Chapter 19
I couldn't even cry. I just looked at Gail, didn't say anything.
"Don't worry we'll fix this," sambit n'ya tsaka ako niyakap.
Doon na lang ako nakaramdam ng pag iyak. Hindi ko alam kung ano pang puwede kong gawin. Sinusubukan kong ayusin ang lahat pero lagi na lang may dumadagdag na problema.
Ganito ba ako kamalas kaya kahit hindi pa natatapos ang isang problema ay may dadagdag nanaman na panibago. Ganito ba ako kasama kaya kahit anong ayos ko sa buhay ko ay lagi paring nagugulo?
Kumatok ang katulong nila para sa pagkain. Pag katapos n'yang ayusin ay lumabas na rin. Kumain lang kami ng tahimik, iniisip ko pa din kung paano itong maaayos. At kung ano ang magiging epekto nito sa sitwasyon ko.
"Vy mabuti pa mag pahinga ka muna, kakausapin ko si Victor baka may magawa siya para dito," marahang sabi n'ya. Si Victor ay kaibigan n'yang nag susulat para sa isang kilalang magazine. Nahihiya man ako ay hindi ko na s'ya pinigil pa. Ayaw ko ng tumagal ang issue na ito.
Tumango na lang ako sa kanya at hinayaan siyang lumabas. Nang makaalis siya ay inihiga ko ang sarili sa kanyang kama at tinabunan ng kumot.
Nang hihina pa din ako sa lahat ng nangyayari at nauubusan ako ng kakayanang mag isip ng puwedeng paraan para matapos na ito. Nakakainis, hindi ko inaasahan na mangyayari ito. Akala ko ay ayos na dahil naintindihan na ako ni Tito Felipe.
Xavier is not like that. I don't know him anymore. Tahimik akong umiyak dahil sa frustration. Sinusubukan kong ayusin at alagaan ang natitirang samahan naming dalawa kahit pa nag kakasakitan na kami pero ginagawa n'ya ito. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan n'ya pang gawin iyon, kung ang kinatatakot n'ya lang ay ang tutulan s'ya ng kanyang ama sa kanyang career ay wala ng problema. Nakausap ko na ito at nakita ko ang pag suporta n'ya sa anak, sinusubukan n'ya lang iyong gamitin para mapag ayos kami.
Hindi ko na alam ang dapat kong maramdaman. Xavier has never been this obnoxious. He's always the typ of person that is thinking before doing something but with his actions, I don't think he's in his right mind. Hindi n'ya ba naisip na maaari din itong ikasira ng career n'ya? Lalo pa at nag sisimula pa lang naman sila.
Nakatulugan ko na lamang ang pag iyak at nagising nang makarinig ng ingay. Pag mulat ko ay nakita ko si Rica kasama si Finn na kausap si Gail ng mahina.
"Nakausap ko na ang kaibigan ko tungkol dito. He'll interview Vy one of this days para makapag issue s'ya ng statement. Ang sabi n'ya lang ay baka mag dulot iyon ng pagkaka-invade ng privacy ng buhay ni Vy," namomroblemang saad ni Gail. Hindi pa nila napapansing nagising na ako. Nakaupo si Finn at Rica sa sofa habang si Gail ay nakatayo malapit sa sliding door papuntang terrace.
"Nakausap ko na din ang Boss, he's more concerned about Vy's safety. S'ya pa ang nag suggest na mas mabuti nga kung sa bahay na lang mag work itong si Vy o kaya ay wag na muna mag trabaho. He even offer her a condo para daw hindi s'ya masundan ng media since pag mamay-ari ng pamilya nila iyon," sabi naman ni Rica.
"Kanina nang lumabas kami para umuwi ay nakita namin ang dami ng media ang nakaabang sa labas ng company building kaya naisipan naming dumaan sa apartment n'ya. Pag dating namin duon ay hindi na kami tuluyang nakalapit dahil marami na din ang nakaabang sa labas. Duon ka namin itinext at sabi mo nga nandito kayo," seryosong kwento naman ni Finn, mag kahawak ang kamay nilang dalawa ni Rica.
Kung hindi lang sana ganito ang sitwasyon ay aasarin ko silang dalawa. Mukhang nag kakamabutihan na talaga sila at masaya ako para sa kanila. Kaya lang ay hindi ko iyon maipaalam sa kanila dahil sa sitwasyon ko ngayon.
YOU ARE READING
After Him
RomanceThe love that I knew wasn't like the ones written in a book. It wasn't beautiful and magical. It doesn't bring butterflies in my stomach and it doesn't make me feel special. It doesn't feel like home, I do not feel secured. It does not make me feel...