Chapter 21
Hindi ako agad nakasagot. Ano bang alam ng kapatid n'ya?
She laughed again and looked at me teasingly, "Never mind. Kahit naman anong status n'yo ay wala akong pakealam. May pagkatorpe talaga ang kapatid ko kaya pag pasensyahan mo na kung mabagal."
Bahagya naman akong natawa sa sinabi ng kapatid ni Lucas. Naging magaan na din ang pakiramdam ko sa kanya kaya naging mas magaan din ang aming pag uusap.
"Are you really that quite? I mean sabi kasi ni Lucas medyo snob ka pero hindi ka naman daw tahimik. Napapaisip tuloy ako kung ikaw ba ang tinutukoy nya," saad ni ate Harriet.
Ngumiti ako sa kanya bago sumagot. Nahihiya pa rin ako ngunit mas nakakahiya naman kung pakikitaan ko siya ng hindi maganda, "Naguguluhan lang ako. Pag kagising ko kasi ay pinag handa agad ako ng best friend ko para sa pag alis. Kanina ko lang din nalaman ang plano nila kaya hindi ko alam kung ano ang irereact ko."
"Right. Kagabi naman ako sinabihan ni Lucas, kaya lang ang sabi n'ya nga ay hindi pa raw sigurado ito pero pinag handa n'ya pa din ako. Excited naman ako kaya talagang pinaghandaan ko ang pag dating mo. Tuwing nagkikita kasi kami ng kapatid ko ay nababanggit ka n'ya kaya sobra akong nacucurious sayo. My brother is not really talkative but whenever he mentions your name, he kept on talking and talking. Hindi sya nauubusan ng sasabihin," tumatawang sabi ng aking kausap.
"He never mentioned about you or any of his family. Kaya medyo nagulat ako ng sabihin ni Ram na pupunta kami sa bahay ng kapatid n'ya dahil hindi ko naman alam na may kapatid pala s'ya. Nawala rin sa isip ko ang mag tanong," nahihiyang kwento ko sa kanya.
Nahihiya man ako ay mas gusto kong marinig ang mga kwento n'ya dahil gusto ko ring makilala si Lucas. Wala s'yang nabanggit na kahit na anong tungkol sa pamilya n'ya kaya mabuti na hindi ko na kailangang mag tanong pa sa kapatid n'ya dahil ito na mismo ang nag sasabi ng mga bagay na gusto kong malaman.
"He never really mention about us. He's like that and I'm used to it. Hindi na talaga ako nagugulat o nag tataka na hindi mo kami kilala dahil ayaw n'yang pinag uusapan ang tungkol sa pamilya namin. Our parents are in abroad, kaming dalawa lang dito sa pilipinas. Bahay namin ito pero mas gusto n'yang sa condo niya s'ya tumira. Para na din daw malapit sa pinsan naming kasabay na namin lumaki, matigas kasi ang ulo non at s'ya lang ang nakakatagal. Sa kanya lang din halos nakikinig. That's why I'm alone in here with our trusted people."
Sa mga nalaman ko ay isa lang ang labis na nag pagulo sa aking isipan. Mayaman sila. Mayaman si Lucas pero bakit kailangan n'ya pang mag trabaho bilang driver kay Samantha?
Muli akong nakinig kay ate Harriet ng mag simula ulit itong mag kwento.
"My brother is really protective with our cousin. Silang dalawa kasi ang sabay talagang lumaki, kung hindi lamang umalis iyon para sa pag aaral ay baka may sarili na silang negosyo dahil hindi sila mapag hiwalay. You know what, muntik ng sundan ni Lucas iyong pinsan namin na iyon sa Australia pero hindi s'ya pinayagan ng tito and tita namin dahil hindi daw matututo si Sam na maging independent kung nandun din s'ya. Kaya ngayong bumalik na dito sa pinas ay talagang bantay sarado niya."
May kung ano sa akin ang biglang hindi mapakali. Maraming tanong ang namumuo sa isip ko ngunit ayaw kong sagutin iyon. Ayaw kong masagot ang mga tanong na iyon dahil may naiisip akong hindi ko nagugustuhan. Hindi naman siguro ganoon, hindi pwedeng tama ang naiisip ko.
"Anyways, balik tayo sa inyo. I'm really happy you came. Hindi kasi ganyan ang kapatid ko noon. Laging sa trabaho lang at sa amin umiikot ang mundo n'ya. Bilang lang ang kaibigan n'ya dahil hindi siya mahilig mamansin. He's always serious and quite. Lahat ng bagay na gagawin niya noon ay planado, walang salitang "bahala na" sa kanya kaya minsan ako ang nalulungkot para sa kanya. He's very stiff, I mean, he never done anything ng hindi man lang pinag iisipan. Sometimes I wanted to blame our parents for making him like that, pinalaki kasi s'yang dapat lahat ng kilos, hakbang at desisyon ay planado at pino. Hindi s'ya pwedeng mag kamali dahil siya ang nagiisang apong lalaki ng parents ni Dad. Sa kanya lahat inilagay ang pressure para sa pagiging tagapag mana kaya walang puwang ang mag kamali sa kanya tapos nadala n'ya na din sa buong buhay n'ya. Pero nung dumating ka biglang may nag bago sa kanya. He's more soft and carefree. Parang biglang hindi na s'ya natatakot mag kamali. He's opening up himself to the world and I'm really happy for him," ang senseridad ay kitang kita sa mata n'ya. Kitang kita rin ang labis n'yang pag mamahal kay Lucas kaya hindi ko maiwasang makaramdam ng pag kamangha.
YOU ARE READING
After Him
RomanceThe love that I knew wasn't like the ones written in a book. It wasn't beautiful and magical. It doesn't bring butterflies in my stomach and it doesn't make me feel special. It doesn't feel like home, I do not feel secured. It does not make me feel...