Chapter 15

53 11 0
                                    

Chapter 15

Gusto ko nanamang maiyak dahil sa dami ng naiisip ko. Gusto kong mawala ng parang bula para hindi ako maguluhan ng ganito.

Nasasaktan ako sa mga paratang ni Xavier. Ang mga salita n'ya ay parang kutsilyong tumatarak sa aking dibdib. Masakit at hindi ko kayang itanggi.

Marahang hinawakan ni Lucas ang aking pisngi para maiharap sa kanya at matitigan akong mabuti,  "What did he tell you? Come on, tell me."

Namuo ang mga luha sa gilid ng aking mga mata, kaunting sandali na lang siguro ay mag uunahan na iyon sa pag patak. Hindi ko maintindihan ang sarili ko. Hindi ko alam kung para saan itong nararamdaman ko.

"Is he bothering you?" seryosong tanong n'ya ng hindi ako mag salita.

Umiwas ako ng tingin, hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya. Paano ko ba ipapaliwanag sa kanya na naguguluhan ako sa sarili ko.

"Sinaktan ka ba nya, Veronica?" napaangat ako ng tingin sa kanya ng tumayo siya habang sinasabi iyon, nakalayo na rin siya sa akin ng bahagya at seryosong nag aantay sa sagot ko.

"Hindi," mahinang sagot ko. Tumikhim siya at pilit na ikinalma ang sarili. Lumapit ulit s'ya sa akin at pilit na hinuli ang aking tingin.

"What did he tell you then? Why are you avoiding me? What's wrong baby please tell me," titig na titig siya sa akin. Halos hindi naman ako makahinga dahil sa lapit ng mukha niya sa mukha ko.

Gusto kong batukan ang sarili ko dahil ramdam na ramdam ko ang bilis at lakas ng tibok ng puso ko. Kabadong kabado ako sa hindi ko malamang dahilan.

"Hey, please look at me. What are you thinking? Tell me please," a bit of frustration can be heard on his voice. I bit my lower lip and forced myself to calm down. Baka dahil sa pag wawala ng puso ko ay marinig n'ya iyon, nakakahiya!

"Galit sya Lucas," iyon lang ang nasabi ko matapos ang mahabang katahimikan sa aming dalawa.

"He still affects you this hard huh?" he chuckled without rumor. Muli s'yang lumayo sa akin at ilang beses pang humugot ng malalim na hininga bago ako muling tiningnan.

"Do you still like him?" seryosong tanong niya.

Hindi ako agad nakasagot. I saw his jaw clenched a couple of times, looking so serious and trying to be patient for my answer.

I swallowed hard and nodded, "I still like him, but ahm I think I'm-"

Lumapit ako sa kanya ngunit hindi ko na natapos pa ang sasabihin ng bigla na s'yang nag salita, "Right, what do I expect? Okay. I think I should go," seryoso s'ya at panay ang iwas ng tingin sa akin. Ilang beses pa s'yang tumango tsaka umalis.

Naiwan akong nakatayo roon habang nakatanaw sa kanya hanggang sa makaalis na siya.

Bigla akong nanghina. Hindi ko alam kung bakit bigla akong nawalan ng lakas. Para akong binagsakan ng panibagong mga bato sa dibdib.

Iyong paraan ng pag tingin niya sa akin kanina bago siya umalis ay parang nag iwan sa akin ng takot. Pakiramdam ko ay lalayo na siya sa akin, parang mawawalan na ako ng kakampi. 

I don't wanna lie to him, I still like Xavier. Hindi siguro maaalis iyon basta basta, but my feelings for him is not the same as before. Kung noon ay umaaasa akong mag kakaayos din kami, ngayon ay hindi na ako umaasa pa.

I want to tell Lucas about that but he didn't let me finished. Siguro iniisip n'ya ay talagang nakikipag landian lang ako sa kanya.

Iyon nga ba talaga Veronica? Nakikipag landian ka lang ba? Ano ba talagang nararamdaman mo?

After HimWhere stories live. Discover now