Chapter 12

44 16 0
                                    

Chapter 12

"Tingin mo bagay kami?" biro ko kay Tanya na bahagya pang napatigil sa pag drawing at napaharap sa akin ng malaking ngiti.

"Oo naman no! Ang gwapo nya at ang ganda mo sobrang bagay kayo!" kinikilig na sabi nya kaya natawa na lang ako at bahagyang napailing.

Nag pasya akong idrawing si Lucas sa malayo, dahil nga shadings ang pinag aaralan namin ay ayos lang kahit hindi puro designs ang maging subject namin, sa katunayan ay ang instructor pa ang nag sabi na mas mabuti kung tao ang magiging subject namin. Para na din raw hindi limited sa designs and logo's ang kaya naming gawin.

Panay ang sulyap ko kay Lucas na mula kanina ay hindi kumikibo sa kanyang pwesto. Tahimik na si Tanya na gumuguhit kaya tahimik na rin ako.

He looked really handsome, with his jet black hair, perfectly shaped face, deep black eyes, pointed nose, defined jaw, red lips and lean body. He is perfect.

Hindi ko lang alam kung bakit hindi ko agad napansin ang kagwapuhan niya. Siguro dahil masyado akong abala kay Xavier kaya kahit malinaw na mas lamang ang dating nitong si Lucas ay hindi ko siya napag-tuunan ng pansin.

After 2 hours we finished our works. Ang drawing ni Tanya ay ang kanyang sarili at napakagaling n'ya talaga, kaya pala sabi niya na mas forte niya ang pag drawing ng human kumpara sa ibang mga designs dahil totoo, lahat ay detalyado at malinis.

Bumaling siya sa drawing ko at tahimik na napatili, mabuti na lang abala ang instructor sa pag tingin sa mga unang table para i-check ang gawa namin kaya hindi namin basta makuha ang kanyang atensyon.

"Ang galing mo! Ang talas naman ng mata mo Veronica," asar n'ya sa akin kaya hindi ko na napigilang tumawa.

"Unang beses kong sumubok ng ganito kaya alam kong may mga sharp edges pang kailangan ayusin but I'm satisfied," nakangiti kong sambit tsaka bumaling ng tingin kay Lucas na nakataas na ang kilay ngayon. Kumaway ako ng bahagya tsaka muling humarap kay Tanya.

"First time mo? Nung first time ko sobrang disaster ng sketch ko ikaw nalagyan no pa ng shadings agad. And look at his features, kabisado mo ba kaya ganyan kaperpekto?"

Natawa akong muli dahil sa mga sinasabi nya. Para siyang si Rica na hindi bastos mag isip pero makulit at mausisa.

"Ang gwapo naman kasi," tumatawang sambit ko kaya lalo s'yang ng asar.

Natahimik lang kaming dalawa ng malapit na sa amin ang instructor. Una niyang sinuri ang kay Tanya at gaya ng sabi ko, magaling siya kaya puro papuri ang nakuha niya.

Nang bumaling sa akin ang instructor ay umayos ako ng upo. Ayos lang kung may masasabi siyang mali sa gawa ko dahil hindi naman ako magaling sa ganito at siguradong makakatulong naman iyon sa akin.

"Hmm, Miss Berdin sharp edges," tumango ako dahil iyon din ang una kong napansin.

"But it made the sketch more attractive. The shadings are good too, may ilang nasobrahan pero madali nalang ayusin. Very good and your subject is really gorgeous," nakangiti ang baklang instructor na bumaling sa akin.

"Boyfriend mo?" tanong niya bigla kaya hindi ako agad nakasagot. Si Tanya naman ang sumagot at sinabing oo daw. Pinamulahan naman ako ng pisngi dahil hindi ko naman s'ya boyfriend at baka isipin n'yang sinasabi ko sa kanila na ganoon.

"Nice taste," kumento ng bakla tsaka lumipat sa ibang table. Napabaling ako kay Lucas at nakitang wala na siyang sunglasses at nakatanaw pa rin sa akin na bahagyang nakakunot ang noo. Ngumiti ako ng tipid tsaka nag iwas ng tingin.

After HimWhere stories live. Discover now