Chapter 1

237 27 10
                                    

Chapter 1

Veronica Marchella

"Ver, can you give us a minute?" my boyfriend asked me.

"Do I really have to leave you two here?" I asked almost whispering.

"Why? Don't you trust me?" he asked a bit irritated.

May tiwala ako sayo. Pero sa nararamdaman mo para sa akin, hindi ko alam.

"Ah right. Of course I trust you," I faked a laugh as step back and leave them two alone.

Palihim akong ngumiti ng mapait pagkalabas ng silid. Bakit pa ba ako sumama rito na alam ko namang narito siya? Nakalimutan ko nanamang sa loob ng apat na taon naming dalawa ay hindi naman ako ang mahal niya. Napipilitan lang siyang manatili sa akin dahil ako ang gusto ng daddy nya para sa kanya.

Ang tanga ko lang dahil kahit na alam kong walang pag asang mapalitan ko ang babaeng mahal niya sa kanyang puso ay nahulog parin ako sa kanya.

Ewan ko ba, wala naman siyang ibang ginawa kundi ang pakisamahan lamang ako para sa kagustuhan ng kanyang ama pero nag padala parin ako. Nahulog parin ako kahit na alam kong handlang lamang ako sa kanila ng babaeng mahal niya.

Bumaba ako sa receiving area ng recording studio na pag aari ni Samantha Nicolas ang babaeng mahal ng boyfriend ko.

Everything feels unreal, tila ba hindi ako nakikita ng mga tao at wala silang pakealam sa akin.

Oo nga pala, lahat sila rito ay boto kay Samantha at Xavier. Ang tingin nila sa akin ay hadlang at kontrabida.

Tuluyan na akong lumabas ng building at nag pasya na lamang na umuwi. Ngunit bago pa man makasakay sa taxing lumapit sa akin ay nanlamig na ako ng makita ang iniiwasan ko sa building na ito na papalit sa akin.

"Veronica!" napasapo ako sa aking noo ng marinig ang eskandalosong tawag niya sa akin.

Peke akong ngumiti ng humarap sa kanya, "Hi," awkward na bati ko sa kanya.

"Paalis ka na? Wala ba rito si Xavier?" maganda ang kanyang ngiti. Matangkad siya kaya naman bahagya pa akong tumingala para maharap siya ng maayos.

"Andyan siya sa taas. May importante silang pag uusapan ng Samantha kaya umalis na muna ako. Uuwi na rin ako ngayon dahil may nakalimutan akong gawain," pag sisinungaling ko pa sa dahilan kung bakit ako uuwi.

"Ihahatid na kita, gusto mo?" nakangiti pa ring alok niya sa akin. Talo niya pa ang may commercial sa sobrang ganda ng ngiti niya sa akin.

Agad naman akong umiling at tumanggi sa kanya. Hangga't maaari ay ayaw kong mag karoon ng mahabang interaksyon sa kanya. Ewan ko ba kung bakit, "Nako hindi na, ayos lang. Dito na ako sa taxi sasakay. Baka bigla kang kailanganin ni Samantha at parehas pa tayong malagot kung malaman niyang umalis ka para ihatid ako," dinugtungan ko pa iyon ng pekeng tawa para itago ang pagtataboy ko sa kanya.

"Sigurado ka ba? Hindi naman mamasamain ni Samantha iyon, panigurado." malumanay na sambit niya ngunit umiling akong muli.

"Ayos lang talaga Lucas. Sige, mauna na ako may gagawin pa kasi ako. Salamat nalang sa offer."

Ngumiti ako tsaka agad na tumalikod sa kanya. Nang makasakay ay agad na kaming nag tungo pauwi. Nahagip pa sa side mirror ng taxi ang pag kaway niya sa akin.

Mabait si Lucas. Kahit noong unang beses kaming magkakilala ay naging maayos na ang tungo niya sa akin. Lagi niya akong kinakausap at minsan pa ay sinasamahan ako tuwing hindi ako maaaring sumama sa loob ng recording room nina Xavier.

Nang makauwi ay agad akong tumawag sa aking kaibigan para may makausap tungkol sa aking nararamdaman.

Nitong mga nakaraang linggo ay nagiging iba ang tungo sa akin ni Xavier. Noon ay lagi niya akong pinapakisamahan at lagi lamang siyang mabait sa akin. Siguro dahil na rin sa utos ng kanyang amang may sakit sa puso ngunit nitong mga nakaraan ay lagi siyang naaaburido. Madalas na rin kaming mag talo dahil sa pabago bago ng mood niya.

After HimWhere stories live. Discover now