Chapter 2

111 24 3
                                    

Chapter 2

The next day was totally okay not until Xavier's father came to my apartment wanting to talk to me.

Masyadong malaki ang utang na loob ko sa kanya dahil tinulungan niya akong makapag tapos ng pag aaral. Nakagraduate ako sa college sa tulong na ibinigay nila sa pamamagitan ng trabahong ipinagkatiwala nila sa akin kaya naman ang makita siyang problemado ngayon ay nag dudulot din ng lungkot sa aking puso.

Mabuti silang tao, sa loob ng ilang taon na nakakasama at nakakasalamuha ko sila ay walang pag kakataon na ipinaramdam nila sa akin na tauhan nila ako. Itinuring din nila akong parte ng maliit nilang pamilya.

"Good afternoon po, bigla po ata kayong naparito? Upo kayo at ipag hahanda ko kayo ng miryenda," bati ko sa kanya kahit na puno ako ng pagtataka sa biglaan niyang pagsulpot rito.

Ngumiti naman siya at tumango bago umupo sa sofa, "Pasensya na at hindi kita nasabihan ija, masyado akong nag madali sa pag punta rito kaya hindi ko na nagawang mag pasabi pa," bakas ang pag aalala sa kanyang tinig. Dumiretso naman ako sa dinning area na malapit lamang din sa sala para makapag handa ng makakain.

Nang matapos ay saka ko pa lang nagawang harapin si Tito Felipe na ama ng aking boyfriend.

"Ano po ba ang sadya ninyo? Sana ay ako na lang ang pinapunta ninyo sa inyo Tito. Baka mapano pa po kayo," sambit ko.

Ngumiti naman siya at umiling, "Malakas pa naman ako ija, masyado lamang kayo kung mag alala. Pero maiba ako't hindi naman iyon ang ipinunta ko dito, kamusta naman kayo ni Xavier?" sa tono pa lamang ng kanyang pananalita alam ko nang may alam siya tungkol sa pagbabalik ni Samantha.

Hindi ako umimik at nag iwas na lang ng tingin. Parang bigla akong nanliit dahil ang katotohanan ay parang isinasampal sa akin.

Andito ako sa posisyon na hindi naman para sa akin.

"Ija, girlfriend ka ng anak ko. Karapatan mong kwestyunin ang mali niya. Hindi komo't bumalik iyong babaeng iyon ay maguguluhan siya. Masaya naman kayong dalawa noong wala iyon," bakas ang iritasyon sa kanyang boses.

"Hindi na ho iyon kailangan Tito," Mahinang sambit ko.

"Anong hindi kailangan? Naguguluhan ang anak ko ija, huwag kang pumayag na masira kayo dahil lamang sa babaeng iyon! Ikaw na ang mahal ng anak ko. Tulungan mo siyang marealize iyon," dugtog niya sa unang sinabi.

Ngumiti ako ng pilit. Hindi na nais kumontra dahil baka kung ano ang mangyari kay TitoFelipe. Baka makasama sa kanya at maging dahilan ng pagkakapakahamak ng kanyang kalusugan.

"Sige po gagawin ko 'yan," sambit ko kahit na sa loob ko'y alam ko na kahit anong pilit kong gawin iyon ay wala rin akong mapapala.

Hindi ako mahal ni Xavier. Hindi niya ako natutunang mahalin.

Dahil kahit sa mga panahong ako ang kasama niya, hindi man niya sinasadyang iparamdam sa akin ay nararamdaman ko ang pangungulila niya sa babaeng mahal niya talaga.

Iyong hinahanap hanap niya sa pag tulog, gusto niyang makasama sa lahat at handa nyang antayin gaano man katagal ang abutin.

Kaya imposibleng maparealize ko sa kanya na ako ang mahal niya dahil hindi niya naman ako nakita. Hindi niya ako pinagtuunan ng pansin dahil kahit siguro anong pilit niya sa sarili niya, hindi niya maalis sa sarili niya na si Samantha ang mahal niya.

Si Samantha hindi ako na si Veronica.

"When I met Cora, Xavier's mother ija, I was with someone else. My first love, Cora's existence doesn't matter until we get a chance to know each other. My first love left for her dreams and we promised to hold on to our relationship but then Xavier's mother is not hard to love. And even when I love my girlfriend I still fell in love with his mother. At first I was confused, specially when my girlfriend came back. I thought she's still the best for me and she's the one for me but then Cora made me realize, she helped me realize that no matter how much passionate I was in loving my first love, I can't help but fall in love with her, my greatest love. Think of that with the same situation as yours and my son, Veronica. I really like you for my son. And I know he's in love with you," sambit ni Sir Felipe matapos na mag paalam para umalis.

After HimWhere stories live. Discover now