ENDING

482 20 34
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Regina POV

"Tayong dalawa ang laging magkasama,tayong dalawa sa hirap at ginhawa..."

bawat letra,bawat salita tila binibiyak ang puso ko.

Kinakanta niya sa harap ng maraming tao ang theme song namin,kung dati kinikilig ako,dati ang saya saya ko.Nung kinasal kami kinanta niya yan,nakakatawa lang na hangang sa huli kong pagsupporta sakanya kinakanta niya.

Hindi ko inakalang dadating ang marriage namin sa ganito.

"Tara na" ani ni PJ

kanina pa walang tigil sa pagpatak ang luha ko.

Ang sakit sakit lang.

Tumango lang ako.

Sa unti unti kong paglakad palayo,kasabay ng pagkanta niya ng theme song naming dalawa.Ang dami-daming ala ala.Ang dami-daming nanunumbalik sa isipan ko.Lahat ng masasaya..

***
Bukas na ang pag alis namin ni PJ,papuntang America.

Gabi na pero andito parin ako sa harap ng bahay namin ni Gie dati.

Halos sampung taon ng buhay ko naging tahanan ko 'to.

Bahay na punong puno ng ala ala. Ala alang hinding hindi ko malilimutan.

Unti unti kong pinasok yung bahay.

Napatingin ako sa kusina.

The best place for me,how to make him happy..

napawi din ang tingin ko sa sala..

My place sa oras na hinihintay ko siya.

halos binibiyak ang puso ko ng patuloy akong umakyat.

Tinungo ko na agad yung kwarto.

Walang ka laman laman.Isang kama at mga unan lang ang andun.I remember nung aawayin ko siya pag makalat.

Hindi ko na kinaya at lumabas na lang ako.

Punong puno ng hinanakit ang puso ko ngayon.This is the last time na pupunta ako dito..

Nakita ko yung room na sa tabi ng room namin..

"Look my love,ito dapat yung kwarto mo.Pero don't worry, mommy can make another one much better of this for you, okay" umiiyak kong sabi,habang nakahawak sa tiyan ko.

bumaba ako,saka tinungo yung pool area

wala nang tubig yun ngayon.

ang gago.

Umupo lang ako saka tinitigan ang wedding ring ko.

Paulit-ulit ko na 'tong tinanggal pero paulit-ulit ko lang binabalik.

Lahat ng ala ala,bumabalik sa'kin.

"Isa kang magandang ala ala sakin.Isa ka sa mga taong hinding hindi ko makakalimutan. Isa ka sa mga taong,paulit-ulit kong pasasalamatan. Sabay tayong nag grow,sabay nating hinarap lahat ng saya o problema.Pero this time may sarili na tayong landas na tinatahak.Bawal lumiko dapat diretso lang,bawal huminto patuloy lang,bawal bumalik dapat abante lang at sana sa dulo ng napakahabang landas ng tinatahak minsang mag  mag krus ang landas natin." I cried.

Itinapon ko ang singsing sa pool.

I am sorry,sa kung anong gagawin ko.I am sorry kung may ipagkakait man ako sayo.For your happiness sake.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon