Chapter 17

34 9 0
                                    

Chapter 17

The next morning Gail didn't let me go to work but I pushed her to go to hers. I don't want to cause her trouble so I promised her that I won't accept any visitor today. I also told her about my plan to talk to Xavier dad today while she's not here. She was a bit hesitant but then I managed to convince her that I'll be fine.

"Make sure to call me when something happened, 'kay? I'll go ahead now. Love you." She said and hugged me.

"Sure thing. Take care, love you."

Matapos noon ay umalis na siya. Ako naman ay nag handa para sa pag punta sa daddy ni Xavier.

I don't have any clue on what will happen but I hope he'll understand me. His understanding is important to me because I owe so much to him. Tito Felipe gave me work that supported me with my studies and without his help I don't think graduating would be that easy for me. Hindi man n'ya ako binibigyan na lang basta ng pera pero walang pag dadalawang isip n'ya akong pinag katiwalaan na mag trabaho sa kanilang restaurant. Hindi man ganoon kalaki ang nakukuha ko doon ay nagawa noong alalayan ako sa pag aaral. Nakapag ipon ako at nakaupa sa apartment matapos ng dalawang taong pananatili bilang bed spacer. Hindi n'ya din ako pinakitaan ng kahit na anong kasamaan. Lagi niya akong inaalala at kinakamusta, madalas nga ay mas inuuna n'ya pa ako kumpara sa kanyang anak kaya ang opinyon at pag payag niya sa desisyon ko ngayon ay napakahalaga. I respect him so much that I need his approval, I need the assurance that he understand me.

Wearing my simple plain white v neck shirt and black jeans with a pair of white sneakers I went out of the house and go to their restaurant.

Kabado ako buong biyahe sa kahihinatnan ng aming pag uusap. Panay din ang dasal ko na sana ay maunawaan n'ya ako kahit pa alam kong gustong gusto n'ya ako para kay Xavier.

"Hi Susan, andito ba si Sir?" tanong ko sa waitress na wala pang ginagawa dahil iilan ilan pa lang ang costumer. Maaga pa kaya kakaunti palang ang tao dito.

"Oh, Veronica ngayon ka na lang ulit nakadaan ah. Oo andyan sa office niya. Puntahan mo na lang dun wala naman s'yang kausap," si Susan ay halos kaedad ko lang, natanggap siya dito noong maka-isang taon na akong nag tatrabaho dito.

"Sige salamat," ngumiti ako sa kanya at nag paalam ng pupunta sa office. Dahil nga malaki rin itong restaurant nila Xavier at dito sa branch na ito ang laging pinupuntahan ni Tito ay may sarili siyang office dito.

Kabado pa ako ng makaharap sa pinto ng opisina pero pilit kong isinantabi iyon. Mas makakabuti kung makakausap ko na si Tito para hindi na maging mas kumplekado pa ang sitwasyon. Ayaw ko na ding maging dahilan pa ito ng kahit na anong pag tatalo sa amin ni Xavier.

I knocked at the door before opening it. Napangiti naman si Tito ng makita ako at agad din akong pinapasok.

"Ija, mabuti ang nakadaan ka. Biglaan ata pero ayos lang, kumain ka na ba? Anong gusto mo ija sabihin mo lang at ipahahanda ko agad," masiglang sabi n'ya. Malayo sa huling kita naming nanghihina pa s'ya at di pa nakakarecover sa pag kakaospital.

Halos mag dadalawang buwan na din noong nangyari iyon at ngayon ay hindi na ulit aakalaing inatake nanaman siya nung nakaraan.

"Salamat po, hindi na Tito. Dumaan lang po ako kasi gusto ko kayo makausap. May sasabihin po sana ako," kabado ngunit diretso kong sabi sa kanya. Hindi naman siya mukhang nagulat, dahil nga siguro alam naman na din niya na ang ipinunta ko dito ay ang tungkol sa amin ni Xavier.

"Sige ija makikinig ako," malumanay at seryosong sambit niya.

Huminga ako ng malalim at malungkot na ngumiti sa kanya. Nakaupo siya sa swivel chair niya at ako naman ay sa upuang nakalaan sa bibisita sa kanya dito sa unahang gilid ng kanyang lamesa.

After HimWhere stories live. Discover now