Chapter 12

224 8 0
                                    

DISCALIMER:Ang lahat ng inyong mababasa ay gawa-gawa lamang ng manunulat. Walang kinalaman sa totoong buhay ng artista o kung sino man.

Kleah POV

"Jusko naman Kleah napaka tagal mo, aayusan pa kita! Magsisimula na yung event!" Sigaw sakin ni Haidy which is my bestfriend.Kapasok pasok ko pa lang ng kwarto namin

"Ayy tangina!ano nangyare nanaman sayo?" Gulat niyang sabi ng napalingon siya sa'kin..

Ako lang naman 'to n pagkagulo gulo ng buhok,namumula ang mukha,putok ang labi at medyo hinang hina parin.Napa-upo na lang ako sa kama saka napa buntong hininga.

"Lintek! San ka nanaman ba galing ha!" Naka sigaw niyang sabi saka kuha ng First Aid Kit.

"Kay Gie" maikli kong sabi.

"Aray!" Daing ko ng higpitan niya ang pagkakalapat ng bulak sa labi ko.

"Ilang beses ko bang sasabihin sayo na tigilan mo na 'yan! Ano nahuli kayo nung asawa? Letche! Lalandi ka tas magpapahuli ka, tapos magpapabugbug ka! This is the second time na gawin niya sayo 'to! Alam mo 'yang! Regina na yan,ako na sasampal jan eh! Masyadong matapang,'di naman mapanindigan ang pagiging asawa" bakas sa boses niya ang pagkakainis.

"Hindi lang naman ako nakapalag kanina, dahil andun si Gie. Kailangan ko magmukhang biktima at ako ang kawawa sa mga mata niya kase akala ko ipagtatanggol niya 'ko.Lintek! Alam mo after lumabas nung asawa.Kinaladkad ako palabas at 'wag na daw ako babalik sakanya.Tangina!"  Gigil kong sabi.

"See! Tinataboy ka na, pinagsisiksikan mo pa sarili mo! Tumigil ka na nga!" Awat sa'kin ni Haidy.

"Ngayon pa? Kung kailang alam na ng asawa? Kung kelang natikman ko na ng paulit ulit? Kung kailang nakuha ko na?ngayong alam na ni Regina ang lahat. Magagalit siya,hindi niya papansinin ang Asawa niya at dun ako aatake.Habang nagmamatigas siya,palihim ko ulit gagapangin ang asawa niya.Alam ko na kung saan ang kiliti ni Gie.Kaya madali ko nang magagawa lahat ng yun at sa oras na yun! Tuluyan ko ng makukuha ang gusto ko at dun lang ako titigil.Doon lang" seryoso kong sabi.

"Bahala ka! Halika na, umpisahan na kitang ayusan at marami raming pundasyon ang kailangan niyang mukha mo. Kung kelang may Event saka ka kase lumalandi. tangina" reklamo niya

"Dami mong satsat!" Nakairap kong sabi.

Gie POV

Andito na 'ko sa Event,sobrang kaba ang nararamdaman ko sa pagkikita namin ng misis ko.After all what I did,hindi ko alam kung anong explenasyon ang sasabihin ko dahil kung sarili ko nga hindi ko mabigyan ng sapat na dahilan bat ko paulit ulit ginawa.

Napatakbo na lang ako ng makita ko si Patrik..

"Pare,bakit parang kabang kaba ka?" Agad niyang tanong ng nakita ako..

Halata na ba talaga ang kaba ko.

"Pare, alam na ni Regina lahat" bulong ko.

"Putangina,Pre!! Tangina. Malaking gulo 'to!" Gulat niyang sabi.

"Alam ko,jindi ko alam kung asan siya.Hindi ko alam kung anong hakbang ang pwede niyang gawin."kabado kong sabi.

"Pare, naman kase!Pa'no ka ba nahuli,tyaka akala ko ba titigilan mo na si Alexa!" Napahawak na lang siya sa ulo niya habang nagsasalita.

"Ayun naman talaga ang balak ko.Nagulat ako ng biglang may nag doorbell sa hote akala ko si Reg kaya binuksan ko.Nagulat na lang ako ng si Alexa yung makita ko.Ayun, inakit niya ko.Pare, lalaki ako alam mong kahinaan natin yan.Tas habang may mangyayari samin dumating si Regina" taranta ko ng sabi.

Loving YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon