"Ang lungkot naman ng isa d'yan. Parang dry na dry."
Nag-angat siya ng tingin mula sa ginagawang sandwich. Naka-check in sila ngayon ng mga kaibigan sa isang hotel sa Laguna para sa wedding bukas ng isang staff ng agency nila.
"Kapag sinabi mong wala pa rin, tatamaan ka na ng kidlat," si Muse na abala sa pagkain ng nachos.
"True that! Hindi na rin ako maniniwala. Hatid-sundo sa office o kahit offsite ang shoots. Nagtatrabaho pa ba 'yon, girl? Ganda mo, nakakairita ka!" natatawang sabi ni Bree.
"E, ano nga ba? Kayo na?" tanong ni Marge na kanina pa dukot ng dukot sa mga pipino na hinihiwa niya.
Pinalo niya ang kamay ni Marge.
"We're fine."
Napasinghap si Estrella nang may lumipad na throw pillow sa direksyon niya. Buti na lang ay hindi iyon bumagsak sa sandwich.
"Ang charing mo!" tili ni Marinela. "Mga bata ba kayo na okay lang ang walang label? Landian lang?"
Napanguso siya ss kaibigan. Paano naman niya sasagutin iyon kung wala naman siyang konkretong maisasagot? Ni hindi nga niya alam kung ano ba ang "score" sa pagitan nila ni Wayne ngayon. And yet, it doesn't feel wrong, anyway. Ito iyong bagay na hindi siya sigurado pero parang tamang gawin.
Maybe they are trying... it must be the safest word. After all, if they want to make this work, they have to take it slow. Hindi rin naman siya nagmamadali. If they are meant to fall back together, hindi niya kailangang mabahala.
Alas-nuwebe pa lamang ay nagpasya na silang matulog dahil maaga pa ang gising nila kinabukasan. Nakailang baling na si Estrella sa higaan pero hindi siya makahuli ng tulog. Umilaw ang cellphone niya at agad siyang nabuhayan nang makita kung sino ang tumatawag.
Napabangon siya sa kama at tumitig sa screen. Hindi niya alam kung sasagutin ba iyon o tititigan lang hanggang matapos at mag-text na lang siya kung ano ang kailangan nito. Ngumiwi siya sa sarili. Kailan pa siya ninerbiyos sa phone call?
Huminga siya ng malalim at tinanggap iyon.
"Wayne..." bulong niya habang kinakapa ang tsinelas.
"Hey..." his deep voice soothes her ears.
"Lalabas lang ako," aniya at dumiretso sa balcony ng unit.
Isinara niya muna ang pinto at umupo sa bench na naroon.
"Hi," aniya at mariing napakagat sa labi.
"Hi, I miss you..." namamaos na wika nito. Kumalabog ang dibdib niya. She smiled like an idiot.
Nasa Cebu si Wayne para tulungan ang isang kaibigan nito na may project doon. Kagabi ito umalis at sa susunod na araw pa ang balik.
"Kasama mo lang ako kahapon, miss mo ako agad?" Parang gusto niyang batukan ang sarili.
It sounded so... landi!
Narinig niya ang tawa ni Wayne sa kabilang linya. Nakarinig siya ng mga kaluskos. Siguro'y patulog na rin ito. Hinagod niya ang braso nang umihip ang malamig na hangin. Right, she wished he was here, though...
Level up na ang pagka-clingy niya! Nakakahiya!
"Ayun nga, eh. Dahil lagi kitang kasama, hindi na ako sanay kapag wala ka."
Oh, shut up! Baka mamaya ay maghanap na siya ng available flights to Cebu.
Ikalma mo ang puso mo, sis!
"Tapos na ang work mo?" tanong niya.
"Yup. Maaga lang gigising bukas para kitain ang ibang kaibigan."
BINABASA MO ANG
Girlfriends 7: Past, Present, and Forever
RomanceLumaki si Estrella Cassandra na ang katuwang ay ang daddy niya. She was very fond of her father. He's her idol and her hero. Naniniwala siya na hindi na nila kailangan ng ibang tao na bubuo pa sa kanila. At siguradong ganoon din ito sa kanya. They c...