Chapter 12

54 27 2
                                    

Umalis na rin kami after maubos ang tao sa hall. Kaming tatlo lang nila Leo at Vern ang umakyat dahil 'yung magkapatid ay kasama na noong parents nila.

Tahimik lang kaming tatlo habang nag-aantay ng elevator. Bakit parang ang tagal naman haha ang sakit na ng paa ko sa suot kong heels. Hindi ko alam na nakakapagod naman palang umattend sa party kahit formal.

"Grabe, noh?" pagbasag ni Leo sa katahimikan, napatingin naman kami ni Vern. He looks kinda irritated.

"Na ano?" tanong ko.

"Wala naman, grabe lang." sakto naman tumunog 'yung elevator. Pumasok na kami.

"Leo, kung naka-inom ka magpahinga ka na, ha? Kung ano-ano na pinagsasabi mo." sabi ko. "Anong floor niyo?"

"Ako lang magstay rito, floor 15." sagot ni Leo. Napatango-tango naman ako then pinindot ko na kung saang floor siya. Pinindot ko is 17, hindi naman doon ang floor ko.

Napatingin ako kay Vern, so hindi siya magstay rito? Hinubad niya 'yung suit niya, tinupi at pinatong sa braso niya. Nilabas din niya 'yung keychain niya. Magdrive pa ba siya? Anong oras na, ah.

Napatingin siya sa akin pero parang tinapunan niya lang ako ng tingin, buti na lang naka-iwas ako. Well, buhay naman niya 'yan, bahala siya kung anong gusto niya gawin. Sino ba naman ako?

Tahimik uli kami habang nag-aantay lang. Kinuha ko sa purse ko 'yung phone ko. Wala man lang text galing sa mga magulang ko, mas may text pa si Cian at si yaya. Bumuntong-hininga ako out of disappointment, ano bang bago roon?

Since kulob 'yung space, rinig na rinig nila akong dalawa. Seryoso, bakit parang ang tagal ng elevator namin? Ay joke, andito na pala kami sa 15.

"Okay ka lang?"

Ngumiti lang ako ng tipid. "Yeah, pagod lang."

"Okay, good night. See you." ngumiti ako kay Leo nang lumabas siya sa elevator. Kumaway lang siya kay Vern.

"Hindi ka pa ba bababa?" natawa ako, bakit kasi puro "ba".

"Babababa?" he playfully said.

"Baba?" tinuro ko 'yung chin ko. Nagbibiro siyang umiwas ng tingin kaya natawa ako at nahampas ko siya. "Ay, sorry. 'Kaw kasi, eh."

Sumara na uli 'yung pintuan ng elevator, at umaakyat na kami. Ako naman ay inaantay kong bumaba sa 13th floor.

"Ano na?" sambit niya nang tumunog 'yung elevator.

"Ha?"

"17th floor na, ikaw nagpindot dito, 'di ba?"

Bakit pa kasi ako nagsinungaling. Eh kasi, ayaw kong malaman nila room number ko. Atsaka may nakasabay kami kanina na sumakay sa 8th floor. What if tinandaan niya kami? Ako lang naman mag-isa sa kwarto ko.

"Ikaw, hindi ka pa ba lalabas?" sumara na 'yung pintuan pero hindi pa rin kami umaandar.

"Lady, you'll never know ano o sino ang sasakay sa pagitan nung floor namin sa floor mo. We better be sure. Hindi safe ang mag-isa pero hindi rin safe na may kasama kang hindi mo kilala sa ganitong oras."

Nagulat ako sa sinabi niya. Anong ibig niyang sabihin? So sinadya niyang magpaiwan para masamahan ako sa floor ko? Hindi kasi siya pumindot ng button, kaya nag-assume rin ako kanina na magkasama sila ni Leo. Well, if that's the case, that's so nice of him.

Hindi na ako naka-imik sa sinabi niya, pinundot ko na lang ang 13th floor. Hindi ko mawari kung ano ang nararamdaman ko, para akong kinakabahan na ewan sa sobrang bilis ng tibok ng puso ko, naramdaman ko ring uminit ang mukha ko. Cliché may it sound but that's what I'm feeling right now.

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon