Chapter 16

53 26 2
                                    


Nagpreprepare na ako ngayon dahil pupunta kami sa birthday party ni Ben. Gaganapin yun sa mga bahay ampunan, doon daw kasi gusto ni Ben. Hindi na rin kami pinagdala ng regalo, ibigay na lang daw namin sa mga bata yung ireregalo namin sakaniya.

I am wearing a V-neck jumper dress na navy blue saka panloob na white t-shirt with blue sneakers. I tied my hair in a ponytail dahil mainit. Maliit na sling bag lang ang ginamit ko, kung saan kakasya yung pera at phone ko.

Nagbook na ako ng grab kaya bumaba na ako. Nagpaalam na ako kay yaya. Wala si mom and dad, lagi naman silang wala kaya sanay na ako.

Pagdating ko sa mall, tinawagan ko agad sila kung nasaan na sila. Sa pagkakaalam ko, sabay pumunta si Vern, Aries at Leo rito. Si Jacob din at Mandy, pati na rin si Cian at Jane. So, ako lang mag-isa.

Pagkadating ko kung nasaan sila, napansin ko si Aries at Vern. Ang angelic ng mukha ni Aries, parang hindi niya gagawin yung mga kabaliwan na ginawa niya noon. I don't think din na may gusto pa siya kay Vern, ilang beses ba naman siyang i-friendzone eh.

Tinignan ko lang silang mamili ng mga laruan, bagay sila na magkapatid. Actually, may hawig nga silang dalawa. Ang alam ko, mas matanda si Vern sa amin.

"Ay, tignan mo oh, magkahawig kayong tatlo" ang weird dahil magkakamukha nga kami. Sinend pa sa akin ni Cian yung picture. Hawig ko kay Aries yung lower face niya, tapos kay Vern naman yung upper face.

"Anak niyo ba si Aries? Tapos hindi niya inalagaan kaya ganiyan ugali?" Hinampas ko siya, medyo malakas kasi pagkakasabi niya baka narinig siya. Edi away na naman yon.

"Hi," napatingin ako sa likod ko, yung magkapatid nandito na pala. Nakipag-apir siya sa akin saka ngumiti. Tinignan ko naman si Cian, nang-aasar yung ngiti niya.

Pagkatapos namin mamimili, sinabihan kami ni Vern na may van na raw kaso napalayo so lalakarin namin. Ang dami naming bitbitin.

"Ang init, Vern!" Reklamo ko. Tanghaling tapat na kasi kaya lalong uminit. Hindi pa rin namin makita yung van.

"Anong gagawin ko? Papatayin ko yung araw?" tinarayan ko siya saka nagpaypay gamit yung kamay ko.

"Bakit ka ba naka harang diyan? Lalo ka lang maiinitan" sabi ko kay Jacob, tumabi kasi siya sa akin.

"Eh kaya nga ako nakaharang kasi naiinitan ka." can I hide my kilig kahit minsan? Nakangiti na naman ako kahit ang init, mukha akong demonyo.

"Gusto mo ice cream? Bibili ako." tumango siya saka tinuro yung nagtitinda nung dirty ice cream. Lahat sila binilhan ko pero yung sugar cone, sa amin ni Jacob, priorities.

Pagsakay namin sa van, katabi ko si Jacob. Inaayos niya pa yung aircon for me. Dumeretso kami sa fast food para i-pick up yung in-order ni Vern. Sumama ako sa pagbaba kasi gusto ko lang.

"Ito lang?" tanong ko. Ang onti kasi kung ayun lang, eh madaming bata roon. Ang dami naming laruan, may mga damit pa nga kami, tapos pang twenty to twenty-five persons lang?

"Kulang na sa pera eh." Bakit hindi niya abonohan?

"Order the same, I'll pay" hindi naman umimik si Vern, pinabayaan niya lang ako. Nilabas ko yung cash ko. Willing naman akong gumastos kasi para naman sa mga bata iyon.

Pagdating namin doon, sinalubong agad kami ng mga bata at ni Ben. Humalik pa nga sa pisgi ko si Ben, pinisil ko naman yung cheeks niya, ang cute niya talaga.

Nagpalaro lang sila habang ako, nakaupo lang, sumakit kasi ang ulo ko. Tinitignan ko na lang si Jacob kung paano siya makitungo sa mga bata. Kanina, may tinuruan pa siyang bata na magbike, natuto naman agad yung bata. Nakipag-apir pa siya roon sa bata tapos ginulo pa yung buhok.

"Hey, kain na" nag-angat ako ng tingin sa nagsalita, si Vern, may hawak siya na food. Pagkatapos niya ako sungitan kanina, lalapit siya sa akin ngayon?

"Okay lang, sayo na yan. Kinuhaan na ako ni Jacob." tumango naman siya saka ngumiti. Nagtaka ako kasi hindi pa siya umaalis sa harapan ko.

"Kayo na ba?" tanong niya saka umupo sa tabi ko, umiling naman ako. Tumahimik kami uli pareho hanggang sa dumating na si Jacob. Tumayo na si Vern saka iniwan na kami ni Jacob.

"Tignan mo si Aries, ang bait niya." sabi ko, nag-angat naman ng tingin si Jacob at tinignan din. Tinutulungan niya kasi yung mga bata na kumain tapos inaalagan niya talaga.

"Weird tignan noh? Mabait naman talaga siya, nagbago lang nung namatay lola niya."

"Kailan namatay lola niya?" I asked, curious lang ako. Maybe, someday, I can help her.

"Last year, ata." napataas naman yung kilay ko roon.

"Ay, ikaw rin diba? Nakwento mo pa nga sa akin 'yon." tumango ako, saka tumayo para tulungan na silang magligpit.

Nagsalita na yung mom ni Vern, ang ganda niya. May lahi ba silang artista? Lahat kasi sila good-looking. Nagthank you siya sa amin saka sa mga bata dahil may nagperform kanina. Nagsalita rin si Ben pati si Vern.

Pumasok na yung mga bata sa loob at nililigpit na namin yung mga upuan. Nakita ko si Aries na nakatingin sa langit. Tumabi ako sakaniya tumingin din. Malapit na mag gabi pero visible na yung moon, ang liwanag niya. Full moon.

"I miss my lola Mona" banggit niya, agad akong napatingin sakaniya. Ang coincidence naman.

"Mona rin name ng lola mo?” tumango siya saka nagbuntong hininga.

“Ako rin. Kaya nga Alicia Monica pangalan ko, galing sa Mona.” tumango naman siya.

“You know, Mona means moon. Kaya kapag nakakakita ako ng buwan, siya laging naiisip ko. Baka ngayon, pati ikaw na rin.” tinignan ko siya saka ngumiti, ngumiti naman siya pabalik.

Sana magkaayos na kami. Gusto ko alamin yung buhay niya, gusto ko siya tulungan. Gusto ko pa siya makilala.

"Ayos ah, bati na kayo uli?" napatingin ako kay Cian, ngumiti naman siya sa akin.

"Ewan ko, ang gulo niya pero ayos lang yun."

"Huwag ka lang galitin, noh?" tumango ako saka tumawa kaming dalawa. Hays, namiss kong kasama si Cian ng slight.

A Story (A Series #1) [Currently Editing]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon