Chapter 4

82 23 0
                                    

Chapter 4

I tried to smile at Lucas but I know it looked fake. Why is he doing here?

"Sorry to disappoint you. Bigla kasing nagkaroon ng meeting ang recording team, pati na rin yung banda nila Xavier kasama ang Crouse Media na gustong mag bigay ng fund at mag cover ng isang article para sa pag release ng kanta nila. Hindi na raw siya makakatawag sayo kaya nakiusap na lang na ako ang sumundo sayo," paliwanag niya.

"He could have just text me. Inabala ka pa nya," hindi maaalis ang pagkadismaya sa aking tinig. Maiintindihan ko naman kaya lang bakit parang pati [pag text ay mahirap gawin? Gaano ba kabusy iyon at di na nakapag laan ng kahit isang minuto lang na pag text.

"You really are disappointed to see me here, huh?" napabaling naman ako kay Lucas ng sabihin niya iyon.

Naguilty naman ako kaya't inayos ko ang aking sarili at umiling.

"Sorry. Hindi naman sa ganoon. Disappointed ako sa boyfriend ko, pero ano pa nga bang aasahan ko?" pilit na lamang akong ngumiti at nag simula ng mag lakad.

Nasa likod ko lamang siya at hinahayaan akong mauna. Lumingon ako sa kanya kaya't huminto siya.

"Pwede mo ba akong samahan? Ayaw ko pa kasing umuwi," nag aalangang tanong ko sa kanya.

Ayos lang din naman kung hindi siya papayag, hindi rin naman kami close kaya't hindi na rin ako magugulat kung tatanggi siya.

Pero mali ako dahil sumilay ang magandang ngiti sa kanya at tumango.

"Saan mo ba gustong pumunta?" masiglang tanong niya.

"Kahit saan. Wala akong maisip basta ayaw ko pa umuwi," sambit ko matapos niya akong pag buksan ng pintuan ng sasakyan.

"Gusto mo bang mag arcade?" tanong niya ng makapasok na rin siya sa sasakyan.

"Arcade? Seryoso ka ba Lucas? 23 na ako hello!" natatawang sambit ko.

Lumingon naman siya sa akin at binigyan ako ng nag tatakang ekspresyon. "I'm 24 and I still go to arcades. Ano naman ngayon? May age limit ba dun?" natatawang tanong niya.

"Ang tanda na kaya natin para don," pangangatwiran ko sa kanya.

"Wala namang nag sabi na kapag matanda na bawal na mag saya," kumbinsi niya sa akin. Naiiling na lang akong tumawa sa kanya.

At oo doon nga ang pinunta namin. Nag laro lamang kami nang nag laro hanggang sa mapagod at makaramdam ng gutom.

Halos mag aalas otso na ng makalabas kami sa arcade dala ang isang may katamtamang laking pink panther na nakuha naming premyo mula sa mga tickets sa iba't ibang arcade.

"And now look at you? 23 year old girl who always had the straight-face-look whenever she sees me is smiling after playing on the arcade where I bring her. Mas bagay sayo yan," pang aasar niya sa akin.

Ngumuso naman ako sa kanya at tiningnan siya ng masama, lalo lamang siyang natawa kaya't natawa na din ako.

"Tigilan mo nga ang pang aasar dyan Lucas!" tumatawang saway ko sa kanya.

"Saan mo gustong kumain?" pag iiba niya ng usapan. Nag isip naman ako at bigla na lang nag crave sa pagkain ng isang fastfood restaurant.

Pag dating roon ay siya na lang ang umorder. Naupo ako sa bandang gilid na malapit lang rin sa pila niya.

Hindi maalis ang ngiti ko ng bumaling ang aking tingin sa pink panther na napanalunan namin.

Noon pa man ay hilig ko na ang mag arcade, kasi tuwing nararamdaman kong may kulang sa akin laging doon ang punta ko para maging masaya. Pero hindi naman ito hilig ni Xavier, mas gusto niya iyong sa mga concert o kaya'y gig ang pinupuntahan kaya nang maging close kami at maging kami na nga ay hindi na ako nakapunta pa sa Arcade. Ayos lang naman iyon sa akin pero nakakamiss rin pala.

After HimWhere stories live. Discover now