Chapter 19

253 11 7
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

"bakit hindi mo i-try na makipag usap ng maaga diyan sa asawa mo?" ani ni PJ saka subo ng Pizza

andito kami sa S&R para mag grocery sa mga kailangan niya at kailangan ko.Nakaramdam kami ng gutom kaya we decide to eat first.

"Like I said kailangan namin ng space.Hindi kami makakapag isip kung ipipilit namin." tugon ko.

"Ano ba kaseng story niyo nun?" tanong niya.

napahinga na lang ako ng malalim,saka nag kwento..

"Schoolmate ko siya,simula elementary hangang Highschool. Madalas din kaming nagkikita dahil sa parehas kaming Glee Club member,but we don't expect na we will fell inlove with each other at parehas na showbiz ang tatahakin namin.Hindi rin naman kami madalas na uusap, magkakatamaan lang tingin tas ayun na pero lumipas ang maraming taon. 3rd year highschool naging seatmate ko siya.He is funny guy kaya ang daling nahulog ng loob ko sakanya,yung mapapatayo kami sa likod or mapapalabas ng classroom dahil sa kaingayan namin kaya kami naging mag bestfriend.Napasama siya sa barkada ko at napasama ko sa barkada niya.Syempre andun na yung mga panunukso,may mga karelasyon kami non na hiniwalayan kami dahil sa closeness namin pero hindi namin hinayaan na ayun yung makakasira sa amin.Nang grumaduate naman na 'ko ng highschool sumabak nako ng showbiz at sakanya wala na 'kong nabalitaan. Hindi narin ako nakapag collage,but after 2years nagkita kami sa isang party.Doon na ulit kami nagkausap at itinuloy lang yung nakaraan.I'm just 19 years old that time pero I secretly fell inlove with him. Hindi rin nag tagal he confess to me na he's inlove with me,then umamin narin ako.Then ayun naging kami,in my twenty first birthday party he propose to me. Yes,ganun kadali at kaaga.I said yes,dun din naman punta non.Sa loob ng mag sasampung taon wala kaming naging problema sa lalaki o babae.Kahit kelan hindi namin pinagtalunan 'to,pero look what is happening now. damage!" kwento ko

nakita ko lang na seryoso siyang nakikinig.

"How simple lovestory is that,pero look tumagal kayo" nakangiti niyang sabi

"parang lahat ng yun ay start at rising action palang at ngayon nasa climax na kami.Napatagal lang.".seryoso kong sabi

"tara na,marami rami pa tayong bibilhin" yaya ko saka tumayo na..

***
Nandito na kami sa bahay at inaayos na lahat ng pinamili namin

nakita ko rin siya na iniikot ang bahay at tinititigan lahat ng tinaob kong picture.

"Is this your family?"ani niya habang hawak hawak ang isang picture frame.

"Oo."maikli kong sagot..

"Pero bakit ganun?Bata pa kayo last na family picture niyo kasama ang dad mo? The rest kayong tatlo na lang?I think this is your sibling and your mom" takhang sagot niya.

binitawan ko ang mga pagkain na ipinapasok ko sa ref saka siya pinuntahan..

bahagya akong sumandal sa patungan ng pictures saka kumuha ng isang frame.

"I was only 10 years old ng iwan kami ng magaling kong tatay.Pinagpalit sa iba at kinalimutan ng ganun ganun lang. " nakangisi kong sabi.

"walang paramdam o ano.Ang sabi nagka anak na daw. Maraming haka-hakang kumalat tungkol sakanya.Pero ang totoo wala akong pake." dugtong ko.

kinuha din niya ang isang pahabang frame kung saan doon nakalagay ang ultrasound ni mommy ng pinagbubuntis niya kami.

"akala ko dalawa lang kayo?ba't tatlo to?" takha niyang sabi

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon