Chapter 27

29 5 3
                                    

Chapter 27

Someone knocked on the door and open it after a while. I look at him with a weary eyes. He's serious and a bit worried as he walk near me.

He sat beside me, I moved a bit to create space between us. He faced be, questioning my sudden move. I sighed. This is not good Lucas, my feelings for you is scary. It's still unnamed yet it feels this heavy, something I never felt before.

"What is it? What are you thinking?," he said. Still looking at me intently.

I shook my head and look away, "Nothing."

I heard him breath deeply but didn't say anything. I don't want him to know what I am thinking. Natatakot parin ako.

"You should sleep now, dito muna ako hanggang sa makatulog ka."

Tumingin ako sa kanya at pinag masdan ang kanyang mukha, "Hindi mo na kaialngan gawin to Lucas."

Tumango naman siya at ngumiti sa akin, "I know but I want to."

Tumayo siya at inalalayan akong makahiga muli, inayos niya ang aking kumot at lumayo para masaraduhan ang bintana at sliding door tsaka bumalik sa tabi ko at hinawakan ang aking kamay. Hindi na ako umimik pa at pumikit na lang.

Marami akong kinakatakutan ngayon pero gusto kong nasa tabi ko sya. Pakiramdam ko kung wala siya sa tabi ko ay tuluyan syang mawawala sa akin.

Hindi ko pa napapangalanan ang nararamdaman ko para sa kanya pero nasisiguro ko ng hindi ito katulad ng naramdaman ko para kay Xavier. Malayong malayo ito doon, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag.

-

Nagising ako kinabukasan dahil sa araw na tumatama sa aking mukha. Napangiti ako ng maalala ang ganda ng isla na ito. Tumayo ako at nag simula ng kumilos para maligo at mag handa bago bumaba.

I wore a simple black dress with my slippers and bun my hair then put some lip gloss. I look at my reflection before coming out of the room.

Bumungad sa akin ang ilang tawanan sa baba kaya't alam kong gising na si Gail, nangingibabaw kasi ang boses nilang dalawa ni Uno na nag aasaran kasama siguro ang iba.

Bumaba ako at tama nga ang naisip, nasa sala sila at duon nag lalaro ng Scrabble, lumapit naman ako sa kanila at natawa ng makitang pinipitik ni Gail si Uno dahil daw wala namang katuturan ang word na binubuo nito.

Tumayo ako katabi ni Ramiel na maliit ang ngiti habang nanunuod sa dalawa. May ilan pa silang kasamahan dito habang ang iba ay hindi ko naman makita.

"Magandang umaga Miss," bati sa akin ni Ram. Ngumiti naman ako sa kanya bago tumugon.

"Magandang umaga, Vy nalang Ram. Masyadong pormal ang Miss," tumatawang sambit ko.

Tumango naman siya at ngumiti na lang. Ibinalik ko ang tingin sa dalawang isip bata. Para silang baliw dahil panay ang asaran pero parehas naman pikon. Natigil lamang sila ng pumasok si Lucas kasama si Samantha.

Hindi ako agad nakakilos at napatitig lamang sa kanila. Seryoso ang mukha ni Lucas habang si Samantha naman ay mukhang iritable. Hindi pa sila tumitingin sa amin at abala sa kung anong pinag uusapan nila na sila lang rin naman ang nakakarinig.

Sumibol ang kakaibang kaba sa aking dibdib. Nag simulang pumasok sa isip ko ang ilang araw ko ng pilit iniiwasang isipin. Umiwas ako ng tingin sa kanila at pasimpleng tumalikod. Umalis ako roon at agad na umakyat sa kwartong nakalaan sa akin.

Nanginginig ang kamay ko ng buksan at isara ng pinto ng kwarto. Napasandal ako roon at napatitig sa kawalan.

Bakit sya nandito? Paano nya nalaman ang lugar na ito?

After HimWhere stories live. Discover now