Chapter 11
7:30 when I received a chat from Rica.
Rica Monte:
Hoy Bruha! Kamusta dyan? Kasama mo ba si Lover boy?
Natawa ako nang mabasa ang kanyang chat. Mula kasi nang makilala niya si Lucas nang sunduin niya ako sa office para mag usap kami.
I typed my reply to her.
Me:
Bukas ang start ng activities. Oo kasama ko.
Habang nag aantay ng reply niya ay inayos ko ang aking buhok para itali ng high ponytail.
Rica Monte:
Don't tell me nasa isang room kayo?! Bruha ka! Ang yummy pa naman n'yang si Lover boy!
Napairap ako nang mabasa ang reply niya. Ang babaeng ito talaga napakadumi ng utak!
Me:
Hindi no! Alam mo napakadumi talaga ng isip mo. Ang mabuti pa si Finn ang ichat mo para magka-love life ka na!
Napangisi ako nang makinita ang itsura niyang napipikon.
Kinuha ko na ang bag ko na may lamang mga gagamitin ko mamaya pag swimming.
Lumabas ako ng kwarto ng saktong nag text si Lucas na nasa labas na siya ng kwarto.
"Hi," bati ko sa kanya. He is wearing a simple white sleeveless shirt and a khaki short at isang simpleng tsinelas. Ang gwapo talaga nito!
"Hi, let's go?" anyaya niya sa akin sa baba.
Hindi naman na kami nag tagal at dumiretso na sa isang restaurant malapit sa resort. Dahil bukas ay magiging abala ako nag pasya kaming mag lakad lakad mamaya. At ang pag suswimming na kanina ko pang pinlano hindi ko nga lang sigurado kung gusto niya.
Kumakain kami nang mapadaan si Ms. Marisa at ayon nanaman ang halos hindi makapaniwalang ekspresyon niya. Napairap na lang ako dahil sa inis sa asal niya.
"Gustong gusto ka ng Senior namin. Tingnan mo natutulala sayo," mapaklang sambit ko sa kaharap. Tiningnan naman niya ako ng ilang saglit bago bumaling kay Miss Marisa na nag mamadali namang umalis.
He clenched his jaw and look at me, "What?" maarteng tanong ko sa kanya. He just sighed and shook his head.
"Finish your food. We'll take a walk."
Umismid naman ako bago tuluyang tinapos ang aking pag kain. Nanatili pa kami roon saglit bago nag pasyang lumabas para makapag lakad.
Masyado siyang seryoso ngayon at tila malalim ang iniisip kaya nanatili lang akong tahimik. Maganda ang kabuuan ng lugar kaya hindi na ako nag tataka na tinuturing itong little Maldives ng Batanggas.
We we're both in silence when he decided to sit on the shore. I didn't argue since I like to stay here for a while and take a dip later.
"Why are you so quite?" bumaling ako sa kanya nang tanongin niya ako.
Siya nga itong sobrang tahimik kaya hindi ako nag sasalita.
"Maganda ang lugar, tahimik," sagot ko sa kanya. Nasa pagitan namin ang aking bag kaya napatingin siya roon.
"You'll swim?" he asked with a bit of amused look on his face.
"Ah, yeah? Bukas ay abala na kaya wala na akong ibang oras para makapag swimming," paliwanag ko sa kanya. Tumango naman siya sa akin.
YOU ARE READING
After Him
RomanceThe love that I knew wasn't like the ones written in a book. It wasn't beautiful and magical. It doesn't bring butterflies in my stomach and it doesn't make me feel special. It doesn't feel like home, I do not feel secured. It does not make me feel...