No, this can’t be happening!Iyon ang paulit-ulit na sumisigaw sa isip ni Estrella habang nakatingin sa daddy niya na pinapanood ang pagpasok ng isang babae sa resto kung saan sila naroon. Hindi niya alam na may iba pa silang kasama nang mag-aya ang daddy niya na mag-lunch date.
Actually, this wasn’t supposed to be a big deal. Hindi naman ito ang unang pagkakataon na may ipinakilalang babae ang daddy niya sa kanya. But she was never bothered. Hinahayaan lang ni Estrella ang daddy niya sa mga gusto nitong gawin. Whatever her father’s interest and way to spend his time, she will support. Her father had enough. Ayaw niya ulit na makita ito na tila araw-araw gumuguho ang mundo sa pag-alaala sa ginawa ng mommy niya—if her mom actually deserved to be called as such.
Her father was a successful businessman before he retired. Naging vice-president ito ng isang telecommunication company at major stockholder din ng isang fast-food chain na pagmamay-ari ng pinsan niyang si Levi kung saan ang daddy niya ang tumulong sa puhunan. Her father has an existing heart illness kaya nang magkaroon na siya ng kakayahan na suportahan ang pamumuhay nila ay pinatigil na niya ito sa pagtatrabaho. Noong una ay nagmamatigas pa ang daddy ni Estrella dahil ayaw daw nito na umaasa sa kanya but then she insisted because she believed it was the time she had to take responsibility. And to be honest, her father doesn’t need her money. Sa laki nang naipon nito sa pagtatrabaho ay kayang-kaya pa nga siya nitong suportahan kahit hanggang sa pag-aasawa.
“Be good, Ester,” pabulong na bilin ng daddy niya habang papalapit sa kanila ang babae. Halos batakin ni Estrella ang bibig para ngumiti.
“Daddy, I’m always good,” bahagya pang naging sarkastiko ang boses niya. Kaya lang, sa sobra yatang pagkahumaling ng daddy niya sa paparating ay hindi na nito iyon napansin.
This is trouble, napapailing na sambit niya sa sarili. She wasn’t an expert at romance, pero sa mga mata ng daddy niya ay nakikinita na ni Estrella na mukhang may pumapalit na sa espasyo ng mommy niya.
Nasa elementarya si Estrella nang maghiwalay ang magulang niya at naiwan siya sa pangangalaga ng ama. Her mother was a former ballerina. Nagkakilala ang mga magulang niya nang magkaroon ng business meeting ang daddy niya sa US kung saan may sinalihang patimpalak ang mommy niya. It was love at first sight for her father, while her mother… well, she was awed by her father’s social status. Lalo pa at sa sobrang pagkabaliw ng daddy niya sa kanyang ina ay kinukunsinti nito ang lahat ng luho ng mommy niya. It was only what her mother wanted—money and dreams.
Kaya naman nang ipagbuntis siya nito ay nagkagulo na ang relasyon ng mga magulang niya. Her mother never wanted her. Simula nang magkaisip si Estrella ay ramdam na niya iyon. Her mother was very vocal on blaming her about the downfall of her career. Ultimo ang pagkawala ng body curves nito ay isinisi pa sa kanya. She was very young then but she knew her mother wasn't fond of her. Pero dahil pinupunan ng daddy ni Estrella ang pagmamahal ng ina, hindi pa rin niya nagawang mamuhi rito. Her father taught her not to resent her mother whatever the situation is.
Highschool si Estrella nang tuluyan silang iwan ng kanyang ina. Her mother just probably stayed because of her father's financial support. Nakakuha ng offer na mag-train ulit sa isang dancing studio sa New York ang mommy niya at ora-oradang umalis. Gayunpaman, nang iwan sila nito ay halos wala ring pinagkaiba kung hindi. Estrella never felt her presence, anyway. It was only her father all along. Sa kabila ng pagiging abala nito sa trabaho, kailanman ay hindi nagkulang ang daddy niya sa kanya.
Their father and daughter relationship became even stronger when they are left together. They became each other's emotional support. Hindi pinabayaan ni Estrella ang daddy niya dahil kahit hindi nito sabihin, batid ng dalaga na nawasak ito nang umalis ang mommy niya. Because even though her mother hadn't been good enough, alam niyang mahal na mahal ito ng daddy niya. Kaya siya ang nagbabalik ng pagmamahal na iyon. She vowed to protect her father at all costs.
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...