Chapter 30

46 5 0
                                    

Hello Miracles, this chapter would be the last so I hope you would all enjoy this! Thank you so much for being with me through this journey. If you haven't read my first story kindly check it out now and don't forget to leave a comment and maybe vote. Again thank you so much for staying with me as I write this story. I love you so much! Please stay at home for your safety and keep on praying Miracles ❤️

- Amira


Chapter 30

All this time I never let myself think of that person and the situation we had.

I sighed and smiled at this little boy and shrugged, "Ate is just stressed at work. Ngayon lang ako nakapag pahinga kaya ganito Paopao. Don't worry ate is fine, I'm not sad okay?,"

Ngumiti naman siya at yumakap sa akin, "Ate kung ano man po ang dahilan nyang lungkot na nakikita ko sa mata mo, matatapos lang po iyan kung patatawarin nyo ang sarili nyo pati ang mga taong nag dulot nyan sa inyo. Sabi po ng mama ko bago nya ako dalhin dito ay huwag kong hayaan na manatili ang galit sa aking puso dahil pipigilan ako noon maging masaya. Tama po si mama dahil nung unang dating ko dito ay wala akong gustong kausapin at lagi akong galit sa lahat pero nang kausapin ako ni sister Mona at simulan kong patawarin ang mama ko natuto na po akong maging masaya,"

He's just 8 years old but he seems old. At his young age he manage to understand complicated things while me, old enough to weigh everything yet choose not to.

Umalis siya sa pag kakayap sa akin at tumakbo papunta sa ibang mga bata na abala sa pag lalaro.

2 weeks na ako dito sa shelter. I was given a 3 weeks vacation by our company dahil sa sunod sunod na success deal ko, of course with the help of my team. Hindi nga lang kami pwedeng sabay sabay na wala at noong nakaraan ay si Finn at Rica ang nag bakasyon. Ngayon ay ako at si Kley na sa ibang lugar din napiling mag bakasyon.

Sa mga nag daang buwan wala akong ibang inatupag kundi ang mag trabaho, iyon ang naging paraan ko para makausad sa sitwasyong iyon. Wala akong ibang pinag kaabalahan kundi ang matuto at gumaling sa aking trabaho. Kung lalabas naman ay wala na akong ibang sinasamahan kundi sila Rica o kaya'y si Gail lang. Wala ng puwang sa akin ang makipag kaibigan pa sa iba, masyado iyong makakagulo sa buhay ko kaya ayos na ako sa iilang mga kaibigan kong totoong nag papahalaga sa akin. Tapos na ako sa mga panahong hindi ako pinapahalagahan, ubos na ang oras ko doon kaya ngayon ay mas pinili ko ng gugulin ang oras at panahon ko sa mga totoong nag papahalaga at nag mamahal sa akin. Wala ng puwang para sa mga pag papanggap.

Pumasok ako sa shelter at hinayaang mag laro sa garden ang mga bata, may mga nakabantay naman sa kanila kaya hindi ako nag aalala. Tutulong na lang ako sa pag handa ng miryenda ng lahat para hindi na mag isip ng kung ano ano pa.

"Sister, tutulong ako dito nag lalaro pa ang mga bata sa labas."

"Nako Veronica, mag pahinga ka na lamang at iyon naman talaga ang ipinunta mo dito. Huwag ka ng mag abala pa sa katutulong dito dahil kaya naman ng iba iyan," si Sister Mona ang nag sabi noon.

Ngumiti ako sa kanya bago nag salita, "Pumunta po ako dito para makasama kayo, natutuwa po akong tumulong dito dahil noon ay isa din ako sa mga batang inaasikaso dito. Hindi din naman po nakakapagod ang mga gawain dito kaya walang problema."

"Osya ija kung iyan nga ang gusto mo. Sige tumulong ka," malumanay na sambit ni sister.

Mabilis kaming natapos sa pag aasikaso ng pagkain ng lahat, katulong ko ang mga helpers nila dito habang sila sister naman ay abala sa mga bata at ilan nilang mga tungkulin. Sabay sabay kaming nag miryenda at ng matapos ay nag pasya akong maidlip muna. Nakakapagod ang makipag kulitan sa mga bata kaya't hindi ko maiwasan ang antukin madalas dahil sa pagod pero kahit na ganoon ay masaya parin naman.

After HimWhere stories live. Discover now