namin siya, 'yung away namin ni Jacob, imposibleng may kinalaman pa rin ako.
"Kaya nga kakausapin mo." huminto siya sa paglalakad kaya napahinto rin 'yung ibang estudyante na naglalakad sa likod namin.
"Bakit hindi kayo? Kayo mas close sakaniya, mas komportable siya sainyo." mahinahon pa rin ang tono ng pananalita ko. "Atsaka bakit ba sobrang apektado kayo roon sa tao?"
Tumingin ako sa likod ko dahil naririnig kong may umaapak sa mga tuyong dahong nakakalat sa sahig. Sakto naman nahagip ng mga mata ko si Alicia na papalapit kung nasaan kami, ngayon ko lang din napansin na nakaharang pa kami sa daanan.
"Uy." bulong ko. Hindi ko inasahan na maririnig niya 'yon kaya napalingon siya sa akin bago tumawid. Humakbang siya pabalik para magkatapat kami, mas matangkad pa rin ako sakaniya.
Hindi ko siya tinitignan, sa malayong basurahan lang ako nakatingin. Nakakastress din palang tumingin sa basurahan, maraming basura, hindi pa maayos pagkakasalansan.
"Ay sorry, ano 'yon?" napatingin ako sakaniya. Inaasahan kong magagalit siya kaso ang bait pa rin niya. "May kailangan ka ba?" ang hinahon ng boses niya, iba nga ang aura niya ngayon.
"Wala lang." sagot ko. Wala akong maisip! Ang nonsense ng masasabi ko.
Inakbayan ako ni Jacob at kinausap si Alicia. "Alicia, kumain ka na?"
"Hindi pa."
"Weh? Ikaw pa ba hindi kakain?" pinagsingkitan niya ako ng mata, natawa naman ako dahil doon hahaha! Natawa rin naman siya, kaya oks lang.
"Sumama ka na sa amin kumain, nasaan pala si Cian?" sabat ni Jacob.
"Sorry, pero excuse me lang." agad kaming gumilid, muntik pang mahulog si Alicia rito sa may gutter, buti nabalance niya ang sarili niya.
"Jane at Abby, ingat kayo!" sabi niya roon sa dalawang babae.
"Oh, Alicia, ikaw lang mag-isa? Nasaan si Cian?" sagot noong isa na medyo brown 'yung hair.
"Umuwi na." napatango sila roon, pati ako napatango. Bakit hindi sila sabay? Nag-away ba sila?
"Ah, sige. Ingat uli!" nagwave na sila sa isa't isa. Sila rin ata 'yung kasama ni Alicia noong nagkunwaring magkaaway kami ni Jacob sa library.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Teen FictionShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...