Chapter 22

226 11 6
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

"Lintek, napaka manhid mo talaga!"kaswal na sabi ni Iyay.

Sinabi ko sakanya,lahat ng nalaman ko.Pero ni isang gulat sa reaksyon niya wala akong nakita.

"Seryoso ba 'yang reaksyon mo?"tanong ko.

Ang weird lang kase, ako 'tong natataranta pero siya ganun lang .

"Hello,halata namang gusto ka niya.Halata rin naman na alam niya ang limitasyon niya,kaya wala kang dapat ikabahala" kumportable niyang sabi

Like what the, ako stress na stress na.siya,easy life lang.Napaka!

"I think, I'm inlove with him" ani ko,saka napahawak na lang sa noo ko.

I dont want to admit,pero alam kong ayun yun. Same feeling nung sinabi saakin ni Gie na mahal niya 'ko.Sobrang saya,nagwawala yung puso ko sa saya pero kinokontra lang ng utak ko.

"Ayun lang pa-" Hindi na niya natapos ang sinasabi niya ng manlaki ang mata niya.

"What the fuck! Are you serious!" gulat niyang sabi.

"Ewan,naguguluhan ako.Mahal ko ang asawa ko,pero sa mga oras na magkasama kami hindi ko namalayan nahulog na 'ko. Ewan" ani ko.

saka ko tinakpan ng dalawa kong kamay ang mukha ko.

"Anong plano mo?" agad niyang tanong.

"Ewan o alam ko na pero  pinipilit ko lang guluhin yung utak ko." seryoso kong sabi

sabay kaming napatingin ni Iyay sa phone ko na biglang tumunog.

*PJ IS CALLING

kanina pa siya tawag ng tawag pero hindi ko sinasagot.Hindi ko alam kung anong dapat kong gawin,kaya hangga't maari ayokong gumawa ng kahit na anong hakbang.

"Why,don't you answer?" tanong ni Iyay.

umiling lang ako.

after ilang advice na binigay saakin ni Iyay napag desisyunan ko na ring umalis. They're still staying sa bahay namin dati.Okay na rin yun nang magkalaman naman.

Buti na lang din tapos na ang taping namin ni PJ. May dahilan para hindi kami magkikita.

"Sabi ko na nga ba, andito ka" nakangiting sabi ni PJ na bigla na lang sumulpot dito sa harap ko.

Napatahimik na lang ako,nang marealize kong napakalapit ng mukha namin.

"bakit ka umalis ng bahay,nang hindi man lang nagpaalam ha? hindi mo rin sinasagot yung phone mo? Problema mo ha?" patawa tawa pa niyang sabi.

tch! great pretender,kung kausapin niya 'ko parang magkaibigan lang talaga ang tingin niya.The way how he treat me, hindi ko talaga maiisipang may something.

"wala busy lang,tyaka nagmamadali kase 'ko noon sorry." ani ko,nang hindi man lang siya tinatapunan ng ngiti.

"seryoso, may problema ba? ano or sino?" saka pinisil ang pisngi ko.

agad naman akong napahawak don.Masakit!nlintek!

"Ano nanaman ginawa ng asawa mo?" ani neto..

"We're okay na,sinusubukan narin namin bumalik sa dati. We're doing good." nakangiti kong sabi

hindi narin ako nagulat sa reaksyon niya,tila napatahimik din siya saglit at nag iba ang mga mata.Nasaktan ba siya? nasasaktan ko ba siya? Sinabi ko before na hindi niya deserve ang masaktan, pero what can I do? He need to wake up,magising sa katotohanang hindi pwede ang nararamdaman niya.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon