Chapter 22

41 6 0
                                    

Chapter 22

I was on the verge of falling asleep when I heard the door of this room opened and then closed after a while. Then I heard someone's footsteps. Hindi ko alam kung sino ang pumasok dahil nakatalikod ako sa gawi noon.

Pinili kong huwag kumilos. Ramdam ko ang paninitig nito at base sa anino ay mukhang si Lucas ang pumasok. Halos mapairap ako at nag madaling pumikit para mag panggap na tulog ng umikot siya sa gawi ko. Umupo ata s'ya sa sofa malapit sa gilid ng sliding door papuntang veranda.

I heard him sigh, hindi na napigilan ang pag tingin sa kanya. Hindi naman s'ya nagulat ng makitang gising ako. Nanatili siyang nakatitig sa akin, madilim ang ekspresyon gaya kanina.

Bigla akong nalungkot, mukha s'yang pagod at wala sa mood. I know he's just being nice. He's helping me because it's his nature to help someone, gaya noon kahit hindi pa kami mag kasundong dalawa.

Umiwas ako ng tingin sa kanya tsaka umupo, nakasandal sa head board ng kama. Itinuon ko ang aking paningin sa aking mga daliri, ayaw kong mag tama ang mata namin dahil baka lalo lamang akong maguilty. Nahihiya ako sa gulong dinudulot ko sa kanila. Kung tutuusin ay labas naman s'ya dito pero tinutulungan n'ya pa ako kahit pa mukhang hindi kami mag kaayos na dalawa.

"Sorry," mahinang paninula ko. Hindi pa rin tumitingin sa gawi niya, "You don't have to do this Lucas. Ahmm I mean, nag papasalamat ako na tinutulungan mo ako pero hindi naman kailangan. Uuwi na ako bukas sa apartment, kakausapin ko si Gail para hindi na s'ya tumuloy dito."

Hindi siya umimik at nakita ko lang ang kanyang pag sandal sa sofa, nakatingin pa din sa akin habang ako ay nakaiwas naman sa kanya.

"Sorry for the trouble I've caused. I don't know how to repay your kindness and help but I'm really thankful for this. Pero okay na ito, salamat. Hindi na kailangang umalis pa bukas dahil uuwi na din ako. I'll face them to end this issue," mahinang sabi ko ulit. He chuckled but there's no humor in it. I looked at him to see his sharp eyes directed at me. His jaw clenched and his face are dark.

Is he mad? Why did he help me then? I don't really get him. Kaninang umaga ay hindi n'ya ako pinansin, pati sa dinner kanina ay nilampasan n'ya lang ako tapos ngayon ay nandito s'ya sa kwartong ipinahiram nila sa akin, pinag mamasdan ako tapos ngayong kinausap ko siya ay galit na s'ya sa akin? What the hell did I do to him?

"You aren't going anywhere. Matulog ka na at maagang aalis bukas papuntang Pangasinan. You are not facing anyone there Veronica Marchella," mariing sambit n'ya ng makatayo at lumapit sa akin. Hindi naman ako nakaimik at napatitig na lamang sa kanyang seryosong mukha.

He look hot but I still don't get him. Napakagulo n'ya talo n'ya pa ang babaeng mahirap tantyahin.

Umirap ako sa kanya nang subukan niyang lumapit lalo. Humiga ako at tumalikod sa kanya, ikinulong ang sarili sa makapal na kumot. Narinig ko naman ang malalim n'yang pag hinga bago ko naramdaman ang pag ayos n'ya ng kumot ko at ng makuntento ay lumabas na din s'ya ng kwarto at wala ng sinabi pa.

Lalo akong nalungkot, hindi ko alam kung ano bang nangyayari. Hindi naman s'ya ganito sa akin. Hindi ko talaga siya maintindihan. Galit ba siya sa akin? Kung oo ay bakit kailangan n'ya pa akong tulungan? Nafufrustate ako lalo dahil sa pag punta dito ni Lucas.

Nakatulog na lang ako ng hindi ko namamalayan. At nagising na lang ng may kumatok sa kwarto at pumasok ang dalawang katulong para gisingin ako at makapag handa na sa pag alis. Agad naman akong kumilos at sinabihan silang ako na ang bahala sa gamit ko. Nang makalabas sila ay inayos ko ang kama tsaka dumiretso sa banyo. Alas kwatro palang kaya inaantok pa ako ngunit ayaw ko namang mag pabagal bagal gayong mukhang handa na sila.

After HimWhere stories live. Discover now