Chapter 16

262 8 2
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

"Hoy,tulala ka nanaman jan ha?!"

halos mapabalikwas ako nang biglang pasok ni PJ sa tent ko.

"the fuck? sinong nagsabing pwede kang pumasok dito without my permission?" pagtataray ko.

"wow! iba din! after kita pasayahin kagabi,ganyan kana bad!" ganti niya

Ito! gwapo sana kaso bakla pa ata!

ngumiti na lang ako saka ayos sa mga make up ko.

Its only 4pm pero pack up na at hindi yun masaya,mas gusto ko nang mag trabaho kesa manatili sa bahay. Parang akong nasa impyerno pag nasa bahay eh.

"Ganyan nanaman ang mood mo kase pack up nanaman? You know what, bakit hindi mo bigyan ng chance yang asawa mo.Bigyan mo din ng chance yung sarili mo magpatawad.It's hard,pero pagnatutunan mo napaka sarap sa pakiramdam" pataas taas na kilay niyang sabi.

napaiwas na lang ako ng tingin..

bakit nga ba hindi? mahirap,hindi ko rin alam kung kaya ko na.Pero bakit hindi ko nga ba subukan?

"Paano ako magsisimula?" Agad na tanong ko.

"puntahan mo ngayon sa trabaho niya pero wag kang magdala ng sasakyan.Para kahit anong inis at galit na maramdaman mo pag nakita mo siya no choice ka kung hindi sumama sakanya or else 'di ka makakauwi" suhestyon niya.

And I think tama siya,pero paano ako pupunta don? Nang walang sasakyan,hindi ako pwedeng mag commute at baka gutay gutay akong makarating.

"Ihahatid kita,pero may dadaanan lang ako sa bahay
pwede ba yon?" agad niyang sabi

ngumiti lang ako saka tumango.Pagpapahiwatig ng pagpayag ko.

***
"dito ka lang ha.Papasok lang ako, 5minutes" paalam ni PJ saka pasok sa bahay niya. Pinagmasdan ko yung bahay and it's look like quite.Parang walang kagana gana,parang ang lungkot.Malaki naman,may tatlong palapag then kitang kita dito yung swimming pool na walang tubig.Pero iba parin yung awra,ang lungkot.Mas malungkot pa 'to sa bahay namin ngayon eh.

Nakita ko na siyang lumabas kaya agad na 'kong ngumiti.

agad naman na siyang nag maneho papunta sa sinend saking location ng P.A ni Gie, wala siyang kaalam-alam na papunta ko.Hindi ko rin naman sinasagot lahat ng updates niya.

***
"hindi na ko baba at baka pagkamalan akong kabit mo, mahirap na" nakangising sabi ni PJ

Andito na kami sa taping si Gie ngayon.Kitang kita ko na rin yung mga staff..

"thank you" nakangiting sabi ko saka bumaba.

humarap ako sa set tyaka huminga ng malalim.Ang gusto ko lang ayusin ang marriage ko, bakit parang tumututol ang buong katawan ko?

kahit tila ayaw humakbang nang paa ko ay naglakad parin ako.

ramdam ko ang gulat ng mga tao sa paligid ng makita ako.

"Mon? Si Gie asan?" ani ko nang makita si Mon na P.A ni Gie.

"maam? asa tent po, maam" nakangiti niyang sabi.

agad kong tinungo ang tent na tinuro ni Mon.

bumungad sakin dun si Gie na tulog na tulog.

Umupo lang ako sa tabi niya,hindi ko maiwasang hindi tingnan ang mukha niya.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon