Regina POV
"Sa relasyon pag may hirap daw, pagsubok lang at kailangan mo lang lumaban na kahit gaano kasakit o kahirap dapat lalaban kayo ng sabay,dahil kung para kayo sa isa't-isa kayo at kayo sa dulo.Pero paano nga ba malalaman kung dapat pang ilaban o isuko na lang?" Pinipigil kong bumagsak ang luha na naiipon na sa mga mata ko. Ayokong umiyak nakakapagod na.
"Ang hirap lang ng sitwasyon natin,hindi man lang tayo nakalaban.Nagising na lang tayo,talo na.Ano bang nangyari?Bakit parang ang alam ko lang nag t-trabaho tayo,pag uwi ko ganito na.Yung ilang taon nating pagmamahalan nawala. Anong nangyari?" Seryoso narin ang tinig niya.Kitang kita ko sa mga mata niya ang hirap.Alam kong hindi lang ako ang nahihirapan.
"Hindi nga ba talaga tayo nabigyan ng tyansang lumaban o binigyan tayo, binaliwala lang natin? Ang naging kalaban natin ay ang mga sarili natin,hindi natin napang-hawakan ang pinangako natin sa harap ng altar. Ang tukso na nagpabago sa mga buhay natin,ang tukso kung bakit tayo nahihirapan ngayon. Namalayan na lang natin,talo na tayo.Namalayan na lang natin hindi na pala talaga pwede maging tayo,kahit na kasal tayo" Hindi ko na magawang tumingin sa mga mata niya,dahil sa sakit ng puso na nararamdaman ko ngayon.
Naramdaman ko ang nanginginig niyang mga kamay ng hinawakan niya 'ko.
Hinigpitan ko ang hawak doon,dahil sa huling sandali,sa huling sandali hahawakan ko ang mga kamay ng mahal ko. Nang ASAWA ko.
"Gie,tara na" Yaya sakanya ng babaeng pagpapaubayaan ko sakanya.
Tumango lang ako, senyales na pumapayag na 'ko sa pagalis niya.
"Hon." Sa lahat ng nangyari, narinig ko muli ang salitang yon sakanya.
"Shhh,don't say anything. Sige na" pag papaalis ko.
Hindi parin naka alis ang pagkahawak ng mga kamay namin,grabeng higpit parin nito.
Sabay kaming napatingin sa mga kamay namin na ayaw maghiwalay.
Sinasabi ng utak ko na bitawan na ito,pero parang sumisigaw ang puso ko na kumapit pa 'ko.
Sana nga ganito na lang kadali.Sana.
Naka-angkla na sakanya ang babaeng pag u-uwian niya sa araw-araw at magiging nanay ng anak niya.
"Hon,please. Kapit pa tayo, please" umiiyak na sabi niya.
Umiling lang ako.
"sige na umalis kana,dalhin mo na siya,sige na" pagtataboy ko.
Hinila na siya nito.
Habang sa palayo siya ng palayo,ramdam at kitang-kita ko pa'no lumuluwag ang mga kamay naming kanina lang na napaka-higpit na mag kahawak.Nang maka ilang hakbang sila.Kitang-kita ko ang sabay na pag bagsak ng mga kamay namin ng tuluyan ng maghiwalay ito.
Pinagmasdan ko habang umaalis sila at mawala sa paningin ko.Napatingin ako sa wedding ring na suot ko,tyaka ito dahan-dahan na hinubad.
I am not married anymore. Sa konting panahon na lang mismong sa papel mawawala na ang bisa ng kasal ko.
PROLOGUE
It's Great to be married,It Really is,Providing ofcourse you're married to the right Person.
Ayan ang moto ni Regina Campo,being 9 years married is so easy for her tila ayon ang pinaka magandang 9 years sa buhay niya. Kahit na hindi sila binibiyayaan ng anak na kukumpleto na sa kanilang pamilya,nagawa parin nilang maging masaya ni Gie Oscar Campo. Yung lagkit sa pagtitinginan nila,exchange sweet messages,date night despite their schedules and everything. Walang nag bago,they're still like that. Yung tipong kahit nasa public place sila,tila wala silang kasama at ganun-ganun na lang nila ipakita ang pagmamahal para sa isa't-isa.They're both in the same business kaya hindi mahirap para sakanila ang intindihin ang schedules ng isa't isa.
Pero kung isang proyekto sa trabaho ang dumating na magpapabago sa nararamdaman nilang dalawa. Isang araw gigising na lang sila na tila okay lang kung mag kita paba sila o hindi na.Mawalan ng pake-elam sa mararamdaman ng isa't-isa.What they should do? They will give up or they will fight for their marriage,even they are fell in love with somebody.

BINABASA MO ANG
Loving You
Ficção AdolescenteWARNING:To all people who is concervative,hates the bed scenes or all the adult scenes.I think and I am sure,this story is not for you. I respect and understand your choice of content,your perspective and your belief,so for you to have a peaceful mi...