Chapter 9

240 8 2
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Gie POV.

Nagbibihis na 'ko ng biglang umilaw ang phone ko na hindi ko akalaing nasa kama.

*Alexa is Calling*

Patago ko itong sinagot saka pumasok sa CR

"How many times,I need to tell you na wag kang tatawag. Nandito Ang asawa ko! Ano ka ba!" Inis kong Sabi..

"Easy huh,ganyan ba pag napaligaya kagabi. If I know mas magaling parin ako.I'll wait you here sa condo,get ready.I am not weak like your wife." May pang aakit niyang Sabi.

"Fine,paalis na 'ko"pabulong kong sabi.

Lumabas ako ng CR, bumungad sakin si Reg na tila may ginagawa sa closet.

Narinig kaya niya?

"Ahm.hon, trabaho ko lang" palusot ko.

Binigyan maman niya 'ko ng matamis na ngiti,dahilan na parang natanggalan ako ng tinik sa dibdib.

"Ah ganun ba? I guess you need to go,magbihis ka na dali" pagmamadali niya na tila nag aalala nga na baka malate ako sa appointment ko.

Nagbihis agad ako,hahalikan ko sana siya sa labi ng tumaliwas siya saka ako niyakap.

"Go." Nakangiti niyang sabi .

Umalis ako ng bahay saka pinaandar yung sasakyan.

Regina POV

Nang maka alis ang asawa ko.
Nakita kong may sumunod na sasakyan sakanya and it's PJ.

Napasandal ako sa dingding saka ako unti unting na pa upo.totoo pala na pag sobrang sakit ng nararamdaman mo mapapa-walling ka na lang talaga.

Ayokong maniwala sa lahat,gusto kong paniwalaan yung mga sinasabi niya kahit nasa harap ko na ang lahat ebidensya.
After what happen to us last night,after what I did. Umasa ko na hindi na siya makikipag kita don but where is he? Papunta sa kabit niya.

Napahagulgul na lang ako ng iyak habang naka upo dito sa sahig.

Huli kong naramdaman yung ganitong sakit ng iwan kami ng tatay ko.

Hinayaan ko yung sarili long umiyak.

It takes 15minutes bago 'ko tumayo.

Marami ng nawala sa'kin. Marami na 'kong pag mamay-ari na basta basta na lang kinuha ng iba.Masyado na 'kong mabait,It's time for me to fight for my life.

Ang asawa ko ang buhay ko.
Ang asawa ko lang ang meron ako.Hindi ko hahayaan na kunin na lang ng iba.Pagsisihan niya ang ginawa niyang pagtikim sa asawa ko.

Lakas loob kong pinunasan ang luha sa mukha.

This is not the right time para maging mahina.It's time for me to fight.

Pumasok ako ng kwarto saka naligo.

I put a make to my face.I got a nude look.I don't need to use a red lipstick to make my presence brave,dahil anino ko pa lang she will call her mom to ask help.

Tinali ko lang ang buhok ko saka na 'ko nagbihis.

I wear a light blue fitted dress.

"She ruin a wrong person"

Tinawagan ko na si PJ to ask an update.

"Asan kayo?"

"Andito kami sa QDrill condominum, confirm may kasama siyang babae kakapasok lang nila sa kwarto.I'll to send you,yung picture namumukhaan ko siya" bakas sa boses niya ang pag tatakha.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon