Chapter 20
I woke up the next morning with Gail's voice. She's waking me up for some reasons.
"What?" masakit ang ulo ko dahil sa puyat.
"Tumawag sa akin si Lucas, hindi ko alam kung paano n'ya nakuha ang number ko pero hindi na mahalaga yun. Mag handa ka na Vy, he'll bring you somewhere. Marami na din ang media d'yan sa labas ng bahay at ngayon kinakausap sila ni papa. Mag madali ka na para kapag napaalis sila ay dun ka lalabas," she explained.
Saan naman ako dadalhin ni Lucas? At bakit kailangan ko pang sumama sa kanya? Hindi ba't galit s'ya sa akin? Hindi n'ya na ako kinausap matapos iyong huli.
"Come on Vy, tsaka ka na mag taka. Bilisan mo na kasi baka maya maya ay dumating na yun," tensed parin siya ngunit hindi na latulad kahapon.
"Saan naman kami pupunta Gail? And he's mad at me, bakit nya ako tutulungan?" Naguguluhang tanong ko.
"I don't know yet pero hindi na mahalaga yun ngayon Vy. Bilisan mo na kumilos," sambit niya tsaka kinuha ang mga gamit ko at inayos iyon.
"Aren't you going with us?" Tanong ko bago tuluyang makapasok sa banyo.
"Susunod lang ako sa inyo. Lilituhin muna natin ang mga yan sa labas. Sige na. Para makapag handa tayong dalawa," ngumiti siya sa akin. Kinukumbinsi ako kahit pa hindi pa naman ako nag sasalita.
Tumango na lang ako at dumiretso na sa banyo. Naligo ako at nag handa. Matapos ang lahat ay lumabas ako para mag bihis, andun pa rin si Gail at nakabihis na. Nag bihis ako sa kanyang walk in closet at ng matapos ay tahimik na naupo sa tabi nya.
"Do we have to do this? Ano bang nangyayari? Paano nila nalaman na andito ako?" nag aalang tanong ko.
Ngumiti naman siya nang pagod, "Nag post si Xavier ng picture nating dalawa. Nag assume na ang lahat na ako nga ang kasama mo kaya andito sila."
"He's out of his mind," mahinang kumento ko. Gail shrugged and tap my shoulder.
"Tara na sa baba, andun na si Lucas. Sa kanyang phone ang gamitin mo kung kakausapin mo ako okay? Tatawagan rin kita from time to time," sambit niya habang tinutulungan akong bitbitin ang mga gamit ko.
"Gail 'wag na lang kaya? Haharapin ko na lang sila. Ayokong may madamay pang iba," pigil ko sa kanya ng nasa may hagdan na kami pababa.
"Ano ka ba Vy? Ikaw naman ang mapapahamak kung haharap ka sa kanila ngayon. Wag kang mag alala okay? Mag iingat naman ako. Mag sasama ako ng bodyguards ni papa para hindi ka mag alala kung yun ang kinakatakot mo," hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti sa akin. Bakas ang pag aalala niya sa akin, lalo tuloy akong naguiguilty dahil nadadamay na siya sa gulong ito.
"Hindi ko pa nakikilala ng lubos yang Lucas na yan pero pakiramdam ko mas maipagkakatiwala kita sa kanya kumpara sa ex mo. Basta kung may problema ay tawagan mo lang ako, okay? Bukas ako ng umaga susunod sa inyo kaya mag iingat ka. Wag ka na masyadong mag alala," she explained. Tumango naman ako at ipinakitang susundin ko siya para hindi na madagdagan pa ang kanyang pag aalala.
Pigil naman ang aking pag hinga ng matanaw si Lucas na nag aantay sa baba, nakaupo siya sa sofa at seryosong nag iisip. Nang makita n'ya kami ay agad s'yang tumayo para salubungin kami, kinuha n'ya ang mga gamit kong kapit namin ni Gail.
Seryoso n'ya lang akong tiningnan ng saglit tsaka humarap kay Gail, "May mga media pa din sa labas pag dating ko. Kailangan nating lumabas ng mag kasama, tsaka s'ya lalabas kapag nakuha na natin ang atensyon nila."
His voice was firm and full of authority, malayong malayo sa Lucas na nakasanayan ko.
"Tingin mo susundan nila tayo? Baka makita nila si Vy," nag aalala pa din si Gail ng tanungin niya iyon.
YOU ARE READING
After Him
RomanceThe love that I knew wasn't like the ones written in a book. It wasn't beautiful and magical. It doesn't bring butterflies in my stomach and it doesn't make me feel special. It doesn't feel like home, I do not feel secured. It does not make me feel...