DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.
Regina POV
Nandito 'ko sa kwarto at hinahanda na ang dadalhin ni Gie sa hotel later."Hon,maliligo lang ako ah" paalam niya
Tumango-tango lang ako saka patuloy sa ginagawa ko.
To be honest kinakabahan ako sa gagawin ko.Kinakabahan ako dahil alam kong malaking pag babago sa buhay ko 'to.Pero tama si Iyay hindi ko deserve ang gaguhin lang.
Napatingin ako sa kama kung saan nag v-vibrate ang phone ni Gie.
*Alexa is Calling*
Napangiwi na lang ako sa nakita ko at agad ko na itong sinagot.
"Hi.See.you later" may landi sa boses niya na lalong nag painit ng dugo ko.
"Talaga? Okay, I'll see.you later" seryoso kong sabi.
Agad naman nang namatay yung tawag.Boses ko pa lang sumusuko na siya? What's more mamaya?
***
"Bye hon, see you later" paalam ni GieNiyakap ko lang siya saka hinayaan ng maka alis.
Hindi man lang niya napapansin na hindi ko siya hinahalikan.
I can't.
I can't kiss him lalo na at alam kong may laway ng sawa ang mga labi niya.
Agad na 'kong naghanda saka pumunta kila Iyay.
***
"Reg." ani ni Iyay.Nakita kong nandito narin si PJ
"Sure kana ba?" Seryoso nilang tanong
Tango lang ang sinagot ko sakanila, saka dumiretso na sa loob.
Nakita ko na agad sa mannequin ang gown na susuotin ko para mamaya.
It's a Mint Green tube gown cocktail cut backless ito kaya't daring ang dating sa'kin nito.
Like I said.Hindi ko kailangan mag suot ng madidilim na kulay para katakutan at magmukha akong papatay dahil presensya ko pa lang kailangan na niyang magtago.
Umupo na 'ko sa makeup table ko,saka nag umpisa ng mag ayos.
May hairstylist ako kaya't hindi narin ako mapapagod sa pag aayos ng buhok ko.
"PJ! Ano bang update sa hotel?" Tanong ko.
"Nakarating na ang asawa mo" ani niya habang pinapanood parin niya ito sa monitor.
Naglagay na sila ng camera doon kagabi pa lang.
"Iyay, ung flashdrive?" Pagpapaalala ko.
"All set na nabayaran ko narin ung DJ." Tugon niya habang nakatutok din sa monitor..
Tinuloy ko na lang ang pag aayos ko, hangang sa matapos.
I got a smoky makeup
and yung hair ko is in high pony tailTumayo na 'ko saka ko sinuot yung gown.
Pinagmasdan ko lang ang sarili ko sa salamin.
Hindi ko alam kung bakit nagawa sa'kin ng asawa ko lahat ng 'to.Hindi ko alam kung saan ako nag kulang.Hindi ko alam kung anong meron siya na wala ako.
Iniabot na sakin ni Iyay ang sapatos ko.
It's 6.inches heels kaya alam kong mahihirapan ako sa paglalakad.Pero wala ng mas hihirap pa sa pinagdadaanan ko ngayon.Matapos ang araw na 'to. Maaari akong mawalan ng asawa. Pero.ayokong tapusin ang araw na 'to na pinagtatawanan parin ako ng iba dahil sa katangahan ko.

BINABASA MO ANG
Loving You
Teen FictionWARNING:To all people who is concervative,hates the bed scenes or all the adult scenes.I think and I am sure,this story is not for you. I respect and understand your choice of content,your perspective and your belief,so for you to have a peaceful mi...