It's been a month simula noong nagkaalaman na ng katotohanan. Sa bahay na rin nakatira si Aries. Nagkasundo sila agad ni Ben pero si Dad, napipilitan lang pero darating din doon 'yon.
Yung bahay nila dati ni Lola Mona ay ginawang bahay ampunan. Mag-oonline classes na lang daw siya para sa college para mabantayan niya ang mga bata pati na rin yung bahay.
"Tapos na, yellow na lahat ng pader tapos may drawing na rin." sambit ni Leo habang nagpupunas pa ng pawis sa noo. Nandito kasi kami ngayon sa bahay dahil inaayos namin.
"Salamat, bro. Next week na pasok mo diba?" umupo kami para magpahinga at uminom ng tubig.
"Oo, sana makayanan ko diba? Hirap kaya maging abogado tapos ako gago lang. Lam mo yon?" pabiro niyang sagot. Mag-aabogado kasi sila ni Gale. Sana lang hindi sila maghiwalay.
"Psychology sa'yo diba?" tumango ako. Wala lang, feel ko lang yung course na iyon. Tutal pasok naman sa strand ko yon.
"Andyan na raw sila Alicia! Tara na!" may suprise kasi kami para kay Aries. Hindi siya nakaattend nung graduation kaya kami mismo magdadala sakaniya non.
"Aries! Bumaba ka nga muna rito." sigaw ko, nasa second floor kasi siya.
"Ano na naman-" naputol ang sasabihin niya dahil sa sigaw mula sa labas ng pinto.
"Congratulations to you!" binuksan ko yung pinto. Andon silang lahat, kinakanta nila yung happy birthday song pero pinalitan nilang congratulations. May dala pa silang cake pati tarpulin na may grad pic ni Aries. Inabot naman sa akin ni Cian yung diploma niya.
"Congrats, I'm so proud." umiiyak na siya. Inabot ko sakaniya yung diploma pero niyakap niya lang ako.
Humiwalay siya sa pagkakayakap saka kinuha yung diploma saka tinitigan iyon. I know mahirap ang pinagdaanan niya sa mga nagdaang taon kaya proud ako sakaniya.
"Kapatid din ako, ako rin dapat." ibinigay niya kay Jacob yung cake saka niyakap si Aries, niyakap naman niya pabalik.
"Kain na tayo, nagugutom na ako." reklamo ni Gale. Pumunta na kami sa kusina.
“Hindi pa naman luto yung mga dinala niyo eh” tinignan ko yung mga dala puro nga raw. Unti-unti na kaming nagsisialisan dahil hindi lahat marunong magluto sa amin maliban kay Leo, Aries at Jacob.
“Kaya niyo na yan! Thank you in advance.” panghihikayat ko sakanila saka lumabas na ng kusina.
Umupo ako sa tabi ni Cian. Nandito kami sa sala nanonood sila ng netflix. Tutok na tutok sila sa action movie na pinapanood nila. Nagugulat gulat pa sila kapag may nababaril.
"Kamusta pagmomove on? Tagal mo kasing umamin eh." napatingin ako sakaniya. Nang-aasar ang ngiti niya. Akala mo naman may jowa rin, eh wala rin naman siya.
"Sabi ko naman kasi sa'yo noon, crush ka non. Ikaw kasi ayaw mo maniwala." oo na, ako na may kasalananan, paulit ulit na lang eh.
"Wala na 'yon, tapos na eh." sabi ko saka tumayo. Nakakaasar.
Pumunta ako sa may garden para magpicture roon. Nagpopost kasi ako sa instagram ng mga picture, yung ginamit kong pangchat kay Alicia noong new year. Speaking of Alicia, nakita ko siya paglabas ko nakaupo sa swing.
“Hi, may deal ako.” napatingala siya sa akin. Ngumiti naman siya. Ang aliwalas na tuloy ng paligid.
“Ano ‘yon? Basta walang kasaling pera, g ako.” walang pera pero inabonohan yung handa ni Ben. Scam.
“Magtatanong ka sa akin tapos magtatanong din ako. Tig-lima.” wala akong magawa eh. Maiilang ako kapag pinanood niya akong nagpipicture.
“Ha? osige. Deal. Ako muna?” tumango ako saka umupo roon sa swing sa tabi niya.
“Bakit mo ‘ko nagustuhan?” nagulat ako sa tanong niya. Never ko inasahan na itatanong niya sa akin ‘yon.
“Nakita ko kasi yung motherly trait mo. Sabi ko sa sarili ko, 'Ah, ito yung gusto kong maging nanay ng mga anak ko.'" Napatingin naman siya agad. Totoo 'yon lahat. Ang bait bait niya kasi tapos kapag nagtataray siya nakakatawa.
"Alam mo ba bakit kita nagustuhan?" tanong niya uli. Nagulat na naman ako sa tanong niya. She's so unpredictable. Akala ko alternate kami sa pagtanong pero oks na rin ‘yon, wala pa akong gusto itanong.
"Bakit?" I asked. Curious din ako. Ang dami kong bagay na gustong malaman pero hindi ako makapagtanong kaya lulubusin ko na yun ngayon.
“Hindi ko rin alam. Siguro kasi minsan ko lang makita yung bright side mo tapos nagkakataon pa kapag kasama mo ako. Feeling ko kasi ang bait mo sa akin, eh ang buong akala ko noon suplado ka, kaya ganon. Noon ‘yon ah, mabait ka naman talaga.” natawa pa siya habang sinasabi niya. Masasabi kong crush niya lang talaga ako.
"Eh kaya lang naman ako mabait kasi dahil sa'yo eh." tinignan niya ako. Mata sa mata na parang may hinahanap siyang emosyon. Babawin ko ba yung sasabihin ko? O tatakbo na ako pabalik?
"Huwag ka nga maging awkward. Kaya nga natin pinag-uusapan para hindi na awkward." casual niyang pagkakasabi. Sana all hindi na- nawkward, diba?
"Ay ganon ba 'yon" umiwas ako ng tingin saka sinimulan laruin yung swing samantalang siya, nakasteady lang.
"Oo. Saka wala naman na tayong gusto sa isa't isa." napatigil ako sa sinabi niya. Gaano siya kasigurado para sabihin sa harap ko yan? Hindi ba siya aware na nasa puso ko siya?
"Are you sure? How can you say so?" naramdaman ko na lang na may nagtulak sakin kaya nahulog ako sa swing. Hindi ko naman inaasahan kasi.
"Ano bang problema mo? Hindi mo ba matanggap na kami na?" sigaw niya. Nakakarindi na siya.
"Nag-uusap lang kami. Walang masama roon. Ikaw ang may problema rito." sagot ko. Tinignan naman ako ng masama ni Alicia. Bakit? Bawal ko ba sabihin side ko?
Nagpalitan lang kami ng masasamang tingin. Akala niya ba matatakot ako sakaniya? Mas matalim tingin ng mata ko, huwag siyang epal.
"Ewan ko sa'yo." hinawakan niya sa kamay si Alicia saka umalis na sila. Nakita ko namang palabas si Aries ng bahay.
Nakalagay yung isa niyang kamay sa likod na parang may tinatago saka hila hila si Jacob gamit yung isa pa.
"Napakaisip bata niyong dalawa. Babae lang 'yan magkaibigan kayo."
"I value her, huwag mong sabihing babae lang." sagot ni Jacob.
"Shut up. Sa tingin mo hindi ko siya pinapahalagahan? Kapatid ko siya, duh." tinarayan niya pa si Jacob bago nilabas yung tinatago niya sa likod niya.
"Aanuhin namin yung ice cream?" tanong ko.
"Kasi paano ko pagbabatiin yung mga bata kapag nag-away sila? Magbati na kayo. Oh" inabot niya sa amin yung ice cream.
"Ikaw kasi kuha ka ng kuha. Akin na nga yan" magkaiba pang flavor yung nakuha namin. Kinuha niya sa kamay ko yung akin saka pinalit yung sakaniya.
"Sorry." sambit niya saka naglakad na paalis. Natawa naman ako hinabol siya at inakbayan.
"Hindi mo naman aagawin sa akin si Alicia, noh?" napahinto siya. Natatawa ako sa itsura niya, nakakunot pa noo niya saka halata mo ang pag-aalala.
"Syempre hindi." ngumiti siya sakin saka inakbayan din ako. Naglakad na kami papasok uli sa loob.
As long as masaya siya sa'yo magiging masaya rin ako para sainyong dalawa.
last chap? hmm.
BINABASA MO ANG
A Story (A Series #1) [Currently Editing]
Teen FictionShe's fully aware of what she's feeling while he's not. They're going back and forth. She'll take a step backward, he'll step forward twice. And when she tries to meet him, he'll step back. How can they write their story? Is this really the time to...