Chapter 13

280 13 3
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

habang nakapikit ako,tumalikod ako at tinungo ang sasakyan ko.

hanga't maaari ayokong makitang nag didikit ang mga labi nila.Ayoko makita na ang labi na minsang naging akin eh pinagkakasiyahan na ng iba.

Nang marating ang sasakyan ko agad ako pumasok at sumubsob na lang sa manibela..

20seconds.20 seconds ang bibilangin ko para sa sagot na kinakatakutan ko.

sa loob ng bente segundo at hindi parin siya sumunod.I think,I need to accept na wala na.

1

2

3

4

...

16 tila bumibigat lalo ang nararamdaman ko..

17 kinapa ko na susi saka isinaksak na ito.

18 napahinga ko ng malalim.I think this is it,pagod narin akong lumaban.Pagod na 'ko.

19 gusto kong bumalik sa umpisa.Ayoko,pero baka heto na nga ang panahon para sumuko..ini-start ko ang sasakyan saka bahagya ko ng itinaas ang ulo ko.

2-

hindi pa 'ko tapos sa pagsabi sa utak ko ng huling numero.Nang biglang may mag bukas ng pinto ng sasakyan ko at umupo ito sa tabi ko..

nilingon ko iyon at nakita ko ang asawa ko.

gusto ko siyang yakapin at halikan.Iparamdam na kung gaano niya napanatag ang loob ko,pero hindi.hindi ko parin kaya,hindi sapat ang pagpunta niya sa'kin para hilumin yung sakit na nararamdaman ko.

napatingin ako kay Kleah na nakaluhod sa sahig habang umiiyak.

Kung bagay lang.Kung isang bagay lang ang hinihingi niya sa:kin.Hindi ako magdadalawang isip ibigay yun sakanya,pero hindi.Asawa ko ang pinaguusapan dito,asawa ko ang mawawala sa'kin

Hindi na 'ko nagsalita pa at pinaandar ko na ang sasakyan.

***
nang makarating kami ng bahay dumiretso na 'ko dito sa CR removing my make up and all.Hindi ko maiwasan mapatitig sa salamin at tingnan ang buong katawan ko.

Ano bang mali? pangit ba 'ko? Many people said 'ang sexy mo naman' 'you are so pretty' 'I think yung papalit sayo hindi pa pinapanganak'

that compliments boost my confident.Sa sobrang pagka confindent ko,hindi ko namamalayan naaagawan na 'ko.

halos mamatay ako kaka-diet at tiisin lahat ng cravings ko.Yes, because of my work, I need to do that but I do that also for my husband. I never think na ipagpapalit niya 'ko pag tumaba na 'ko.Pero I choose to be sexy,para sakanya.Para hindi rin siya makatanggap ng masasamang salita dahil sa'kin.

Pero nagkamali ako.Sexy body is not the answer para hindi ka iwan.Pretty face is not the answer para hindi na tumingin sa iba ang partner mo.

Pero,bakit?Anong mali,sa mga naganapan kong pelikula.Pag niloko ka,parehas kayong may mali.Dalawa lang yan,nagkulang ako o nasakal ko siya.I dont know.

binuksan ko na lang ang shower saka ako tumapat doon.Isinabay ko ang luha sa pag agos ng tubig sa mukha ko.

may mga oras na napapagod narin ang mata ko kakalabas ng luha.Pero kahit anong pagod niya,pag yung sakit ang umaatake.I have no choice.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon