Last day na ng 3-day stay ko rito sa hotel, sinabihan na rin ako ni yaya na pauwi na raw ang mga magulang ko. Pumunta pala sila sa ibang bansa, nasabi na lang nila sa akin noong nandon na sila. Okay lang 'yon, they need to work on their marriage.Since sem break ngayon, sinubukan ko na hindi mag-involve sa mga tao sa school. Nagmessage lang si Jacob sa akin one time na nagpapasalamat siya na pumunta ako noong birthday niya. Nagustuhan din daw niya 'yung album na niregalo ko, coldplay albums 'yon. Naalala ko tuloy sinabi ni Vern, cd player daw ireregalo niya. Tinuloy niya kaya? Hindi ko na naitanong.
Speaking of Vern naman, pagkatapos noong IG stories scenes niya ay hindi na kami uli nag-usap. Ayaw ko rin naman magchat sa kaniya, wala naman kaming pag-uusapan. Hindi namin napag-usapan 'yung controversial na IG stories na 'yon, baka it's better that way. Controversial kasi marami kaming batch mate ang nagreact doon, karamihan ay common friend namin.
Sinara ko na ang maleta ko. Maleta talaga ang dinala ko, tatlong araw ba naman ako rito. 'Yung gown na sinuot ko ay inuwi ko, since nawala nga 'yung gown ko, bumili na lang ako ng bago, for rent lang ata 'yung nauna. Hindi ko na rin matandaan ang itsura no'n.
"Jacob?" sambit ko nang bumukas ang elevator.
"Icia!" bati niya saka lumapit sa akin.
"Ikaw lang?" tanong ko. Baka kasi may iba siyang kasama, you know.
"Uh, yeah. Kasama ko nga dapat si Vern pero he's out with Mackie."
Sayang naman.
Uh, wait? May kasama raw?
"Mackie? 'Yung crush mo noong first year?"
Nanlaki ang mata niya sa sinabi ko kaya pati ako ay napalaki ang mata. "Woah, natatandaan mo pa? Ang tagal na n'on, ah."
"Sakin mo unang sinabi 'yon."
"Yeah," tumawa siya. "Hindi ko naman siya crush, pinagseselos ko lang si Vern para umamin siya."
"Ha? Umamin na?"
"Crush niya. Crush niya si Mackie."
"Oh. Really?" umiwas ako ng tingin sa kaniya. Pakiramdam ko ngayon parang ginulungan 'yung mga paa ko bg ilang bisekleta para mamanhid at wala akong maramdaman.
"Yeah, I assume wala pang bago since hindi niya sinasabi sa amin." tinapunan niya ng tingin ang maleta ko. "Anyway, check out ka na?"
"Yeah. Sana." parang gusto ko pang manatili rito nang isang linggo, ayaw ko pang pumasok. Anong aasahan ko sa pasukan? Hahaha.
Sinamahan niya ako sa front desk. Inabot ko 'yung keycard at may pinirmahan lang akong papeles at tapos na.
"Tara. Hatid na rin kita sa inyo." kinuha niya ang maleta ko at akmang maglalakad na palayo nang pigilan ko siya.
"Huwag na baka may gagawin ka pa."
"Kaya nga ako nandito para sunduin ka. Come on." Nakangiti siya habang hinahangin-hangin pa ang buhok niya. Lakas maka-resort vibes. Pinuntahan niya ako sa pwesto ko hinawakan sa braso para alalayan sa paglakad. Sinabayan ko naman siya.
Pinagbuksan niya ako ng pinto ng kotse niya, s'yempre pumasok ako, kaya nga niya ako pinagbuksan para roon ako umupo. Nilagay niya sa likod ng kotse niya ang maleta ko at umupo na siya sa tabi ko.
Hindi kami umiimik na dalawa. Siguro wala rin naman kaming pag-uusapan dahil nag-uusap kami through chats. Sinandal ko ang ulo ko sa bintana.
May crush pala si Vern. Hindi ko alam. Mabait si Mackie, nakausap ko siya once dahil kay Jacob. Mukha namang maayos kausap, baka pwede na sila ni Vern. Saan kaya sila pumunta? Sinama niya kaya si Ben? Miss na miss ko na 'yon.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Ficção AdolescenteShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...