Chapter 6

75 22 0
                                    

Chapter 6

Sinimangutan ko siya na ikinataas ng kanyang kilay. Baliw ba ang lalaking ito?

"What?" walang ganang tanong niya.

"Bakit hindi ka sumuntok?" mataray na tugon ko.

Bakas ang pagka-mangha sa kanyang mukha ng tanungin ko siya noon.

"Akala ko ba ay mahal mo iyon? Bakit parang nalulungkot ka na hindi ko siya pinatulan?"

Sumimangot akong muli sa tanong niya. Mahal ko nga pero hindi naman tama ang ginawa niya.

"Mali naman ang ginawa niya sayo," paliwanag ko.

"Pero kung pinatulan ko yun ay masasaktan ko sya, ayos lang sayo?" tanong niya habang nakatingin sa akin ng seryoso.

Hindi naman ako agad nakasagot at bahagyang lumayo sa kanya. Nag kunwari na lang akong kailangan na palitan ang bulak na pinanggamot ko sa kanya.

"Hindi ko siya gustong masaktan pero mali naman sya," marahang sagot ko tsaka muling lumapit sa kanya para lagyan ng gamot ang sugat niya.

Iniiwasan kong matingnan siya sa kanyang mata dahil para niyang binabasa ang nasa isip ko.

"Sana pala ay sinabi mo iyan sa akin para nakasuntok ako. Hindi na sana ako nag timpi," mabagal na sambit niya habang ramdam ko ang malalim niyang titig sa akin.

I faked a cough. Lumayo akong muli sa kanya at sinabing tapos ko na siyang gamutin.

Hinawakan niya ang kanyang labi habang nakatingin sa akin kaya't nag iwas ako ng tingin. Tatayo na sana ako para umalis roon ngunit nahawakan niya ako.

"Now tell me, what did he do to you? Sinaktan ka ba niya?" seryosong tanong niya.

Impit naman akong napaaray nang makapitan niya ang mahapding bahagi ng aking palapulsuhan kung saan ako kinapitan ng mahigpit ni Xavier kanina.

Agad niya iyong tiningnan. Binawi ko iyon kaya't napaangat siya ng tingin sa akin.

"Sinaktan ka nya," his jaw clenched. Agad akong napaiwas ng tingin. Hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko'y kinakabahan ako.

"Shempre nasaktan ako kasi nag break kami," biro ko sana para maialis roon ang usapan ngunit mas lalo lamang siyang naging seryoso.

"Akin na yang kamay mo," mariing sambit niya. I bit my lower lip as I felt my heart beat faster than usual.

Hindi ako kumibo kaya't siya na ang nag kapit sa kamay ko para makita niya. Marahan lamang ang kanyang kamay kaya't hindi ako nasasaktan.

Tahimik niya iyong pinagmasdan at ginamot rin ng mga gamot na nasa aming harapan.

Wala siyang imik kaya't mas lalo lang akong kinakabahan. Hindi ko rin naman maintindihan kung bakit ganito ang pakiramdam ko. Masyado rin siyang kakaiba ngayon, pakiramdam ko'y hindi siya ang Lucas na kasama ko kagabi dahil masyado siyang seryoso ngayon.

"Dapat pala talaga ay sumuntok na rin ako," inis na sambit niya. Tapos na niya akong gamutin ngunit hindi pa niya binibitawan ang kamay ko. Hindi ko naman alam kung bakit hinayaan ko lang siya.

Nanatili kaming tahimik, siya na pinagmamasdan lamang ang namumula kong kamay habang ako ay tahimik kang din siyang tinitingnan.

Parang may humahaplos sa puso ko dahil sa ginawa niya. Pakiramdam ko ay sa loob ng ilang taon lagi lamang ako ang nag aalala sa ibang tao. Ang tanging nag aalala lang sa akin ay si Gail at sila sister sa ampunan, bukod sa kanila ay wala na.

Kaya siguro ganito na lang ang pakiramdam ko nang maging ganito sa akin si Lucas.

"Gusto mo bang kumain? Nag hahanda ako kanina bago ka dumating. Sabayan mo na ako kung wala ka nang ibang pupuntahan," marahang sambit ko tsaka tumayo at inanyayahan siya sa kusina.

After HimWhere stories live. Discover now