Chapter 18

32 7 0
                                    

Chapter 18

Magaan ang pakiramdam ko hanggang pag uwi. Alam kong hindi pa natatapos ang problema ko pero napakasaya ko parin na nabawasan iyon.

I'm really thankful that Tito Felipe is understanding. Now I hope Xavier will be happy. This is what he really wants and I'm happy for him even if it still hurts me a bit.

I texted Gail and tell her I'm home. Ang sabi niya ay uuwi siya ng lunch dahil tapos na niya ang trabaho. I also received a text from Rica saying I should get well soon because they need me. I sighed, sana ay hindi mag kaproblema dahil sa pag kakaroon ko ng sakit.

Nag handa na lang ako ng lulutuin para sa lunch dahil maayos naman na ang pakiramdam ko at si Gail nalang ang ayaw akong papasukin kanina para makapag pahinga pa.


Caldereta ang lulutuin ko dahil iyon ang paburito ni Gail. Sa aming dalawa ako iyong mas marunong mag luto dahil bukod sa makalat syang mag asikaso ng mga gamit sa kusina ay may kaya naman sila at may katulong para sila ay maipagluto.

Thinking about our friendship makes me happy. We are really different but that doesn't stop our bond.

Gail's father is a businessman, her mother is a professor on a known university in Manila kaya naman hindi na nakakapag taka na may karangyaan ang kanilang buhay. Mabait din ang mga ito kaya lang ay masyadong abala sa trabaho kaya't wala na rin masyadong oras sa pamilya. Naalala ko noong nagkakilala kami sa isang subject noong 2nd year college bigla nalang kaming naging close tapos hindi na kami mapag hiwalay. Mga klase nalang ang nag papahiwalay sa amin sa school at tuwing vacant ay kami lagi ang mag kasama. Mahilig siya noong mag reklamo tungkol sa kawalan ng oras ng parents nya sa kanya but then when she knew about my situation, hindi man nya sabihin ay nakita ko ang unti unti niyang pag babago. Kusa na niyang naintindihan ang kanyang mga magulang at hindi na nag reklamo pa sa kung ano.

Our friendship has been through a lot too, may mga pag kakataon na hindi kami mag kaintindihan at nag kakaroon ng tampuhan pero hindi rin naman namin natitiis ang isa't isa. We see each other as a family. And I'm lucky to have her, so lucky to gain this kind of relationship with her.


My phone suddenly rang. Itinabi ko naman ang hinihiwang patatas at kinuha ang cellphone para sa tawag. It's Rica.


"Hmm?" bungad ko sa kanya.

"Anong hmm? Anong hmm? Nakita mo na ba?" eksaheradang tanong niya.

"Alin ba?" naguguluhan kong tanong sa kanya.

"Seriously girl? You haven't?" ang tono ng boses niya ay pinaghalong gulat at pag aalala.

"Ano bang meron Rica? May problema ba?" simubol ang kaba sa aking dibdib kahit na hindi ko pa naman alam ang nangyayari.

"Don't access any of your social media accounts okay? And as much as possible don't go out. Kung pwede nga ay mas mabuti kung mag leave ka muna don't mind the work in here, kami na ang didiskarte dun. O di kaya ay dyan ka na muna sa apartment mo mag sketch. Ipahihiram ko ang computer ko para makapag trabaho ka dyan. Mag send ka ng leave kay Boss tapos I'll explain to him what's happening. Sa ngayon wag ka na munang mag oonline sa accounts mo okay? Mag pagaling ka," puno ng pagkakataranta ang kanyang boses. Lalo tuloy akong pinangunahan ng kaba at napuno ng pagtataka.

"Ano bang nangyayari Rica? Kinakabahan na ako," nag aalala kong tanong.

I heard her sigh before answering my question, "Just do what I say Vy. I'll talk to Gail so she can explain it to you. Basta wag ka na munang mag online ng accounts mo okay? Makinig ka kung hindi ay ipapaambush kita, nakakaimbyerna yang ganda mo."

After HimWhere stories live. Discover now