Chapter 18

253 15 8
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

Dala ng inis at bwisit nakarating ako sa bahay ni PJ.

May sakit siya at parang wala naman siyang kasama dito sa bahay niya baka kailangin din niya ng tulong..

nag.doorbell ako, pero tila walang lumalabas.

tch! like what the fuck? Dito mahina ang pasensya ko sa paghihintay.Mababa lang ang bakod niya kaya inakyat ko na lang.

Kung hindi niyo naitatanong laking probinsya ako at halos buong araw akong nasa labas noong bata ako lahat ata ng puno naakyat ko na.Mismong puno ng niyog.

Pinagpag ko lang ang dalawang kamay ko nang makatalon na ako pababa.Easy!

dumiretso ako sa main door at nakabukas 'to,mabuti  naman at hindi ko kaya umakyat mula dito hangang rooftop.Sabi ko batang probinsya ko hindi si Spiderman.

Naitour naman na 'ko dito ni PJ kaya hindi na 'ko nahirapan akyatin yung kwarto niya.
Wala naman siguro kong makikitang babae dito.ano?

Walang  katok katok binuksan ko yung pinto.Tumambad siya sakin na natutulog.

Lumapit ako,0ero hindi ko maiwasang hindi mapatitig sa maamo niyang mukha.

Napaka gwapo! susko!

napa kagat na lang ako sa labi ko ng makita ang labi niyang pulang pula.Kissable lips! shit!Nakakawala ng stress.

Nakita kong unti-unting bumubukas ang mga mata niya kaya umiwas na 'ko ng tingin.

"Reg?" nanghihina pero binigyan niya parin ako ng magandang ngiti.

"are you okay?" pangangamusta ko.

hinawakan niya ko sa braso kaya naramdaman ko ang init ng kamay niya.

agad akong napahawak sa leeg niya.

"Sobrang init mo.Uminom ka na ba ng gamot?" pag aalalang sabi mo.

nakangiti siyang umiiling.

"what? hindi ka pa umiinom? kumain ka na ba?" agad kong tanong

umiling lang rin siya.

"I dont want to eat.Wala akong gana" daing niya.

"You need to eat,wait" wala akong pasabi, saka ako pumunta ng kusina niya.

walang masyadong laman ang ref niya.Halos wala ring mga ingredients.Ano ba 'tong bahay na ito? meron lang mga instant foods. Hindi naman healthy 'to kainin.

Pero no choice,ayun lang ang meron.Nagluto na lang ako ng instant na noodles mamaya na lang siguro ako mag g-grocery para sakanya.

nang matapos akong magluto dinala ko na yon sakanya.

nakita ko siyang nakapikit lang at tila hinang hina.

"here, kumain ka" bigay ko sakanya ng noodles pero tinanggihan lang niya ito.

"I cant eat" daing niya

"PJ hindi kana bata,kumain ka" pinanglakihan ko lang siya ng mata pero hindi parin siya nag pasindak.

napahinga na lang ako ng malalim saka umupo sa tabi niya.

ipinatong ko lang sa side table niya yung noodles saka ko siya pinilit i-upo.Nilagyan ko lang ng unan yung likod niya para kumportable siyang makasandal,
kinuha ko yung noodles saka siya akmang susubuan.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon